The Heart by MissHeartbreaker18

224 14 8
                                    

Tragedy - 'Di Na Ganun - Yeng Constantino

Sabi nga nila kung mahal mo ang isang tao ipaglaban mo. Ngunit paano naman kung hindi mo na siya mahal? Simple lang, magpakatotoo ka sa nararamdaman mo,don’t give him false hope, don’t make him think that you still have the same feelings for him. In short, wag mo na siyang paasahin pa sa mga bagay na di mo na kayang ibigay. Maybe it’s time na I let go mo na siya , bitawan mo na kung hindi mo na kayang hawakan pa.

Madali lang diba? Oo madali, madaling sabihin. Paano nga ba magpaalam sa isang tao sa panahong higit ka niyang kailangan? Sa taong dati mong iningatan at buong pagmamahal na pinakisamahan? At sa taong ni ayaw mong masaktan.

Everyone knows, God witnessed how much I love him, everybody witnessed as I voluntarily and whole heartedly accept him to my heart.

“I love you, I love you, I love you….” While saying that I started kissing his whole face sweetly and with full of affection.

“Chum naman eeh, lalanggamin tayo.” Himig pagrereklamo niya pero halata naman sa ngiti niyang gusto niya ang ginagawa ko.

“Happy Anniversary chum ko.” Buong pagmamahal ko siyang tinitigan.

Umiwas siya ng tingin sa akin.

“Chum please wag mo akong tignan ng ganyan baka di ko mapigilan at mapakasalan na kita agad.”

Natatawa ako sa inakto niya, parang bata talaga siya. Lalo tuloy akong ginanahang asarin siya.

“I love you chum.” Binigyan ko siya ng isang mapang akit na ngiti.

“Mapang akit ka talagang babae ka.” Tinawanan ko naman ulit siya.

“Halika nga dito.” And not giving me time to refuse ay hinila niya na ako at niyakap ng mahigpit.

“I am the most lucky guy in the word to have you. Alam kong cliché pero yun ang feeling ko. I love you so much and Happy 1st Anniversary my most precious chum.”

And with that hindi ko na hinintay na siya ang gumawa pa, I reached for him and give him a peek in the lips. But that smack kiss gets deepen nang bigla niya akong hilahin nang mas palapit pa not letting me to broke the kiss.

Ganyan kami kasweet sa isa’t isa, isang taon na din kaming mag on at masasabi kong matatag na din kami bilang magkasintahan. “Chum” yan ang napili naming callsign, unique diba? Kasi we consider each other as a chum, friend, tropa lang, kasi sa ganoong tratuhan mas magiging komportable kami, mas maisishare namin ang problema ng isa’t isa, hindi kami magkakailangan kasi siya ang bestfriend ko and at the same time ang boyfriend ko. Ganyan ko siya kamahal, ganyan ko siya iniingatan.

But everything just happen unexpectedly, I just wake up one day na yung puso ko hindi na tumitibok para sa kanya. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa sarili kong damdamin kung bakit biglang nagbago iyon. Nawala na ang dating tamis, iba na ang pakiramdam ko sa tuwing makikita ko siya at umabot pa sa puntong ni ayaw ko na siyang makita. Naiinis na ako pag andiyan siya, hindi na ako kinikilig sa mga mushy mushy niya , at yung mga sweet efforts niya na dati kahit maliit lang ay ikinatutuwa ko na ngayon ay kinaiinisan ko na. Hindi ko na alam, kahit sarili ko hindi ko na maintindihan. Nakakalito, sumasakit ang ulo ko kaiisip, something is really strange. Ano bang nangyari?

“Prince let’s go home, I don’t want here na.” Malamig na aya ko sa boyfriend ko habang nakaupo kami sa children’s park. Ito kasi ang favorite place namin, kasi may pagkachildish pa din ako kahit 18 na ako kaya gusto ko yung atmosphere dun, at si Prince naman tinotolerate niya pa din ako. Pero kahit alam ko na ito ang tambayan namin parang ayoko ng tumambay dito kasama siya.

Liriko: The BattlesWhere stories live. Discover now