Chapter 11

168 7 0
                                    

Eunice POV

"Wow ang bango.." Sambit ni Yuri ng pumasok kami sa hotel kitchen. Naabutan naming busy sa pagluluto si Chef Mayra. Sa lahat ng chef ng hotel na to si Chef Mayra yong pinaka-close namin ni Yuri. Bukod kasi sa mabait siya eh masaya siyang kasama at kausap. Kapag wala namang customer Ay lagi namin siyang binabantayan na magluto. Alam niyo na..:)

"Culinary Arts ang course niyo diba?" Tumango naman kami ni Yuri.

"So I guess magaling kayo sa kusina..?" Nagkatinginan kami ni Yuri at natawa.

"Naku, chef Mayra.. Alam niyo po bang Si Eunice ang pinakamagaling kumain na babae sa kusina." Sabay tawa ng bruha.

"Hindi kaya, ang sabihin mo ikaw.. Tingnan mo nga oh, muka ka ng baboy." Asar ko sa kanya, napataas lang siya ng kilay.

"Kung baboy ako, ikaw balyena. Tsk." Ganti niya.

"Balyena nga maganda naman." Sagot ko ng mapang-asar.

"Naku kayong dalawa tumigil na nga kayo dyan, ang ibig Kong sabihin sa sinabi ko eh kung magaling kayo sa pagluluto iba't ibang pagkain." Natatawang turan ni chef Mayra na siyang kinatawa namin ni Yuri. Yun pala yun? Hihi.

"Yun po pala yun? Haha. Actually po Ay magaling talaga kami ni Eunice magluto lalo na po si Eunice, Alam niyo po bang grumaduate yan ng Summa Cumlaude..?" Tsismosa talaga ang babaeng to.

"Seriously..?" Di makapaniwalang tanong ni Chef Mayra.

"Ah opo."

"Wow! You're so smart Eunice, I'm so sure na mapro-promote ka kaagad dito lalo na pag nakita nilang masipag ka at deserving.." Napangite naman ako sa sinabi ni chef.

"Haha. Thank you po.. Sana nga po chef Mayra."

"And BTW, nameet niyo na ba si Madam?"

"Madam?" Chorus na sabi namin ni Yuri. Who's Madam?

"Yes, Madam is the owner of Casa de Rodriguez. Didn't you know her?" Napailing nalang kami ni Yuri dahil wala naman kaming idea kung sino ba si Madam or should I say the owner of the hotel resort.

"You will meet her soon.."

***

"Here's you order Ma'am." Sabi ko ng nakangite sa isang customer.

"Thank you Miss." Sabi niya kaya umalis na ko at lumapit Kay Yuri na katatapos lang din mag serve sa ibang customer. Sa dalawang linggong pagta-trabaho namin dito Ay kapansin pansin nga namang isa ang hotel na to sa pinakasikat na hotel sa buong mundo. I wonder kung magkano ang kinikita ng may ari sa isang araw e halos puno lagi ang hotel nila for reservations, caterings and etc. Iba pa ang kinikita ng hotel restaurant sa restaurant ng resort. O diba? Siguradong may isang milyon ang kinikita ni Mrs. Rodriguez sa isang araw lang.

"Okay ka lang Bess?" Tanong ko Kay Yuri dahil parang ang tamlay niya.

"Huh? Ah, oo naman.. Sumakit lang yong paa ko kakalakad." Sagot niya tas napatingin sa paa niya na namumula.

"Gusto mo gamutin natin?"

"Mamaya nalang Eunice, may trabaho pa tayo." Oo nga pala.

Nang mag aalas dose na Ay pumunta na kami ni Eunice sa mini apartment na tinutuluyan namin dito sa resort para kumain.

"Oh kumain na kayo." Yaya ni Kate pagpasok namin.

"Asan si Leila?" Oo nga, nasan kaya yong babaeng yun? Bakit di siya pumasok Kanina?

"Naku! Nasa kwarto tulog, masakit daw ang ulo." Paliwanag ni Kate habang hinahanda yong pagkain sa mesa.

"Pinainom mo na ba ng gamot?" Tanong ko.

"Hindi pa eh."

Pagkatapos naming kumain Ay pumunta ako sa kwarto at nadatnan ko si Leila na natutulog.

"Leila! Leila gising na. Uminom ka muna ng gamot." Maya maya pa Ay nagising na siya.

"Kumain ka na.. Masakit pa ba ang ulo mo?" Tumango lang siya.

Pagkatapos niyang kumain Ay uminom na siya ng gamot. Nang mag aala-una na Ay bumalik na kami ni Yuri sa hotel. Si Kate naman Ay bumalik na rin sa restaurant ng resort, doon kasi sila naka-assign ni Leila.



The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now