Litrato by RimgazerXX

269 15 11
                                    

Tragedy - Let Her Go - Passenger

“Ivan, let her go. She’s such a bitch! I saw her na nakikipaglandian sa lalaki niya. And you know what’s worst? In that time, she’s kissing him and he grabs his necktie. Then, they both go into the car. Tapos, I just walk away kasi hindi ko na kaya yung nangyayari. They’re so gross” Tuloy-tuloy na wika ni Katrina sa kanyang kaibigang si Ivan habang sila’y parehong nanlalaklak ng likidong nakapagsasarap ng kanilang pakiramdam. Sila ay kasalukuyang nasa isang madilim na lugar na napakaraming mga makukulay na ilaw, maraming tao, malakas ang musika at karamihan sa tao’y nakapaligid doon ay nanlalaklak rin katulad nila.

Napatigil si Ivan sa kanyang narinig. Nandilim ang kanyang paningin at tila ba’y isang napalaking kometa ang tumilapon sa kanyang mukha. Siya’y nagulat sa lahat ng kanyang narinig. Hindi niya aakalaing kayang gawin lahat ‘yun ng kanyang sinisintang si Rebecca. Hindi niya mawari ang ganung kaganapang ginagawa ni Rebecca. Sapat na nga ba ang kanyang narinig upang hiwalayan niya ito?

“No! It’s not a good joke, Katrina. Hindi niya kayang gawin sa’kin ‘yun! No! I’ll not let her go because I love her” Sagot naman nito at hindi mapigilan sa kanyang mga mata ang lumuha.

“Ivan, she’s a damn flirt! I saw it with my two eyes! Kitang kita ko ‘yun, Ivan at hindi na niya maikukubli ang pagkahigad niya! Malandi siya” Halos marinig na ng buong bar ang pinagsasabi ni Katrina dahil sa lakas ng pagkasabi nito. Sila’y pinagtitinginan na ng mga tao sa kanilang paligid. Ang tanging ginawa na lang ni Ivan ay ang umalis palabas ng bar.

“Ivan! Wait” Dali dali namang tumakbo si Katrina para habulin ito.

At sila’y nasa harap ng kinakatayuan ng bahay ni Katrina. Madilim ang paligid at ang ilaw na lang sa harap ng bahay nito ang nagsisilbing liwanag sa kanila.

“Ivan, I’m here! Hindi mo ba alam that I am here always for you because I...I...I love you” At pagkasabi na pagkasabi nito ay agad niyang ilinapit ang kanyang mukha sa kanya at unti-unti niya idinampi ang kanyang mga labi rito at naging mainit na lang ang kanilang naging gabi.

Kinabukasan, iminulat ni Ivan at kanyang mga mata. Nakita niya na kakaiba ang kanyang paligid. Kanyang ikinalat ang kanyang tingin sa paligid at siya’y nagulat sa kanyang nakita.

“Katrina?! W-what happen?! This is wrong! Tell me! Walang nangyari sa’tin kagabi!” Gulat na gulat siya lalo pa’ t nakita nito si Katrinang nakahigang walang saplot at ang kumot lang ang nakatakip rito.

“Ivan, admit it na nag-enjoy ka rin kagabi” Tugon naman nito.

“No! This is wrong. Pano kapag nalaman ‘to ni Rebecca?” Madamdaming tanong ni Ivan kay Katrina at mababakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

“Ivan, linoko ka niya! Malandi siya! Hindi pa ba sapat ‘yun?” At pagkatapos lumabas sa bibig ni Katrina ang lahat ng iyon ay biglang tumahimik ang paligid at nagsimulang magdilim ang mga paningin ni Ivan kay Rebecca.

“Malandi siya! Dapat maturuan siya ng leksiyon” Isang galit na Ivan ang nakikita ni Katrina ngayon na tanging gusto na lang niyang gawin ay ang paghihiganti kay Rebecca.

“That’s good to hear. Come here! Let’s celebrate” Mahinahong pang-aakit na wika ni Katrina dito.

Kinagabihan ng araw na iyon ay may mga lupon ng mga bruskong nakaitim na lalaki ang dumating sa bahay ni Katrina. Sa mga oras na iyon ay wala pa si Ivan dahil siya’y nasa kalagitnaan pa ng kanyang trabaho kahit gabi na.

“You know what to do! Hanapin niyo ang taong nagmamay-ari ng picture na ‘to. Dispatyahin niyo! Malandi ‘yan! Dapat turuan niyo ‘yan ng leksiyon! Siya lang ang hadlang sa’kin kay Ivan” Isang masamang utos ang ibinilin niya sa lupon ng mga lalaki na wika ni Katrina “Pag nagawa niyo ‘yan, may bonus pa kayo sa’kin” Ani nito ulit habang iniaabot ang makapal na sobre na naglalaman ng pera.

Liriko: The BattlesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin