Chapter 19

60 3 0
                                    

Nathan's POV

"Nasaan na daw si Jake?" Tanong ko kay Ryan habang kumukuha ako ng tubig sa ref niya. Nandito kami sa condo niya ngayon at halos kararating ko lang. Nag-aya kasi siya na uminom. Mukhang may problema ang isang 'to.

"On-the-way na.. Nathan.."

"Bakit? Anong problema mo?"

"Mukha ba akong may problema?" Nagsisinungaling pa siya eh halata naman.

Umupo ako at ngumisi.

"Simula nang umuwi tayo galing sa Bohol napapansin ko na yan.. So ano nga? Sabihin mo na Ryan, nahiya ka pa!" Sino ba namang hindi makakahalata eh these past few days minsan lang siya magsalita at tumawa samantalang ubod ng ingay ang lalaking 'to. We're best friends since we're kids kaya bawat liko ng bituka niya ay kabisado ko na.

"Wala naman akong problema.. May iniisip lang."

"Ganon na din yun! Eh ano ba kasi yang iniisip mo? Babae na naman?"

"That girl."

"Sino? Ang daming babae Ryan tss." Naaasar na saad ko nang saktong dumating si Jake na ngiting ngiti.

"Ano namang meron at ang ganda ng araw mo?" Saad ko.

"Wala lang, aalis nga pala ako bukas guys."

"Saan ka naman pupunta?" Ryan.

"Babalik ako sa Bohol." Napailing nalang ako sa nalaman at sa paraan ng pagsagot niya. Sigurado akong ang babaeng mayabang na yun ang dahilan kaya siya pupunta ng Bohol.

"Dahil kay Eunice?" Ryan.

"Bakit Ry, selos ka ba?" Sabay tawa niya.

"Hindi. Magaan lang ang loob ko kay Eunice, hindi ko alam kung bakit.."

"Eh baka nga gusto mo siya?" Saad ko.

"Imposible."

"Bakit naman imposible? Unless may iba ka pang nagugustuhan?" Natigilan siya at napailing. Mukhang may babae nang nakapagnakaw ng puso ng kaibigan ko haha.

"Ano Ryan, sabihin mo na ng mas maaga para alam ko kung may karibal ba ako." Pagbibiro naman ni Jake.

"Magaan lang talaga ang loob ko kay Eunice pero hindi ko siya crush o nagugustuhan.. Parang kapatid lang ang tingin ko sa kanya."

"Whoah! Bago yan Ryan ah! Pero okay yan, atleast hindi tayo magiging magkaribal haha!" Pang-aasar ni Jake na mukhang desidido talagang ligawan ang babaeng yun.

Eunice's POV

Napakaganda ng gising ko ngayon dahil mag de-day off ako. Yohoo! Wala akong trabaho ngayon kaya naman naisip kong gumala.

Medyo late na ako gumising dahil wala naman nga akong pasok sa hotel.

"Saya natin ahh.. Anong balak mong gawin buong araw?" Tanong ni Yuri na kasalukuyang nag-aayos ng sarili. Ako lang ang may day off ngayon, magkaiba kasi kami ng araw ng day off ni bessy.

Nginitian ko siya saka tumayo sa kama.

"May pupuntahan ako." Nakangiting saad ko.

"Saan naman?" Curious na tanong niya.

"Secret. Hehe."

"Ewan ko sa'yo bessy! Oh basta! Mag-iingat ka kung saan man yang lakad mo huh? Saka pasalubong na rin. Sige na alis na ako!"

"Hoy kumain ka na ba?!" Sigaw ko sa kanya.

"Oo, may pritong itlog pa diyan kumain ka na!" Sigaw Niya pabalik at umalis na. Anong oras na rin naman kasi siguradong ma-le-late yun kapag nakipagkwentuhan pa sa'kin.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now