Chapter 22

63 5 3
                                    

Ivan's POV

Hindi ko maitago ang ngiti sa mukha ko ngayon. Sa wakas, nagkaayos na rin kami ni Sabrina.

Papunta kami ngayon ni Sean sa Casa. Casa de Rodriguez, ang lugar na yun ang lugar na pinaka-espesyal sa'kin at kay Sab.

"Daddy, makikita po ba natin doon si ate Eunice?" Tanong ni Sean. Hindi kataka-taka na gustong gusto ni Sean si Eunice, napaka-bait kasi nito. Sa totoo lang ay napakagaan ng loob ko sa batang yun. Siguro dahil kaedad siya ni Samantha. At Isa pa, malaki ang utang na loob ko kay Eunice, she really helped me para magkalakas ako ng loob na harapin si Sabrina. Noong una kasi natatakot talaga ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko oras na magkaharap na kami. Noong una ang Plano ko lang ay tingnan lang siya sa malayo, gusto ko lang siyang makita at malaman ang lagay niya. Hindi ko inaasahan na magkakaayos agad kami.

Siguradong matutuwa sila Ethan kapag nalaman nila na ayos na kami ni Sabrina.

"Oo naman.. Magkikita kayo ni ate Eunice doon." Tuwang tuwa naman siya sa sinabi ko.

Kinwento ko na lahat kay Sab ang tungkol kay Sean. She understands me at handa siyang maging ina para kay Sean. Siguradong matutuwa siya kapag nakilala niya si Sean at siguradong magugustuhan niya rin si Sean.

Eunice's POV

"Bess! Narinig mo na ba yong chismis?" Tumabi sa'kin si Yuri. Pareho kaming nakaupo sa buhanginan ngayon.

"Chismosa ka talaga." Pang-aasar ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

"Nandito ngayon ang asawa ni Madame! Gosh Nakita ko siya! Ang gwapo gwapo ng asawa ni Madame mukhang artista! At naku Bess, napaka pogi din ng anak nila parang amerikano! Napakaganda ng pamilya nila." Napangiti nalang ako. Kung alam mo lang Yuri, kung alam mo lang ang totoo.

Nakita ko nga kanina si Tito Ivan at Sean. Nagkwentuhan pa nga kami ni Sean kanina. Masaya ako na maayos na ulit si Madame at Tito Ivan. They both deserve to be happy at masaya rin ako kay Sean. Kahit hindi niya kasama ang tunay niyang pamilya maswerte pa rin siya at nanjan si Tito Ivan at Madame.

"Hayyy.. Ang saya saya ng mga tao ngayon pero may isa akong kakilala na parang pinagsakluban ng langit at lupa." Saad ni Yuri, alam kong ako ang tinutukoy niya.

"Anong problema Bess?"

"Namimiss ko na sila Nanay at Tatay. Naisip ko lang kung babalikan pa kami ni itay." Saad ko at napayuko. Inakbayan ako ni Yuri.

"Tiwala lang bess, magiging maayos din ang lahat. Mabubuo rin kayo ulit.. Mahal na mahal kayo ni Tito kaya siguradong hindi niya matitiis mabuhay ng wala kayo." Pagpapagaan niya sa loob ko.

Napangiti naman ako at niyakap siya.

"Salamat Yuri."

"Para saan?"

"Dahil lagi kang nanjan sa tabi ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka."

"Sus! Para saan pa at mag best friend tayo? Basta wag mo akong kakalimutan kapag yumaman ka na ah?"

"Baliw! Baka nga mauna ka pang yumaman sa'kin eh!" Saad ko.

Pareho kaming natawa ni Yuri sa isa't isa.

Nathan's POV

Magkakasama kaming tatlo nila Ryan at Jake. Nalaman namin sa mga magulang namin na bumalik na si Tito Ivan at nagkaayos na sila ni tita Sabrina. Siyempre masaya kami sa magandang balita na yun. Akala kasi namin hindi na magkakabalikan sina Tito at Tita.

"Totoo ba na darating sila Tito Ivan at Tita Sabrina next week?" Tsismis ni Jake.

"Oo daw at kasama si Sean." Sagot ni Ryan. Si Sean, siya yong batang nasa dyaryo non kasama ni Tito Ivan na akala namin ay anak ni Tito Ivan sa ibang babae yun pala ay inampon siya ni Tito.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now