Chapter 10

192 5 0
                                    

Jake's POV

"HAHAHAHA!" Tawa ni Ryan ng ikwento ko yong tungkol don sa babaeng muntik ko ng masagasaan nong isang linggo.

"Akalain mo yun bro? Pinahiya ka ng isang babae? Haha!" Naalala ko naman yong nangyare, first time ko lang nagpakilala sa babae tapos inisnob pa ako.

"Tsk! Malalaman ko din pangalan non."

"Magkikita pa ba kayo? Chix ba pare?" Binatukan ko nga si Ryan. Chix nga ba siya? Mahaba ang buhok, Maputi, matangos ang Ilong, mahaba ang pilikmata, heart shape yong muka, kissable lips, sexy at simple lang.. In short.. Maganda.

"Hindi." Ewan ko kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Basta ang Alam ko ayokong makilala siya ni Ryan, babaero ang isang to eh.

"Tsk. Nasan nga pala si Nathan?"

"Kung wala sa office niya baka nasa bahay nila. Why?"

"Wala lang, gala naman tayo minsan." Napatango naman si Ryan.

Eunice POV

"Nak, mag-iingat kayo ha?" Sabi ni nanay at niyakap ako. Ngayon na kasi ang Alis namin papuntang Bohol para magtrabaho.

"Opo Nay, wag po kayong mag-alala, lagi po akong tatawag sa inyo."

"Wag kang mag-alala Eunice bibisitahin ko dito lagi si Tita. Ako na munang Bahala sa kanya habang wala ka." Napangite ako sa sinabi ni Xander.

"Salamat Xander. Sige po Nay, Alis na kami. Wag niyo pong pababayaan ang sarili niyo ha? Lagi po kayong kumain on time para di kayo magkasakit.. Mag-iingat po kayo lagi.. Mamimiss ko po kayo." Niyakap ko ulit si Nanay at lumabas na kami ng bahay.

"Pano ba yan Xander, Alis na kami ha?" Nandito na kami ngayon sa bus station, hinatid kasi kami ni Xander ng Sasakyan niya.

"Sige ingat kayo." Nakangite niyang saad.

"Bye Yuri, bye Eunice. Ingat kayo!!" Ngumite ako Kay Xander tapos pumasok na kami sa bus ni Yuri.

After 123456789 years nakarating narin kami sa Bohol.

Welcome to Casa de Rodriguez

Yan ang bumungad samin pagdating namin sa destinasyon namin. Ang Casa de Rodriguez Ay sikat na hotel resort dito sa Bohol at maging sa buong Pilipinas.

"Wow!" Yan ang reaksyon namin ni Yuri ng papasukin kami ng guard sa Resort.

"Kayo po ba yong bagong empleyado ng resort?" Bungad samin ng isang di katandaang babae.

"Kami nga po." Si Yuri Yong sumagot.

"Sumunod po kayo sa'kin." Sabi niya kaya sumunod naman kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa labinlimang palapag na hotel. Wow! As in Wow! Grabe. Sobra akong namangha. Sobrang laki pala ng hotel na to. Kahit maging waitress lang ako dito Ay ayos na. Sabi kasi nila Ay swertehan lang daw kapag nakapasok kA dito at natanggap sa trabaho sa dami ng nag-aaply dito.

"Wait for a second Ma'am." Sabi nong Babae at lumapit sa may parang information desk.

"Please call Mrs. Che, please tell that Ms. Santos and Ms. Guizon is already here." Narinig Kong sabi niya tapos may tinawagan ata yong babae sa may information desk.

Maya maya lang Ay may bumabang babae. Siya Siguro si Mrs. Che. May katandaan na siya at halatang istrikto.

"Have a seat." Pormal nitong sambit kaya umupo na kami ni Yuri.

"I'm Cherry Lim, call me Mrs. Che. I'm the manager of this hotel, we hired you two to prove that you belong in our hotel, if we seen that you deserve the job then we will promote yo as soon as possible, but for now.. We will assigned the both of you as a waitress." Paliwanag niya.

"Thank you Mrs. Che." Sabay naming sambit ni Yuri.

"Okay, follow me.. I will show you your assigning areas." Sumunod kami at nakarating kami sa restaurant ng hotel. Pinapasok kami ni Mrs.Che sa kitchen at halos laglag ang panga ko sa nakikita. Ang dami pala nilang chef, kompletong kompleto sila sa kagamitan sa kusina. I can't believe I'm now on my dreams.. I want to be a popular chef someday.

"So, this is our kitchen. You just need to serve the orders of the customers. All foods are cook by our 25 famous chefs. So that's all. You may go to your assigned room and get ready, fix yourself and you may start your work after."

"Yes Ma'am."

Umalis na kami ni Yuri at pumunta sa assigned room daw namin. Bale, hindi siya sa loob ng hotel, May sarili kasing building para sa lahat ng empleyado nitong hotel resort. Malaki siya at malinis.

"Bago lang kayo dito no?" Tanong nong babaeng nakasalubong namin.

"Ah, oo eh. Pwedeng magtanong? Saan ba dito yong room for waitress?" Tanong ko sa kanya. Muka naman siyang mabait kaya kinapalan ko na yong muka ko.

"Sumunod nalang kayo."

Pumasok kami sa isang kwarto na malaki.

"Eto Siguro yong magiging kwarto niyo dahil kayo lang naman ang bago dito. Bale apat tayo dito sa isang room na to. I'm Leila nga pala, waitress din ako dito, at yong isang kasama natin eh nasa hotel pa siya. Eto yong uniform natin suotin niyo nalang antayin ko kayo sa labas." Tumango nalang kami ni Yuri.

"Bess, bagay ko ba?" At nag model model pa siya sa harap ko.

"Haha! Loko ka talaga Yuri, damit yan ng waitress hindi damit ng isang prinsesa." Natatawang sambit ko.

"Che! At least, isa na akong waitress ngayon ng isang sikat na hotel.. Ang Casa de Rodriguez." Pagmamalaki niya.

"Oo nalang." Sagot ko at napatawa nalang kami.

The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now