Chapter 37

23 0 0
                                    

Sam's POV

Kanina pa ako nagpapa-ikot ikot sa lugar na kinaroroonan ko pero hindi ko talaga mahanap ang restobar ni Nathan at Jake. Tss. Mahina talaga ako sa direksyon kaya wag na kayong magtaka.

May napansin akong babaeng maganda na huminto sa tabi ko. May kausap ito sa cellphone.

"Yeah I'm already here."

"What's the name again?"

"Alright. Thanks."

Taray ni ate ang shala magsalita. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako kaya naman nagulat ako nang magtama ang paningin namin. Nginitian ko nalang siya dahil nakakahiya..  Nahuli niya akong pinapanood siya, baka ano pang isipin niya. Nauna na akong naglakad palayo at di na siya pinansin. Hahanapin ko nalang si Nathan.

Halos kalahating oras akong nagpaikot-ikot sa lugar na sinabi ni Ryan. Napagod na ako't lahat lahat ay hindi ko pa rin matunton ang restobar nila Nathan.

Anong klaseng restobar ba yun at hindi mahanap hanap? O baka naman pinagtataguan ako ng lalaking yun? Tss. Kung anu ano ng naiisip ko. Imposible naman yun. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naisipan ko na kumain na muna.

Napadpad ako sa hile-hilerang restaurant. Lahat sosyal kaya hindi ko alam kung saan ako kakain. Inisa isa ko lahat ng restaurant na madaanan ko baka sakaling may mas mura ang menu kaso iba ang nahanap ko.

Kanina hinahanap ko ang restobar na 'to wala ngayong restaurant ang hinahanap ko para sana kumain saka naman sumulpot.

N&J Restobar

Pumasok ako at lumapit sa counter.

"Good morning! Welcome to N&J Restobar. May I have your order Ma'am?" Tanong ng lalaking cashier. Walang gaanong customer at tahimik ang lugar. Kaunti lang rin ang nakikita kong staff. Iginala ko ang mga mata ko baka sakaling makita ko si Nathan o kaya si Jake.

"Uh-m.. Can I ask?"

"Sure Ma'am. How can I help you?"

"Do you know.. Na-! "

"Bruce did you saw Natha– Sam?" Nginitian ko si Jake at kumaway. Yong cashier naman ay nagpalipat lipat ang tingin sa'min ni Jake.

"Sam? Anong ginagawa mo dito?"

"Ah sir.. You know her?"

"Yeah. She's Sam, she's a friend." Jake.

"Oh really? I thought she's you're girlfriend."

"Hahahaha. No she's not. Will just talk. "

Inaya ako ni Jake sa isang table para makapag-usap daw kami.

"Kelan ka pa dumating Sam?"

"Kahapon lang."

"Sinong kasama mong pumunta dito?"

"Ako lang."

"Are you here for Nathan?" Natigilan ako saglit at saka dahan dahan na tumango sa kanya.

"I see. Well, nandito siya kanina pero mukhang umalis ata, di rin siya nagpaaalam sa'kin. Actually hinahanap ko rin siya e, may itatanong sana ako."

"Ganon ba? Wala ka bang idea kung saan siya pwedeng pumunta?"

"Meron."

"Saan?"

"Sa tingin ko ay.. Kasama niya si Margaret."

"Margaret? Sino yun?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pangalang binanggit ni Jake. Hindi ko naman kilala ang babaeng yun pero bakit ako biglang kinabahan.

Lumabas kami ni Jake ng restobar para hanapin si Nathan.

Nakarating kami sa tapat ng malaking bahay.

"K-Kaninong bahay yan?" Kinakabahang tanong ko kay Jake. Nasa loob pa rin kami ng kotse niya. Deretso ang tingin niya at saka sumulyap sa bahay na nasa tapat.

"Kay Margaret." Sagot niya na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Anong ginagawa nila dito? Sigurado ka bang nandito si Nathan?" Tanong ko pero napakaseryoso niya.

"Yeah. " Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Kinakabahan pa rin ako sa mga naiisip ko. Bakit kailangang pumunta pa si Nathan sa bahay ng Margaret na yun? Sa anong dahilan?

"Sam.. Akala ko ba gusto mong makausap si Nathan? Halika na." Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Jake hanggang sa makapasok kami sa malaking bahay.

Nag doorbell si Jake at ilang minuto lang ay may nagbukas sa'min ng pintuan.

Napanganga ako sa nasa harapan ko ngayon.

Si Nathan.

Si Nathan ang nagbukas ng pinto at may karga kargang sanggol.

"Sam?" Gulat na reaksyon niya. Hindi ako nagsalita.

"Nathan who's that?" May magandang babae ang lumapit sa'min. Matangkad ito, sexy, meztiza, mahaba ang buhok, tiningnan ko siya mula paa hanggang mukha. Siya yong babae kanina na bumaba sa kotse at may kausap sa phone noong hinahanap ko ang N&J Restobar.

"Oh Hi! Hi Jake!" Napaiwas ako ng tingin sa babaeng nasa harapan ko at tiningnan si Nathan at ang karga niyang sanggol.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Hindi na ako nakatiis at nag-walk out ako. Narinig kong tinatawag ako ni Jake pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad kahit di ko alam kung saan ako pupunta.

Nakakainis! Nakakainis ang Nathan na yun. Akala ko ba gusto niya ako? Eh bakit may iba na siya agad? Sayang lang pala yong effort ko. Pinuntahan ko pa siya dito, para ano? Para ipamukha sa'kin na hindi naman niya talaga ako gusto? Letse siya!

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa bahay ni Lolo. Nagtanong tanong nalang ako kung paano sumakay pauwi.

"Oh hija.. kumusta ang lakad mo? Nakausap mo na ba yong kaibigan mo?" Tanong ni Manang Adelle pagdating ko.

"Pahinga lang po ako manang.." Malungkot na saad ko. Ramdam kong sinundan niya ako ng tingin pero wala akong lakas para magkwento nang nangyari.

Isinara ko ang pinto ng kwarto ko. Umupo ako sa kama at inalala ang nagyare kanina lang. Inalala ko muli ang hitsura ni Nathan at ng babaeng kasama niya sa bahay na yun. So siya yong Margaret? Hindi niya ako mahal. May Mahal na siya at hindi ako yun. Hindi ako importante sa kanya. At may baby na siya.. Huli na ako.


Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Kinuha ko lahat ng gamit ko sa lagayan at isinilid lahat sa maleta.

Kung may iba na siya para saan pa at nandito ako? Siya naman talaga ang pinunta ko dito pero ang sakit lang. Ang sakit pala. Sana hindi nalang ako umasa. Pero sana rin kasi hindi niya ako pinaasa diba?

Kinuha ko ang maleta ko at bumaba ng hagdan.

"S-Sam saan ka pupunta hija?" Nag-aalalang tanong ni Manang.


"Uuwi na po ako."

"Huh? Bakit? Hindi ba't dalawang linggo ka kamo dito? Ba't biglaan naman ang alis mo? May nangyare ba?" Hindi ko na napigilan at napayakap ako sa kanya at umiyak.

"Sam hija?"

"Manang... Ang sakit sakit po eh. Pinaasa niya ako. Umasa ako na gusto niya ako pero may mahal na pala siyang iba."


"Tahan na hija.. Tahan na.."

"Sam.."


"Nathan?"

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon