Chapter 17

495 11 19
                                    

Yuri's POV

Anong ginagawa ng lalaking yun dito?!

Sino yong tinutukoy ko?

Si Ryan Bustamante. My first love.. E-eh?? Akala ko nakalimutan ko na yong feelings ko para sa kanya pero Hindi pa pala.

Magkaklase kami noong elementary at isa ako sa mga secret admirer niya. Gwapo, mabait, palatawa, makulit at mayaman kaya sikat sa school. Kahit bata palang ako non na-inlove na ko sa kanya pero Hindi niya naman ako napapansin.

Pero Simula nong lumipat siya ng school Ay wala na akong naging balita sa kanya, unti unti ko naring nakalimutan yong feelings ko para sa kanya. Pero bakit ng makita ko ulit siya Kanina parang tumigil ma naman ang mundo ko? Yong puso ko parang may nagkakarerahang kabayo ng makita ko siya.

Sobrang laki ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gumwapo sheet!! I can't stop my feeling to fall in-love with him all over again.. Ay! Charot!

"Bess, paano mo nakilala yong guy na natapunan mo ng juice Kanina?" Yong isa sa kasama ni Ryan, tinawag niya kasi si Eunice na miss ganda. I smell something fishy..

"Yung mayabang na yon? Nakilala ko sa Manila, muntik niya na akong mabangga non ng sasakyan niya." Ah, kaya pala.

"Infairness Bessy, Ang gwapo niya.." Sabay ngiti ko Kay Eunice.

"Gwapo nga, ubod naman ng kayabangan ang katawan!" Sagot niya.

"At least gwapo.. At mayaman."

"Naku Bessy, tama na nga yan. Tulungan mo nalang akong hanapin si Mr. No manners para maibalik ko na tong keychain na to." May nilabas siyang kulay pulang keychain at susi.

"Kanino na yan?"

"Kay Mr. No Manners nga diba? Ulit ulit?" Bakit ba ang sungit ng isang to ngayon?

"It's been a long time.. Ms. Santos right?" Nagulat ako ng biglang lumitaw sa harap ko si Ryan.

"Ahh.. Uhh.. Yeah! Hi. Nice to see you again." Nauutal utal Kong sabi. Nakaka tense namang kausap ang isang to.

"Hmm. BTW, who's this gorgeous lady with you.?" Sabay kindat niya kay Eunice. Di pa rin siya nagbabago, chickboy pa rin tulad ng dati.

"She's Eunice, my best friend." Pakilala ko kay Bessy. "Bessy, si Ryan nga pala, classmate ko nong elementary." Pakilala ko naman kay Ryan na pangiti ngiti lang.

"Nice to meet you Eunice."

"Nice to meet you din po. Kayo po yong pamangkin ni Madam Rodriguez diba?" Masyado ka talagang magalang Eunice. Sabagay muka namang gurang yang si Ryan eh.

"Yeah.."

"Ahh.. Happy birthday nga po pala.."

"Thanks."

Bigla nalang akong nakaramdam ng pagka O.P sa dalawang nasa harap ko. Hanggang ngayon talaga wala lang ako para kay Ryan, mas napansin niya pa si bessy na ngayon niya lang nakilala kesa sa'kin. Kung mag-usap sila parang close na close na sila.

"Takte naman eh! Nasaan na ba kasi yun?!" Sigaw ng lalaking kasama nong lalaking tumawag kay Bessy Kanina ng ms.ganda.

"Oh.. Hi miss ganda." Inirapan naman ni bessy yong guy.

"Hindi mo pa rin nahanap bro?" Tanong ni Ryan don sa lalaking sumigaw Kanina. Magkakaibigan siguro sila.

"Wala!" Bagnot na sagot nito at umupo sa may kahoy na upuan. Ano ba yong hinahanap niya?

"Malamang pinagka interesan na yun nong naka pulot. Hayaan mo nalang bro." Sabay tapik ni Ryan sa kaibigan.

"Hayaan? No Way Ryan! Alam mo naman kung gaano kahalaga ang keychain na yun diba? That is more precious than anything in this world. Hindi yun mapapalitan ng kahit na ano.!" Ang dramatic naman ni koya.

"Eto ba ang hinahanap mo?" Napatingin kaming lahat kay Bessy at sa hawak niya.

"Next time kasi mag-ingat tayo huh? At walang masamang humingi ng sorry sa nabangga mo Mr. No Manners. Oh.. Pasalamat ka at mabait ako para ibalik ang cute na keychain na to." Hindi naman makapaniwala si guy sa sinabi ni bessy.

"Tara na bessy, time to work na ulit." Tumango ako kay bessy at naglakad na kami paalis doon.

Nathan's POV

"Nabangga mo si Ms. Ganda at di ka man lang nag sorry?" Di makapaniwalang tanong ni Jake.

"Hindi ko na kasalanan na paharang harang siya sa daan Jake." Hindi ko naman talaga siya mababangga kung tumitingin siya sa dinadaanan niya diba?

"Kahit na dapat nag sorry ka man lang.." So kinakampihan niya talaga ang babaeng tumawag sa'kin ng 'Mr. No manners' na yun kesa sa'kin.?

"Why acting like a protective boyfriend of that girl huh?" Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Sinasabi ko lang kung ano ang tama Nathan. At kung boyfriend nga ako Ni Ms. Ganda malamang nilibre ko na kayo at ako na ang pinaka masayang tao sa buong mundo." No doubt, he have a feelings with that girl. My cousin-bestfriend is in love.

"The f*ck Jake! Sa tingin mo magugustuhan ka ni Eunice?" Singit ni Ryan at ano nga ulit? Eunice? Is that her name?

"You know her name? H-How?" Nagtatakang tanong ni Jake kay Ryan.

"Nagpakilala lang naman siya sa'kin at binati pa ako ng happy birthday. How nice right? I think she likes me haha." Masayang saad ng babaerong si Ryan. Mukang pati ang waitress na yun Ay isasama niya sa mga collection niya.

"I know you Ryan! Don't dare to play with her!" Biglang naging seryoso si Jake at sa tingin ko Ay magiging malaking gulo to pag nagkataon.

"Relax lang bro! Haha."

"Hoy kayo! Tama na nga ang pambababae jan di naman kagandahan pinag-aawayan niyo pa!" Saad ko sa kanila at iniwan na silang dalawa.

"Palibhasa bulag ka lang!" Napailing nalang ako sa sigaw ni Jake.

Ako bulag? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Hindi naman talaga kagandahan ang babaeng yun para pag-awayan nila. Isang tipikal na babaeng mahirap at mayabang tss.

Habang naglalakad ako papunta sa tabing dagat ay hindi sinasadyang makakasalubong ko ang babaeng tumawag sa'kin ng Mr. No manners at siyang nagugustuhan ng pareho kong kaibigan. Akala ko papansinin niya ako pero nilagpasan niya lang ako. Hindi ba siya mag so-sorry sa sinabi niya sa'kin?

Grabe siya. Kung makaasta akala mo kung sino.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now