Chapter 38

27 0 0
                                    

Nathan's POV

Nagulat ako nang makita ko si Sam pagbukas ko sa pinto. Pero mas nagulat ako nang umalis siya agad at wala man lang sinabi pagkakita niya sa'kin.

"Anong nangyare don?" Nagtatakang tanong ko. Iiling iling naman si Jake.

"Sa tingin mo bro ba't kaya siya nag-walk out pagkakita sa'yo?"

"I don't know.

"Tss. Manhid. Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Te-ka sino ba yung babae? Girlfriend mo ba yun Nathan?" Tanong naman ni Margaret.

"Future girlfriend niya." Sagot ni Jake na ikinanoot ng noo ko.

"Oh? Eh ba't umalis agad?"

"Ano ba sa tingin niyo ang iisipin niya pagkatapos niya kayong makita na magkasama sa iisang bahay? And worst may karga pa itong si Nathan na bata?"

"Aww oo nga ano? Di niyo naman kasi sinabi na darating siya, sorry. Nathan, go talk to her." Kinuha ni Margaret si baby Mori at kinarga.

"Jake... Anong ginagawa ni Sam dito?" Tanong ko kay Jake nang makaalis si Margaret na karga karga si Mori.

"Malamang pinuntahan ka? Pasalamat ka at crush ko lang si Sam at pinsan kita kung hindi–" Hindi niya tinuloy ang sinasabi. "Tss. Just follow her. Ite-text ko nalang sa'yo kung saan siya nakatira."

"You even know where she live? Bakit ako hindi?"

"Pwede ba Nathan wag ka na ngayon mag-inarte! Puntahan mo na siya dahil baka wala ka ng maabutan. Sayang ang oras."

"Bakit ko siya pupuntahan? Ano bang ibig mong sabihin? Do I really need to explain kung bakit ko kasama si Margaret at kung bakit ako nandito?"


"Malamang! Pinayagan ka ni Tito Ethan na magpatakbo ng Company niyo pero ang slow mo! Of course you need to explain because you love her."

"But she doesn't love me." Matigas na saad ko.


"Alam mo Nathan gustong gusto na talaga kitang suntukin ngayon sa mukha para magising ka. Pumunta pa si Sam dito sa Canada para lang makita ka sa tingin mo ba hindi ka niya gusto? Engot naman neto! Nakita mo ba yong reaksyon niya kanina pagkakita sa inyo ni Margaret? Nagselos siya at malamang iniisip non na may iba ka na." Tinamaan ako sa sinabi niya. Napaisip ako. Bakit nga ba nandito si Sam? At bakit ganon nalang ang reaksyon niya?

"She loves me too?"

"Oo pero baka iniwan ka na ngayon. Baka bumalik na siya ng Pinas." Hindi na ako nagsalita, tumakbo ako sa kotse ko at nag-drive. Nang makaalis ako ay saka ko lang na-realized na hindi ko pala alam kung saan ko pupuntahan si Sam.

Bzzt.. Bzzzt..

Kinuha ko yong phone ko. Nagtext si Jake. Napangiti ako nang mabasa ang text niya. Address yun ng bahay ng Lolo ni Sam. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko dahil baka hindi ko na siya maabutan.





Sam's POV


"Sam."

Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko si Nathan sa may pinto.

"Nathan?"


"Anong ginagawa mo dito Nathan?"

"Siya ba yong tinutukoy mong lalaki hija?" Bulong ni Manang Adelle, tumango naman ako na ikinangiti niya.

"Ka-gwapong bata."

"Uhm.. Good afternoon po.. I'm Nathan. Pwede ko po bang makausap si Samantha?" Lumapit sa'min si Nathan.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now