Chapter 15

195 5 0
                                    

EUNICE POV

"Ms. Guizon right?"

"Yes po?" Medyo nahihiya pa ako kay Madam.

"Can you please call this number, I just want to remind the appointment to this person this saturday that it's all set." May inabot siya saking calling card.

"Ahm ok po."

"Thank you Ms. Guizon."

"Excuse me lang ha?" Tumango nalang ako. Bigla kasing tumunog yong phone ni Madam.

Pagdating ko sa apartment Ay nilabas ko yong calling card saka ko dinial yong number. May nakalagay na Mr. Tolentino sa baba nong number so I think siya yong nag set ng appointment Kay Madam which is yong tatawagan ko.

I dialled the number then nag ring lang ito.

["Hello?"] Sagot ng babae sa kabilang linya.

"Can I talk to Mr. Tolentino? Its about his appointment to Madam Rodriguez." I said to the other line.

["Uh yes wait.. Anak May tawag para sayo!"]" Narinig Kong sigaw ng babae sa kabilang Linya.

Maya maya pa Ay may nagsalita na ulit.

["Hello? Who's this?"]

"Is this Mr. Tolentino?"

["Yes Speaking."]

"Ahm, inutusan lang po ako ni Madam Rodriguez para e-inform kayo na ayos na po yong pinapa set niyong appointment with her."

["Appointment?]

"Yes Sir. Appointment po sa Saturday. Sige po." Binaba ko na yong phone at umupo.

***

SATURDAY..

"Nay kamusta po kayo Jan?" Tanong ko Kay nanay sa kabilang linya.

["Ayos lang naman ako anak, minsan binibisita ako ni Xander galing sa trabaho. Ikaw, kamusta ang trabaho mo? Hindi kaba nahihirapan? Baka naman inaalila kana Jan?"] Natawa naman ako Kay nanay. I miss my Nanay, huhu.

"Mabuti naman po kung ganon, okay naman po yong trabaho ko dito. Wag po kayong mag-alala mabait po yong amo ko. Sige Nay, tawag nalang po ulit ako sa inyo."

["O siya, sige. Mag-iingat ka lagi anak ha? Wag magpapalipas ng gutom. Ikamusta mo narin ako Kay Yuri."]

"Opo. Ingat din po kayo Jan." Pagkatapos non Ay pinatay ko na yong tawag.

"Anong sabi sayo ni tita?" Tanong ni Yuri na habang nakaupo sa gilid ng dagat. Yeah! Nandito kami sa tabing dagat ngayon dahil wala namang masyadong customer sa resto pero babalik rin kami mamaya.

"Nangangamusta satin at sa trabaho natin." Sagot ko at umupo sa tabi niya.

"Eunice.?" Tumingin ako Kay Yuri na Parang ang lalim ng iniisip.

"Bakit? May problema ba?"

"Wala namiss ko lang si Mama." Malungkot niyang sambit.

"Wag ka ng malungkot, I'm sure kung nasan man si Tita ngayon lagi siyang nasa tabi mo at binabantayan ka." Ngumite ako sa kanya para pagaanin yong nararamdaman niya.

"Thank you Eunice, buti nalang talaga nakilala kita, kayo ni tita. Kayo na ang pamilya ko, pati si Xander."

"You're always welcome my best friend. Nandito lang kami lagi sa tabi mo."

"Haha. Kaya nga bagay kayo ni Xander eh, pareho kayong caring sakin. Sana lang talaga magkatuluyan kayo para hindi nalang kita best friend cousin in law pa! Hahaha!" Okay na sana eh, inasar pa ko sa lokong pinsan niya. Binatukan ko nga.

"Aray naman. May masama ba sa sinabi ko?" Asar niya pa. Kainis talaga ang Yuri na to. Eh halata namang hindi ako magugustuhan ni Xander. Tsaka isa pa, narinig ko siya non.. May mahal na daw siya. O diba? Sakit kaya, pero crush ko lang naman siya eh. Yes. CRUSH ko si Xander Simula pa ng una ko siyang makilala pero di halata no? Secret ko nga lang kasi yon. Ako lang ang nakakaalam noon pero ngayon Alam niyo na. Haysst.. Wag kayong maingay ha? Mas lalo lang akong aasarin ni Yuri pag nagkataon.

"Hay naku bahala ka nga dyan!" Naiinis Kong saad. Nakita ko naman siyang natatawa.

"Asar Talo! Baka naman may gusto ka Kay Xander at kinikilig ka??" Bwisit talagang babae to.

"WALA! Tse! Makaalis na nga lang!" Sigaw ko at naglakad paalis. Bahala siya sa buhay niya. Kainiss.

At yun nga iniwan ko si Yuri at pumasok sa hotel. Babalik nalang ako sa resto. Bahala siya sa buhay niya.

Naglalakad ako ng may bumangga sakin. At ang nakakainis pa di man lang nag sorry ang lolo niyo.

Ang lawak lawak ng daan babanggain ako? Sisigawan ko na sana siya pero wala na siya. Bilis niya ah? Di man lang marunong mag sorry.

Aalis na sana akong ng may maapakan akong kung ano kaya tiningnan ko.

'Susi to diba? Kanino kaya to?' Sa isip isip ko, maya maya naalala ko yong lalaking nakabungguan ko Kanina. Baka sa kanya to.

Tiningnan ko yong susi ng mapansin ko yong kulay pulang keychain. May nakasulat pa na Samantha LOVE Nathan. Tapos sa baba nito Ay isang batang Babae at lalaki na magkahawak kamay. Ang cute naman..

"Eunice?! Tara na sa resto dali!!" Biglang dating ni Yuri kaya sumunod naman ako. Saka ko nalang ibabalik to kay kuya No Manners. Kung makikita ko pa siya..







The Promise of Yesterday - MEBMF BOOK 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now