Chapter 23

84 2 0
                                    

LEILA'S POV

Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak sa mga nalaman ko tungkol kay Tatay. Nakausap ko sa cellphone ko ang nakababata kong kapatid. Ang sabi niya ay lumalala daw ang sakit ni tatay. Dalawa lang kaming magkapatid at si tatay nalang ang meron samin. Ang Nanay namin ay matagal ng wala. Mahirap lang kami pero hindi naman kami masyadong kinakapos sa pera noon dahil maganda naman ang sahod ko dito, si itay ay isang jeepney driver din kaya naman sapat na sa'min ang perang nakikita namin ni itay. Iyun nga lang ay hindi pala iniinom ni itay ang nga gamot niya kaya naman imbis na gumaling ay lumalala pa ang sakit niya to the point na hindi na siya nakakapagtrabaho.

Sabi ng kapatid ko sobrang mahal daw ng mga nireseta sa kanyang gamot at kapag hindi daw na-maintain ni itay ang pag-inom nito ay may posibilidad na hindi na niya kayanin. Okay naman ang sahod ko dito sa casa pero napakalaki ng bills namin sa hospital isama pa ang mga gamot na kailangang kailangan ng mabili. Hindi ko alam ang gagawin ko, ni Wala man lang kaming pwedeng utangan na kamag-anak, gustong gusto ko na ring umuwi sa probinsya namin dahil nag-aalala na talaga ako kay itay at namimiss ko na rin sila pero sa ngayon mas kailangan kong magtrabaho. Isa pang problema ay ang mga utang ni itay, hindi ko alam na yong budget na binibigay ko sa pambili ng gamot niya ay pinangsusugal niya lang pala, may mga napag-utangan pa siya at sinisingil na si itay kaya naman lumala ang sakit niya.

Hindi ko na alam ang gagawin dahil sa dami ng problemang dumadating sa'min. Bakit ba naman kasi Kung sino pa yong mga mahihirap sakanila pa napupunta halos lahat ng problema sa mundo? Napakadaya lang. Samantalang yong ibang mayayaman pa-hayahay lang sa buhay. Napaka-unfair ng mundo.

"Leila? Okay ka lang?" Umiwas ako ng tingin sa kanya at kinuha ko ang sling bag ko.

"May pupuntahan lang ako saglit." Saad ko sa kanya at nagpunas ng luha. Ayokong kaawaan nila ako at ayokong mag share ng problema ko sa kahit na sino kahit na sabi nila ay nakagagaan daw iyon ng dibdib. Ayoko nang kinakaawaan ako.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang tanging laman nito bukod sa wallet at cellphone ko.

"Sorry tatay, para po sa inyo 'tong ginagawa ko." Naiiyak na bulong ko sa sarili. Kahit na labag sa loob ko ang gagawin ko ay buo na ang desisyon ko. Para kay itay, para sa pamilya ko gagawin ko ang lahat kahit ikapahamak ko pa.

Kapag hindi ko gagawin 'to paano? Saan ako kukuha ng malaking halaga para sa bills at mga gamot ni itay? Hahayaan ko nalang ba na mamatay ang tatay ko sa sakit na wala man lang akong nagawa?

"Yuri.. Patay ako kay Nanay kapag nawala yun, pinaghirapan ni Nanay mabili ang kwintas na yun eh. Hindi ko man alam kung gaano kamahal ang kwintas na yun pero sigurado ako mamahalin yun, saka isa pa sobrang halaga non sa'kin."

"Sabi mo nga mamahalin yun, paano kung may nakapulot at inangkin na ito?"

Pinakatitigan ko ang kwintas ni Eunice. Maganda Ito at mukhang mamahalin nga talaga. Kapag sinanla ko 'to siguradong malaki ang makukuha ko.

"Nandito na ba si Eunice?" Nagtaka ako nang makita ang anak ng isa sa mga kaibigan ni madame dito sa tapat ng apartment namin. Ngumiti nalang ako at sumagot.

"May pinuntahan po siya eh, baka mamaya pa po yun." Magalang na sagot ko. Bakit naman kaya niya hinahanap si Eunice? Close ba sila?

Nakita kong napakamot siya sa batok niya.

"Ganon ba? Kanina ko pa kasi siya hinihintay kaso kailangan ko nang umalis. Pwede bang pakibigay nalang ito sa kanya?" Nagtaka ako nang makita ko ang isang silver na kwintas. Teka! Nililigawan ba nito si Eunice?

"Ah hehe- Kay Eunice talaga ang kwintas na yan, nahulog niya noon." Ah.. Akala ko pa naman..

"Sige sir, ako na po ang magbibigay kay Eunice nito mamaya."

"Sige Miss. Thanks." Pagkaalis niya ay pumasok na ulit ako sa apartment at tinago muna ang kwintas. Ibibigay ko nalang mamaya pagdating ni Eunice.

Wala naman talaga akong balak angkinin ang kwintas ni Eunice eh pero ito lang ang tanging pag-asa para sa mga problema ko.

"Sorry Eunice.. Kailangang kailangan ko lang talaga sorry.." Binuksan ko ang bag ko para itago ang kwintas nang bigla nalang may parating na kotse at muntik na akong mabangga. Napa-upo ako sa sobrang gulat ko, akala ko ay katapusan ko na. Mabuti nalang at nakapag-preno agad ang driver.

"Shit! Leila naman di ka nag-iingat!" Pagalit na bulong ko sa sarili ko. Mayamaya lang ay may biglang lumapit sa'kin na lalaki.

"Miss are you okay? Nasugatan kaba?" Napaka-gwapo naman niya.

"Miss?"

"Ah.. Okay lang Po ako. Pasensya na po. Sige po." Ngumiti ako ng tipid at naglakad na ako paalis. Nakakahiya. Pero sino kaya yun? Kaibigan kaya ni Madame? Sa tingin ko kasi magkaedad lang sila eh o baka naman guest lang sa hotel.

Mabuti nalang at hindi ako nagasgasan haysst kapag nagkataon dadagdag pa ako sa gastusin.

Makaalis na nga lang.

ETHAN'S POV

Pagkaalis nong babaeng muntik ko nang mabangga ay may napansin akong kumikinang na bagay sa bandang kinauupuan kanina nong babae.

Kinuha ko agad ito. Isang kwintas. Tiningnan ko kung hindi pa siya nakalayo pero hindi ko na makita.

Paano ko kaya ito maisasauli? Mukhang mamahalin pa man din.

Napansin ko ang pendant nito na may initials na S.P.R. Maybe her name.

Bumalik nalang ako sa kotse. Ibibigay ko nalang ito sa lost and found mamaya. Hindi ko naman kilala ang babaeng yun.

Naisip ko kasing bisitahin si Ivan. May dinaluhan kasi akong event at malapit lang dito sa Casa Rodriguez kaya naman naisip ko na dumeretso nalang dito para makita si Ivan. Ang gagong yun ang tagal na hindi nagpakita samin. Isa din ako sa Napaniwala niya na may iba na siyang pamilya. Hindi na ako makapaghintay sa reunion party namin eh kaya naman mauuna na ako kila Renz na sugurin si Ivan.

Sa totoo lang ay masaya ako para sa kanila ni Sabrina. Sobrang dami na nilang pinagdaanan kaya naman deserve nilang sumaya.

Naku! Kamusta na kaya ang gagong Ivan na yun?

EUNICE'S POV

"Ano kayang problema ni Leila?"

"Bakit?" Tanong ni Yuri habang naghuhugas ng mga pinggan sa lababo, ako naman ay nakaupo at binabantayan siya.

"Kanina kasi kinakausap ko siya pero parang iniiwasan niya ako. Hindi naman siya ganon dati, saka parang ang tamlay niya din."

"Baka naman may period, ganon naman tayong mga babae kung meron diba?" Baka nga.

"Siya nga pala Bess, nakausap mo na ba si Xander?"

"Hindi. Bakit anong meron?" Nagtatakang tanong ko. Ano kayang meron sa lalaking yun?

"Sabi niya dadalaw daw siya dito eh, hindi ko nga lang sure kung kelan. Basta kapag hindi daw siya masyadong busy."

"Talaga? Ano namang trip non at dadalaw pa dito? Ang layo layo."

"Baka namiss ka na.."

"Huh?" Ano ba yong sinabi niya? Ang hina naman kasi ng boses niya eh. Naiinis na talaga ako minsan sa babaeng 'to. Madalas kapag nag-uusap kami bigla nalang hihina ang boses eh ang totoo ang lakas lakas ng boses niya umaabot sa EDSA.

"WALA PO. Sige na bumalik ka na don baka mapagalitan pa tayo dito! Ako ng bahala dito sa mga hugasin. Shooo!"

"Tss. Oo na ito na lalayas na po!"

Iniwan ko na si Yuri na mag-isa.

Naglalakad ako sa hallway nang may makasalubong akong lalaking pamilyar. Nginitian niya ako kaya naman nginitian ko rin siya pabalik.

Nang makalagpas siya ay doon ko lang naalala.. Isa pala siya sa mga kaibigan ni Madame.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now