Chapter 9

173 6 0
                                    

Nathan's POV

"Dad, nakausap niyo po ba si Tito Ivan?" Tumingin siya sakin pero agad binalik ang tingin sa laptop niya. Kahapon lang nakauwi si daddy galing Korea.

"Hindi." Maikli niyang sagot.

"Ah.. Okay po."


Ethan's POV

Hindi ko na sinabi Kay Nathan at Gwen na nakausap ko si Ivan.

Buhay to ni Ivan, kaya ayokong makialam sa mga desisyon niya.

Wala akong karapatan para pakialaman ang personal nilang buhay. Naaawa lang ako Kay Sabrina, dahil siguradong nangungulila na siya sa asawa't anak niya.

Eunice POV

"OMG! Eunice! May good news ako sayo!" Nagulat ako ng makita si Yuri.

"Oh Yuri, anong problema mo at sumisigaw ka?"

"Gagi! Alam mo bang natanggap tayo sa Casa de Rodriguez!?" Aish.. Yun lang naman pala eh.. Grabe naman siya maka-react.

"Eh ano ngayon kung nata-- wait! Natanggap tayo?!" OMG! Natanggap ba talaga kami?

"Paulit ulit? Tumawag sakin Kanina si Miss Len, at tanggap na daw tayo. Pwede na daw tayo magsimula sa isang linggo." Nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi parin ako makapaniwala.

"OMayGahhd! Yuri hindi ako makapaniwala. Makakarating na ko ng Bohol..?!" Tuwang tuwa Kong sabi. Last month pa kasi kami nag-aaply at akala namin di na kami matatanggap dahil bukod sa wala namang tumawag samin kung tanggap ba kami eh ang Casa de Rodriguez kasi Ay kilalang kilala sa buong Pilipinas na isa sa pinakasikat na Hotel Resort.

"Oo nga Bess! Excited na meee!" Nagtitili niyang sabi.

***

"Uy Congrats pala sa inyo ah.. Wag niyo Kong kakalimutan ah.." Nag-eemote na sabi ni Xander. Nandito kami sa restaurant ngayon, nilibre pa nga kami ni Xander dahil matatagalan daw bago kami magkikita ulit. Ang OA niya lang haha!

"Bakit ka naman namin makakalimutan? Ano yun, pupunta lang kami ng Bohol mag kaka-amnesia na kami?" Yuri.

"Malay niyo."

"Sige Xander, Yuri dito na ko." Paalam ko sa kanila, iba kasi yong way papunta saamin.

"Sige best ingat ka.." Kumaway pa si Yuri.

"Bye Eunice:)" Xander habang nakapamulsa. Cool.

Papatawid na sana ako nang kalsada ng muntik na Kong mabangga.

Napaupo ako sa kalsada dahil akala ko mamamatay na ko.

"Ano ba!? Magpapakamatay ka ba Miss? Kung magpapakamatay ka rin lang wag ka ng mandamay!" Nagulat ako ng sigawan ako ng estrangherong lalaking muntik ng makabangga sakin. Medyo mahapdi yong tuhod ko dahil sa pagkakaupo ko. Ang lakas naman ng loob niyang sigawan at sisihin ako samantalang muntik niya na Kong masagasaan.

"Miss okay ka lang ba? Aishh.. Di ka kasi nag-iingat eh." Lumapit siya at bigla nalang akong binuhat. Watda?!!! Anong binabalak ng lalaking to??

"Ano ba? San mo ko dadalhin?" Pinipilit Kong makalabas sa sasakyan niya pero hindi ko mabuksan.

"Tumahimik kana lang diyan. Gagamutin natin yang sugat mo." Wala na Kong nagawa dahil pinaandar niya na yong kotse niya.


"Hindi ka kasi nag-iingat eh. Psh." Napakunot ang noo ko dahil ako pa ang sinisisi niya.

"Eh ikaw nga ang may kasalanan eh. Ang luwang luwang ng kalsada tapos babanggain mo ko?" Galit Kong sabi. Nandito ako ngayon sa condo daw ng lalaking to. Wow ha! Big time si kuya!

"Arayy!" Daing ko ng lagyan niya ng alcohol yong sugat ko.

"Sorry, sorry.." Sabi niya tas hinipan niya yong sugat ko. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya. Maputi, mahaba yong pilik-mata, matangos Ilong, at.. Kissable lips..

"Alam Kong gwapo ako, baka matunaw ako niyan." Sabay ngise. Tch. Gwapo nga, mayabang naman!

"ASA! Uuwi na ako!" Sabi ko at tumayo.

"Ihahatid na kita." Suggest niya pa.

"Wag na! Nakakahiya naman sayo. Kaya Kong umuwi mag-isa." Bubuksan ko na yong pinto ng pigilan niya ko.

"Wait! Ahm.. Ako nga pala si Jake."

"Hindi ko tinatanong!" Sagot ko at lumabas na.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon