Chapter 27

65 0 0
                                    

EUNICE's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa'kin ang puting kisame. Biglang nag flashback sa akin ang mga nangyare bago ako mawalan ng malay. Dahan dahan kong ginalaw ang kamay ko pero nagulat nalang ako na nakatali pala ito maging ang mga paa ko. Napatingin ako sa tabi ko at hindi ko mapigilang mag-alala nang makita si Xander na walang malay at puro pasa ang mukha.

Hindi ko alam kung paano kami napadpad ni Xander dito basta ang natatandaan ko lang ay may tumawag sa'kin kahapon.

Flashback..

Pagkatapos naming kumain ni Xander kanina napadpad naman kami dito sa mall.

"May gusto ka bang bilhin?" Tanong ni Xander habang naglalakad lakad kami.

Napaisip ako kung may kailangan ba ako ngayon.

"Wala eh. Gusto ko lang magtingin tingin ng mga paninda. Doon tayo sa mga sapatos." Saad ko nang biglang nag vibrate yong cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa ko at isang unregistered number ang tumatawag.

"Ah mauna ka na sa loob Xander, sagutin ko lang ito saglit." Tumango lang siya at nauna nang pumunta sa shoe store na nasa tapat namin pero bago pa siya makalayo ay napasigaw ako sa gulat.

"Eunice bakit? Anong nangyare? Sinong tumawag sa'yo?" Napatingin ako kay Xander na halatang nag-aalala sa'kin.

"Kailangan ko ng umalis. Si tatay."

"Anong nangyare kay Tito?"

Napakagat ako ng labi.

"Hoy! Anong nangyare kay Tito? May problema ba?"

"Aalis na ako. Next time nalang ulit tayo gumala. Thank you nga pala sa libre. Ingat ka sa pag-uwi." Saad ko sa kanya at nagmadaling umalis. Hindi niya kailangang malaman Kung saan ako pupunta baka madamay pa siya.

Ano ba kasing nangyare kay tatay?

Ang sabi ng tumawag sa'kin hawak daw nila ang tatay ko at gusto daw nila akong kausapin dahil sa utang ni itay. Kailangan kong pumunta dahil baka kung anong gawin nila kay tatay.

"Saan ka ba talaga pupunta Eunice at nagmamadali ka?" Nagulat ako nang bigla nalang may humila sa kamay ko. Hinila ako ni Xander hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

"Alam kong may problema. Sabihin mo sa'kin wag yong sinasarili mo lang." Napakamot ako ng ulo dahil sa frustration. Kung bakit ba naman kasi kasama ko ang isang 'to. Napakakulit. Hindi ako titigilan nito kapag hindi ako nagsabi ng totoo.

"Kailangan kong puntahan si tatay.. Gusto daw akong kausapin nang pinagkautangan niya, baka kung anong gawin nila kay tatay Xander. Nag-aalala ako."

Hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil basta nalang niya ako pinapasok sa kotse niya.

Tinanong niya yong address na pupuntahan namin kaya naman sinabi ko agad sa kanya.

-

Nagkatinginan kami ni Xander nang makarating kami sa address kung nasaan si tatay.

Walang katao tao o kabahay bahay pero may nag-iisang malaking bodega sa lugar na 'to at napapalibutan ng mga nagtataasang talahib.

"Sigurado ka bang nandito ang tatay mo Eunice?" Napatingin ako kay Xander at di ko mapigilang matawa sa hitsura niya. Kahit na nasa gitna ako ng pag-aalala kay tatay hindi ko mapigilang matawa dahil kay Xander paano ba naman eh parang pusang takot na takot.

"Nakakatakot dito. Paano kapag naabutan tayo dito ng gabi tapos may aswang palang nakatira dito?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binatukan siya.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now