Chapter 4

242 10 0
                                    

"Sam, saan ka pupunta?" Bigla nalang kasing tumakbo si Sam paglabas nila ng restaurant.

"Sam!" Napahinto si Ivan at Sabrina ng makita nila si Sam sa harap ng isang jewelry shop.

"Oh my god Samantha! Pinakaba mo kami ng daddy mo, akala namin kung saan kana nagpunta?" Agad na lumapit si Sab sa anak at niyakap ito.

"Samantha, don't do that again okay?" Pag-aalala ni Ivan sa anak.

"Sorry po Mommy, Daddy.."

"It's okay, just don't do it again.. Let's go.." Aalis na sana sila pero ayaw umalis ni Sam.

"Mommy, Daddy I want that." Sabay turo niya sa isang silver necklace na pwedeng palagyan ng pangalan ang diamond nitong pendant.

"Miss, how much is this?" Tanong ni Ivan sa saleslady.

"**,000 sir.. It's a silver diamond necklace, you can engrave your name in the pendant or anything you want sir." Sabi ng saleslady.

"Okay, I'll get that.."

"Ano pong ee-engrave namin sir?"

"SPR.."

"Okay sir, just wait a minute."

"Sir eto na po yong necklace." Kinuha niya ito at binayaran gamit ang card. Lumapit siya sa dalawa na nakaupo at nag-aantay.

"Dad, did you bought it?"

"Yeah. Here, happy birthday again my princess." Lumuhod siya para mapantayan niya ang anak saka sinuot yong kwintas.

"Take care of it okay? That is our gift for your birthday." He kiss his daughter's forehead.

"Thank you daddy, Thank you Mommy.. I love you po."

"We love you too baby. Hon, ano yong SPR na nakasulat sa pendant?" Nagtatakang tanong ni Sabrina sa asawa.

"It stands for Samantha Park Rodriguez.."

"Ahh.. It's beautiful." Sabrina.

Masaya silang naglilibot libot ngunit habang naglalakad silang tatlo sa loob ng mall Ay biglang nagkagulo.

"Wait anong nangyayare?" Kinakabahang tanong ni Sabrina.

"Miss, what's happening?" Tanong ni Ivan sa babaeng tumatakbo.

"May hinostage pong babae sa third floor.. Sige po." Sabi nito at tumakbo.

Nagulat ang lahat ng may magpaputok ng baril. Kanya kanyang takbuhan ang lahat lalo na ng may sumigaw na may bomba daw sa loob ng mall.

Nag-uunahan na ang iba na makalabas sa exit. Yong iba naman Ay natataranta at di mahanap yong labasan.

"Sabrina, Samantha, let's go." Inalalayan ni Ivan ang asawa't anak para makaalis.

Habang nagtatakbuhan ang lahat Ay may sumabog sa loob ng mall na siyang dahilan kung bakit maraming katawan ang nakahandusay.

"Samantha? Ivan? Nasan kayo?" Umiiyak na si Sabrina dahil bigla nalang nawala sa paningin niya ang kanyang mag-ama nang may sumabog. Sa dami ng taong nagkakagulo at nag-uunahan makalabas ng gusali pilit niyang hinahanap ang kaniyang mag-ama gamit ang mga mata niya.

"Samantha? Ivan?" Sumisigaw na siya sa sobrang pag-aalala, hindi niya alintana kung matumba man siya dahil nababangga na siya ng ibang tao.

"Samantha!? Ivan?!" Sigaw siya ng sigaw habang umiiyak tapos bigla nalang siyang natumba sa sahig.

***

Nagising si Sabrina sa lugar na puro puti.

"Patay na ba ako? Sam? Ivan?" Bigla niyang naalala na nahimatay siya sa mall at nawawala ang kanyang asawa't anak.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin