Chapter 3

289 10 0
                                    

"Bye Sab!" Paalam ni Aleah sa kanyang pinsan. Ngayon na kasi ang balik nila ni Vander sa Korea.

"Hay Naku pinsan. Wag ka na ngang malungkot dyan.. Akala mo naman di na tayo magkikita ulit. Don't worry kapag di ako masyadong busy dadalaw kami ni Sam sa Korea, namiss ko na din yong pamangkin ko eh." Niyakap ni Sab si Aleah.

"Promise yan Sab huh?"

"Of course.. Sana rin kapag may time tayo gusto kong pumunta ng Canada.. You know, I miss that place, and of course my Dad.." Bigla siyang nalungkot ng maalala ang daddy niya na mag-isa sa Canada tanging si Manang Adelle nalang at mga katulong nila ang kasama nito sa mansyon nila... Hindi kasi nito maiwan ang kompanya nila doon.

"Me too.. But you know, baka makita ko pa dun si bruha kaya wag nalang." Ang tinutukoy ni Aleah Ay ang ex-bestfriend nilang si Tin.

"Until now I can't imagine na nagawa yun saatin ni Tin.. Tinuring ko na siyang parang tunay na kapatid.." Naiiyak si Sab sa tuwing naaalala niya lahat ng mga ginawa ni Tin.

"Hay naku. Wag na nga natin siyang pag-usapan, nakakasira lang ng mood ang bruhang yun." Sabi ni Aleah.

***

"Bye tita Aleah, tito Vander, tito Claud." Paalam ni Sam.

"Eh sakin dika ba mag-papaalam?" Nagtatampong wika ni Ryan Kay Sam. Uuwi narin kasi sila sa Maynila dahil tapos na ang bakasyon.

"Wag na, di naman kita mamimiss eh." Sam.

"Edi WaG." Ryan at nag walk out pero hinabol siya ni Sam.

"Uy, uy. Joke lang naman yun eh. Mamimiss kita Ryan panget! Haha!"

"Whatever!"

***

"Miss Samantha bumaba na daw po kayo para mag breakfast."

"Opo yaya, bababa na!"

"Good Morning princess:)"

"Morning Mom, Dad."

"Halika na. Kain na tayo, we're going to the mall.."

"Really mommy?" Kumikinang ang mga mata ni Samantha sa sinabi ng mommy niya.

"Of course baby.. Mag shoshopping tayo.. Kaya let's eat na."

"Let's go." Pasakay na sana sila ng kotse ng dumating si Nathan kasama si Gwen at Ethan.

"Oh Nathan, anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya Kay Nathan na mukang malungkot.

"Magpapaalam na kasi ako Sayo eh."

"Babalik na ba kayo ng Canada?"

"Nope.. We will stay here for good."

"Yun naman pala eh, bakit ka malungkot?"

"Kasi magkakalayo na tayo, sabi ni Mommy sa Manila na daw kami titira."

"Malapit lang naman ang Manila eh, tyaka magkikita pa naman tayo diba?"

"Oo naman Sam.. Siya nga pala ngayon na yong Alis namin. Mamimiss kita.."

"Mamimiss din kita.. Sandali lang antayin mo ako dito." Tumakbo si Sam pabalik ng mansyon. Si Sabrina at Ivan naman Ay kausap si Ethan at Gwen.

Pagbalik ni Sam Ay may inabot siya Kay Nathan.

"Nathan, wag mong iwawala to ah.. This is the sign of my love for you. Kahit anong mangyare promise me.. Na lagi mo tong kasama. Promise me na ako lang ang magiging bride mo someday." Naluluhang wika ni Sam at binigay ang isang pulang keychain na may nakaukit na 'Samantha LOVE Nathan' tapos may batang babae at lalaki na magkaholding hands sa baba nong sulat.

"Thank you Sam, promise.. I will treasure this a lot. And I promise that someday you will be my bride and I Will be your groom, no matter what happens." Nakangiteng pahayag ni Nathan.

"I will too.." Niyakap ni Sam si Nathan kaya pareho na silang naiyak.

"Nathan Tara na!" Napahiwalay ang dalawang bata.

"Bye, Sam.. Babalik din naman kami eh.." Gwen.

"Basta po, mag-iingat kayo ah.." Umiiyak niyang sabi kaya napangite nalang sila Sab.

"Of course Sam. Mag-aral mabuti hah? Don't worry sayo lang ako boto para Kay Nathan Haha!" Si Ivan naman ang nambatok Kay Ethan.

"Baliw ka talaga Ethan! Umalis na nga lang kayo.. Bye Nathan.. Be good to your Mom hah? Kahit wag na sa Daddy mo." Natawa naman si Nathan, Sab, Sam at Gwen sa sinabi ni Ivan.

"Che! Tara na nga!"

"Pano ba yan.. Ingat kayo bro." Tumango naman si Ethan.

"Bye bes, bye Sam." Paalam ni Gwen at niyakap ang kaibigan.

"Bye po, bye Samantha." Ngumite naman ng pilit si Sam at nagpaalam na Kay Nathan.

***

"Sam are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Sabrina sa anak. Nakarating na sila sa Mall pero tahimik pa rin si Sam.

"Sam, do you want ice cream?" Tumango lang siya sa sinabi ng daddy niya.

Pagkatapos nilang kumain ng ice cream Ay naglibot-libot lang sila sa buong mall. Binilhan nila si Sam ng bagong damit, sapatos, laruan, bag, at kung ano ano pa. Halatang mahal na mahal nila ang kanilang anak.

"Pagod na ko, kumain muna tayo." Pumunta sila sa isang restaurant at nag-order si Ivan ng marami para sa kanilang tatlo.

"Wow.. I love Menudo." Nagningning ang mga mata ni Sam dahil paborito niya ang menudo.

"Princess, dahan dahan lang baka mabulunan ka." Suway ni Ivan sa anak.

"Ang sarap po kasi eh, balang araw po magiging isa akong chef ng hotel natin, kasi gusto ko pong magluto ng menudo hihi." Napangite nalang ang mag-asawa dahil laging yan ang sinasabi ni Sam tuwing kumakain sila.

"Of course princess. Someday ikaw na rin ang mag mamanage ng Casa de Rodriguez." Ivan.

Someone's POV

"Boss, nasa Mall po sila ngayon." Sabi ng tauhan ko sa kabilang linya.

"Good, I'll go there. Send me the exact address. I will call you later."

"Yes boss." Napangisi ako dahil ito na ang oras ng paniningil.

Humanda kayo Sabrina at Ivan.. Hindi ko kayo hahayaang maging masaya. Isang bagay lang naman ang Alam Kong pinakamahalaga sa inyo.. Kaya kapag nawala ito sa buhay niyo, siguradong mawawasak kayong dalawa!

Hintayin niyo lang ang aking matamis na paghihigante!

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora