Chapter 12

170 7 0
                                    

Eunice POV

"Guys! Magsilabasan kayong lahat! Parating na si Madam!" Sigaw ni Mrs. Che. Ngayon daw kasi bibisita si Madam, isang buwan na daw simula ng huling bisita niya dito sa hotel resort.

"OMG Bess, I'm so excited to meet Madam.." Tili ni Yuri habang papunta kami sa harap ng hotel para salubungin si Madam.

"Wag kang atat Bess.." Maya maya pa Ay nakita Kong naglilinyahan na ang lahat ng empleyado ng Casa de Rodriguez.

Nakipila na rin kami ni Yuri pero sa pinakadulo kami. Nakita ko pa nga si Kate na nasa bandang harap. Ganito kasi yan.. Dapat daw kasi kapag darating o bibisita ang may ari ng resort Ay kailangang salubungin lahat ng empleyado, mapa chef, waiter/waitress, katulong, janitor, guard, secretary, manager, caretaker, hardinero at iba pa tapos Ay maglalakad siya sa gitna saka kami mag ba-bow.. O diba..? Sosyal! Daig pa ang presidente ng Pilipinas ang peg. Parang Royal Blood lang ganon.

BEEP! BEEP! BEEP!

May pumasok na puting kotse. Pagkahinto nito Ay may bumabang lalaking nakatuxedo at binuksan ang pinto sa bandang likod.

Lahat kami Ay inaabangan ang pagbaba ni Madam. Unang nakita namin Ay ang kumikinang na kulay pulang hills. Natawa pa ako ng may hawak pala si Manong naka tuxedo na payong.

Ano kayang itsura ni Madam?

Siguro Ay masungit siya at nakakatakot tulad ng mga mayayaman na napapanood ko sa T.V.

Natulala ako ng may bumabang artista, I mean magandang babae. Omg!

Ang ganda niya.. Nakasuot siya ng pulang dress, naka shades, may beach hat siya tapos red hills. Ang simple ng pormahan niya dahil wala kang makikitang kung ano-anong burloluy o abobot sa katawan niya maliban sa relo.

Matangkad. CHECK✔

Maputi. CHECK✔

Sexy. CHECK✔

Makinis. CHECK✔

Lahat ng mata Ay nakatitig sa kanya habang naglalakad. Sa tuwing dadaan siya Ay nag ba bow yong mga epleyado. Hanggang sa dumaan na siya sa tapat namin.

Unti unti akong yumuko para magbigay galang pero ng itaas ko na yong ulo ko Ay nagtama yong mata namin ni Madam.

Bakit ganon?

Parang.. Parang may kakaiba..

"Madam let's go!" Narinig Kong sabi ni Manager Che at tumingin dito si Madam tapos naglakad na sila papasok ng hotel.

Habang naglalakad sila Ay nakatingin lang ako.

Bakit ganon? Parang nakita ko na siya dati..? Aishh! You're paranoid Eunice!

"Bess ang ganda pala ni Madam! Akalain mo yun.. Para parin siyang dalaga kahit may asawa na siya..? Omy, para siyang model." Tama si Yuri.

***

Sabrina POV

Ilang buwan din pala, ilang buwan din akong Hindi nakadalaw dito sa resort.

Wala akong ginawa kundi mag stay sa bahay, actually.. Malapit lang naman ang bahay namin dito sa resort. Ginusto ko lang magpahinga muna sa trabaho, mabuti nalang at nandyan si Che na manager ng hotel.

Ilang taon na rin na wala akong balita Kay Ivan maliban doon sa nabasa ko sa dyaryo. Masakit, pero anong magagawa ko..? Paano nga kung may iba na siyang pamilya sa ibang bansa? Kaya ko ba? Magiging masaya nalang ba ako para sa taong mahal ko?

Nandito ano ngayon sa tabing dagat habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Ang dami dami na palang nangyare sa buhay ko. Andami naring problema ang napagdaanan ko. Pero lahat ng yun Ay nakaya ko. Pero ngayon, pakiramdam ko wala na akong lakas lumaban. Sa tuwing gigising ako ng umaga Ay muka ng Anak at asawa ko ang gusto Kong makita, gusto ko silang mayakap, mahalikan at sabihin kung gaano ko sila kamahal. Pero huli na ang lahat. Wala na sila sa piling ko..

Sa sobrang lalim ng iniisip ko Ay di ko namalayang tumutulo na naman ang mga pasaway Kong luha. Heto ako, talent ko na ata amg umiyak sa tuwing naaalala ko sila.

Tumingin ako sa kulay asul na langit at pumikit.

"Samantha.. My princess, my daughter, kung naririnig mo man si Mommy. Anak, sabihin mo naman sa daddy mo na umuwi na siya oh. Kasi miss na miss na siya ng mommy eh. I'm so sorry anak, hindi man lang kita naprotektahan, hindi ko man lang naingatan ang pamilya natin. I'm so sorry.. I'm so sorry Sam."

"Madam?"

Pinunasan ko Yong Luha ko at tumingin sa nagsalita.

"Ah, uhm.. Ayos lang ho ba kayo?" Kitang kita ko sa mata niya ang concern. Kung hindi akong nagkakamali Ay siya yong babae Kanina na nakapila sa pinakalikod. Sa totoo lang Ay magaan ang pakiramdam ko sa batang to.

"Yes I'm fine. You're new here right?"

"Yes po." Magalang na bata.

"BTW, I'm Sabrina Rodriguez and you are?" Kahit naman kasi ako ang may ari ng resort eh gusto ko paring makitungo ng maganda sa mga empleyado ko.

"Eunice po, I'm Eunice Guizon." Pagpapakilala niya ng nakangite.

"Eunice! Eunice Tara dun bilis!"

"Ah, sige po madam. Maiwan ko na po muna kayo."

"Sige Hija, its nice to met you."

Umalis na siya at sinundan yong kaibigan niya ata.

Siguro kung buhay pa si Sam Ay magkasing-laki na sila.

'Bakit kaya ang gaan ng loob ko sayo, Eunice Guizon?'

***

Nathan POV

Kasalukuyan akong nasa office ngayon ng may tumawag.

["Bro! Busy kaba sa Saturday?"]

"Hindi naman, why?"

["Wala ka bang natatandaan?"]

"Huh? Wala eh, ano bang meron sa Saturday?"

["Bro Naman, birthday ko kaya yun.."]

"Oo nga no? Haha, nakalimutan ko Ryan. So? What's the plan?"

["Tch. Palibhasa puro ka trabaho. Balak ko nga sanang magcelebrate. Darating din sina Gale, Tito Vander, at Tita Aleah. O ano sama ka ah."]

"Eh saan kaba kasi mag ce-celebrate?"

["Sa Bohol. Sige bro, may work na ko. Bye!"]

'BOHOL'

'BOHOL'

'BOHOL'

BAKIT DUN?

Ilang taon ng hindi ako pumupunta dun. Pagkatapos ng libing noon ni Sam Ay hindi na ko bumalik ng Bohol. Bakit? Dahil naaalala ko lang ang lahat. Gusto Kong makalimutan si Sam pero bigo ako. Sa lugar na yun, lugar kung saan ko siya unang nakilala, kung saan kami naging magkaibigan, kung saan ako nangako ng pagmamahal ko sa kanya pero sa lugar na yun na kung saan Ay punong puno kami ng masasayang memories Ay napalitan ng malungkot na alaala.

It's been 13 years...








The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now