Irreplaceable by azraelle

292 15 7
                                    

Tragedy - I Almost Do - Taylor Swift

"This is absurd." Umiiling-iling niyang tanggi sa kapatid. "Hindi ko kayang gawin iyang sinasabi mo." She pulled up the covers at inayos ang blanket nito.

"Please Aishen, ito na lang ang naiisip kong paraan. I don't want him to wait for me, he waited long enough and now this." Inilahad nito ang dalawang kamay na parehong may nakakabit na dextrose.

She looked at her twin sister. Kinagat niya ang loob ng bibig para pigilan ang sariling mapa-iyak. Malayung-malayo na ang itsura nito ngayon sa masigla at puno ng buhay na Ayen, anim na buwan na ang nakakaraan. She was so pale, her eyes were dark with circles around it. Humpak ang mga pisngi at unti-unti nang nalalagas ang mahaba at maitim nitong buhok.

"No." Tumalikod na siya. Hindi siya titigilan ng kapatid hanggang sa pumayag siya sa gusto nito.

"I'm dying Ais, last favor ko na ito sa iyo. After this hinding-hindi na kita kukulitin." Biro nito ngunit halata ang itinatagong lungkot sa tinig.

Natigilan siya sa akmang pagpihit sa doorknob ng pinto. Binalingan niya ang ngayo'y nakangiting kakambal. Paano pa nito nakukuhang ngumiti?

"Will you please stop saying that, hindi ka mamamatay." Hindi na niya napigilan ang sariling mapabunghalit ng iyak.

"Will you please stop crying. Lalo kang pumapangit, hindi ka na talaga magkaka-boyfriend niyan."

Natawa siya, mabilis niyang tinawid ang distansiya sa pagitan nila saka mahigpit itong niyakap na parang wala nang bukas. Na parang ito na ang huling beses na mayayakap niya ito ng mahigpit. Hindi sila makapaniwalang lahat nang lumabas ang findings ng Doktor tungkol sa kalagayan nito. Ayen was diagnosed with Chronic Myelogenous Leukemia, akala nila isang simpleng trangkaso lang ang pabalik-balik na lagnat ng kakambal, later on nagkakapasa na ito hanggang sa unti-unting mahulog ang katawan, sintomas na pala iyon ng sakit. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin siyang tanggapin ang lahat.

"A-ais I can't breathe." Nagrereklamo nitong sabi. Napangiti siya saka ito binitiwan.

"I'm sorry, kasalanan mo naman e, palagi mo na lang akong pina-iiyak." Nakangiting umupo siya sa kama.

"Aishen, I'm sorry if I always make you cry." Ginagap nito ang kanyang kamay. "I'm sorry kung palagi na lang akong nagpapasaway sa'yo. I'm very sorry kung palagi na lang kitang idinadamay sa mga problema ko." Marahang pinisil ni Ayen ang kanyang kamay.

Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana saka napapikit. She couldn't stand this. Ayen is not the type who will say sorry, masyadong mataas ang pride ng kanyang kapatid, everytime na magkakaroon sila ng misunderstanding, siya ang palaging nauunang humingi ng tawad kahit pa hindi siya ang may kasalanan.

"I know this is asking too much, pero ito na talaga ang huli." Narinig niya ang marahan nitong paghikbi. Parang piniga ang puso niya sa sakit seeing her crying like this. Ang sama-sama siguro niyang tao pero anong magagawa niya, she only want to make her sister happy. Kasalanan ba iyon?

"Fine, I'll do it."

Nagliwanag sa tuwa ang mukha ng kapatid. Napangiti na rin siya. Maybe it's not bad after all.

Kaya heto siya ngayon. Iniuntog niya ang noo sa hawak na manibela, kanina pa siyang five o'clock ng hapon dito. Ibig sabihin dalawang oras na siyang nag-iisip kung itutuloy ba niya ang plano niya o hindi.

Minasdan niya ang Imperial Estate Towers kung saan naroon ang opisina ni Lyle Imperial, ang on and off boyfriend ni Ayen. Napahugot siya ng malalim na hininga, hindi pa sila nagkakakilala ng personal ng lalaki pero marami na siyang naririnig tungkol dito mula sa kapatid. Lyle love her sister so much, sa dami ng naging boyfriend ni Ayen, bukod-tanging ang lalaki lang ang nakatiis sa mga mood swings nito.

Liriko: The BattlesWhere stories live. Discover now