Chapter 8

177 8 0
                                    

Nathan's POV

"Ethan, nabasa mo na ba to?"

"Ano ba yan?"

"Nasa dyaryo lang naman si Ivan, oh.."

Nang marinig ko yong pangalan ni Tito Ivan Ay lumapit ako kina mommy at daddy.

"Bakit may kasama siyang bata?" Gulat na tanong ni Daddy.

"Wala ka ba talagang balita sa kanya Ethan? Alam mo ba kung anong ibig sabihin niyan?"

"Wala nga Kong balita sa kanya diba?"

"Nag-aalala ako Kay Sabrina, pano kung nabasa niya to? Siguradong masasaktan na naman ang best friend ko." Sabi ni Mommy at pumunta sa kwarto.

"Dad may problema po ba?"

"Ikaw munang bahala sa kompanya at sa mommy mo.. Kailangan ko lang pumunta ng Korea."

"Ngayon na po?"

"Babalik ako agad."

"Si Tito Ivan po ba? Ano pong nangyare?"

"Mahabang kwento Nathan. Magpahinga ka na." Sagot niya at umalis na ng bahay.

Kinuha ko yong dyaryo sa maliit na table at binasa.

Well known businessman Ivan Rodriguez caught at San Francisco, California together with a cute little boy who seems to be the son of the said businessman. But, the biggest question to all.. Where's his wife? And what he's doing at that place? Mr. Rodriguez is known because of their different business like Hotels, Companies, Malls and Airlines around the world.

I saw Tito Ivan na may karga kargang batang lalaki.

"This kid.. Is he Tito Ivan's Son? Is Tito Ivan already had a Second family?"

Masasaktan si Samantha..

Sabrina's POV

Pagkatapos kong mabasa ang nakalagay sa headlines ng isang dyaryo Ay pinagpupunit ko ito at tinapon.

"Walang hiya ka Ivan!" Yan nalang ang nasabi ko at umiyak ng umiyak.

"Ma'am ano pong nangyare? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ng isang katulong.

"I'm fine. Pakipulot nalang lahat niyan." Sabi ko at dali daling pumasok sa kwarto.

Akala ko noon mas magiging maayos ang lahat kapag naghiwalay kami..

Pero nagkamali ako..

Sobra akong nangulila Kay Samantha.. At pati ngayon, Kay Ivan naman.

Ang tanga tanga ko! Nang dahil sakin, nasira ang pamilyang meron ako.

Nawalan na nga ako ng anak. Nawalan pa ko ng asawa..

Pagod na pagod na ko! Gusto ko nalang mamatay.. Gusto ko ng makita at makasama ang anak ko.

Hindi ito ang pinangarap Kong buhay.

Diyos ko.. Kunin niyo nalang po ako.. Miss na miss ko na po ang anak ko.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon