My Solemn Surprise by thatquirkyguy

214 12 6
                                    

Absence - Lemonade - Jeremy Passion

 Hininto ko ang kotse dito sa aming garahe at bumuntong hininga upang kahit papaano ay mabawasan ang pagod na nararamdaman ko. Mula sa bakanteng upuan sa tabi ko ay nakapatong ang mga iilang papeles at ang aking laptop. Kinuha ko ang mga papeles, inayos at tinago ito sa glove compartment saka ko hinablot naman ang laptop.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa aking kotse ay agad kong natanaw ang isang babaeng nakatayo sa tapat ng pinto na wari ay may hinihintay. Sumilay ang mga ngiti sa aking mga labi at sinara na ang pinto ng kotse habang titig na titig lamang ako sa kanya. May kung anong kagaanan na lang akong naramdaman at tila naibsan ng presensya niya ang lahat ng pagod ko.

"Pagod?" imik niya na nagsisimula nang maglakad tungo sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala nang tanungin niya iyon.

Sinalubong ko naman siya at binigyan ng isang halik sa kanyang noo, kasabay nito ay nakaramdam na lang ako ng braso na pumulupot sa aking baywang. Inakbayan ko naman siya bilang ganti. "Ayos lang ako, bhie."

Giniya ko na siya papasok ng aming bahay nang isang makahulugang tingin ang pinukol niya sa akin. Doon pa lang ay alam kong may sasabihin siyang nakakaloko. "Ayos, ayos, eh tignan mo nga itsura mo. Daig mo pa ang nalugi ng kung ano, bhie," pang-aasar niya na aking tinawanan.

"Ganyang mga look naman ang type mo, 'di ba?" pagsakay ko sa trip niya. "'Yung tipong nanglilimahid na tapos pawisan?" dagdag ko na ikinukumpas pa ang aking mga kamay na animo'y seryosong-seryoso.

Mahinang hampas ang natamo ko sa kaliwa kong balikat dahilan para lingunin ko siya. "Baliw ka! Pumasok na nga lang tayo sa loob," sambit niya sa gitna ng kanyang mga tawa.

Agad niyang tinanggal ang kamay niya sa aking baywang at kumawala sa akbay ko nang makapasok na kami. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya ngunit agad naman iyon napalitan ng mga ngiti sa nakita ko. Nagtungo siya sa kalapit na sofa at kinuha doon ang nakahandang mga damit. "Oh, magpalit ka na at ang asim mo na."

Tumawa ako ng marahan sa sinabi niya't isang kalokohan ang gumuhit sa aking isip. Pinatong ko ang laptop sa mesa at hinablot siya't niyakap na sinasadyang ikulong ang mukha niya sa aking katawan na sinabi niyang maasim. "Hoy! Jin, ang baho! Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas niya ngunit mas pinalakas ko pa ang yakap ko.

"Hindi, dito ka lang!" maawtoridad kong tugon sa gitna ng mga pinapakawalan kong hagikgik. Rinig ko rin ang mga tawa niya na mas lalo pang nagpagana sa akin upang ipagpatuloy ito. Tinaas ko ang aking kamay at nilapit ang kili-kili ko sa kanyang mukha.

"Grabe ka, Jin! Anghet kung anghet!" halos hindi niya na masabi iyon dahil sa pagtawa niya.

Tinigil ko na rin naman ang ginagawa ko at pinakawalan na siya. "Mabaho pa rin ba?" asik ko na nakangisi.

"Ang bango pala, mmhmmm! Fresh na fresh!" sabi niya na muli ko na namang tinawanan. "Oh, siya, magpalit ka na nga! Joke lang naman iyon at alam kong lagi kang mabango."

Kinuha ko na ang damit na inabot niya sa akin at pabiro na namang nagsalita, "Salamat po, Ms. Brittany."

"Ewan ko sa'yo," nakangiti niyang saad at hinayaan na lang muna akong magpalit.

Nang makapagpalit na ako'y naupo ako sa tapat ng working table at binuksan ang laptop. Pagod man ay kailangan kong ayusin ang iilang documents para sa trabaho ko. Mag-uumpisa na sana ako nang isang kamay ang pumatong sa aking balikat. "Ano ba 'yan, work na naman."

Alam kong nagtatampo na siya mula palang sa tono niya, kaya nama'y niyakap ko na siya at sinuyo. "Sorry, bhie ah. Medyo madami lang gawain ngayon eh."

Liriko: The BattlesKde žijí příběhy. Začni objevovat