Ako At Siya by TheGoodForNothingBoy

286 11 9
                                    

Tragedy - Let Her Go - Passenger

Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao pag wala na sila sa buhay mo.

***

Umuulan na naman pala. Umiiyak na naman ang kalangitan.

Nakakatuwa. Mukhang sinasabayan ng kalangitan ang pagdadalamhati ko.

Mula sa lamesita sa aking harapan ay kinuha ko ang baso na punong-puno ng yelo at nilagok ang alak na laman nito.

Sandali akong napangiwi. Mapait. Sobrang pait, kasing pait ng sinapit ko.

Bakit kasi ang tanga-tanga ko? Bakit kasi ngayon ko lang narealize na, she's worth keeping? Na mahalaga siya sa'kin. Na mahal ko pala talaga siya.

Ang laki kong tanga! Nagawa kong itapon ang isang diyamante at ipagpalit sa wala.

Tama nga sila. Laging nasa huli ang pagsisisi. Tulad ngayon, nasa huli rin ang salitang pagsisisi.

Makalipas ang ilang saglit, lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan. Hindi ko namalayan na nagsisimula na ring umagos ang luha ko.

Natawa lang ako.

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Ngayon lang ako nagkaganito. Ganito ba talaga pag tinamaan ka ng palaso ni kupido?

Habang patuloy ang pagbuhos ng ulan, patuloy din ang pag-agos ng luha ko.

Tumayo ako saglit at pinagmasdang maigi ang mga butil ng ulan na unti-unting bumabagsak.

Napangiti ako.

Ganito rin 'yon nang una ko siyang nakita.

***

Madilim. Sobrang dilim. Tanging liwanag lang ng mga lumang lamp posts sa daan ang nagbibigay tanglaw sa aking nilalakaran.

Malakas din ang ulan, samahan pa ng hangin na sobrang lamig. Mapapangiwi ka na lang pag dumikit sa'yong katawan ang basa mong damit.

Sandali akong tumigil sa aking paglalakad at sumilong sa lumang waiting shed. "Hindi pa ba titila ang ulan?" bulong ko sa aking sarili habang yakap-yakap ang nilalamig na katawan.

Sandali akong napa-pikit. Bigla kasing kumulog ng malakas, kasabay noo'y ang pagguhit ng nakakatakot na liwanag sa madilim na kalangitan.

Mula sa di kalayua'y may naaninag akong isang puting imahe. Sa palagay ko'y isa 'yong babae na may suot ng puting damit.

"W-white lady!" sigaw ng utak ko. Agad naman akong nakaramdam ng pangingilabot.

Naalala ko tuloy bigla ang balita tungkol sa white lady na nagpapakita rito tuwing umuulan. Baka ito na 'yun!

Dug. Dug. Dug. Dug.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Ang mga basang balahibo ko sa katawa'y biglang nag-tayuan.

Napayakap na lang ako sa aking sarili pagkatapos mag-antanda ng krus. Nagbabaka-sakali na mawala ang takot ko. Pero wala! Mas lalo akong nanginig dahil mas lalong lumakas ang ihip ng hangin.

Nananadya yata ang panahon.

Ilang saglit pa'y muling gumuhit ang nakakatakot na liwanag sa kalangitan, dahil do'n sandali muling nagliwanag ang paligid. Wala na ang puting imahe na nakita ko kanina lang.

Wala na ang white lady. Wala.

Nakahinga ako ng maluwag.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay napatayo ako sa aking kinauupuan.

Liriko: The BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon