Huling Hiling by thatquirkybabe

252 15 5
                                    

Tragedy - 'Di Na Ganun - Yeng Constantino

Sabi nila kapag humiling ka daw kay Lord dapat specific. Huwag mong sabihing, ‘Lord, bigyan Niyo po ako ng jowa’ kasi bibigyan ka talaga niya, kaso baka hindi mo lang magustuhan kasi nga wala kang binigay na reference. Basta ka na lang humiling. Binigyan ka nga ng jowa pero hindi naman mahagilap ang kagwapuhan o di kaya may itsura naman pero gagawin ka lang ATM. Sasabihin ng iba, “okay na iyan, laman tiyan din iyan” pero di ba mas masarap ang pakiramdam kapag hindi mo pipilitin ang sarili mo na kainin ang pagkain na hindi mo talaga gusto? Ganito lang iyan eh, mamili ka, crispy, juicy fried Chicken Joy o pritong manok sa may kanto? Siyempre doon ka na sa Chicken Joy! Di ganun kasarap mabuhay kapag pipilitin mo ang sarili mo sa isang bagay na hindi mo gusto.

Sabi nga nila kapag may hihilingin daw kay Lord dapat specific kaya hiniling ko siya. Sabi ko, “Lord, bigyan Niyo po ako ng jowa na kamukha ni Ian Somerhalder, 5’8” ang tangkad, iyong mabait pero di ganun kabait, iyong sakto lang. Iyong hahawiin ang buhok ko bago ako halikan. Iyong ihahatid-sundo ako araw-araw at hindi magsasawa kahit umabot man kami ng sampung taon. Iyong ipaparamdam sa akin na isa akong babaeng dapat na alagaan at protektahan. Siyempre gusto ko rin iyong mahilig mang-sorpresa. Ayoko rin ng mushy, pero gusto ko sweet. Iyong lalakeng araw-araw akong liligawan kahit kami na, iyong lalakeng mas mamahalin ako. Lord, regalo Mo na lang siya sa akin tutal malapit naman na ang birthday ko, at kapag dumating siya, I promise to take good care of him hindi mo lang siya bawiin. Amen.” Ang lakas ko talaga kay Lord dahil isang linggo bago ang birthday ko ay may dumating na pinakamagandang regalo. May nakilala akong kamukha ni Ian Somerhalder, si Jared.

Ang tagal namang dumaan ng bus.’ Bulong ko sa sarili ko habang nagpupunas ng pawis.

Isang oras na akong naghihintay ng jeep at bus sa waiting shed ngunit wala pa ring dumadaan na biyaheng Ortigas. Kanina pa ako patingin-tingin sa relo ko dahil late na ako sa trabaho. Masasabon na naman ako ng boss ko. Araw-araw na lang ganito ang nangyayari sa akin. Kung bakit kasi hindi na lang nila pagawan ng overpass o di kaya magpagawa na lang ng MRT mula Ortigas hanggang dito sa may amin nang sa ganoon ay hindi ako nahihirapan ng ganito. Kung hindi naman pahirapang sumakay o madalang ang dumadaang sasakyan dito, traffic naman.

Nakadagdag pa sa pagkairita ko ang nanlalagkit kong pakiramdam dahil sa sobrang init. Di na ganun ka-presko ang pakiramdam ko, unlike kanina. Alam kong Summer ngayon pero hindi ko maiwasang mabwisit. Hindi ko alam kung dahil sa PMS ba ‘to o ano, basta ang alam ko lang naiirita ako sa sobrang init. Pakiwari ko’y malalapnos na ang balat ko sa sobrang init ng panahon.

Maya-maya lang ay may dumaang jeep at laking pagkadismaya ko nang bumuga ng maitim na usok ang tambutso at sa harapan ko pa mismo.

Bwisit!” Naiinis na usal ko habang pinapahiran ng panyo ang mukha kong nabugahan ng usok.

Nasa ganoon akong estado nang may pumarang bus sa harap ko. Puno man iyon dahil nakatayo ang ibang pasahero ay hindi na ako nagdalawang isip pa, tumakbo na agad ako at nakipag-unahan sa mga sasakay.

Malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa aircon ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa loob. Napasinghap ako sa masarap na pakiramdam. Sa wakas nakatikim din ng malamig na hangin ang katawan ko. Di na ganun kalagkit ang pakiramdam ko dahil sa hangin na yumakap sa akin. Umusog ako sa loob at humawak sa tubo na nakatayo malapit sa front seat para masuportahan ang pagtayo ko. Sa wakas makalipas ang isang dekadang paghihintay sa waiting shed, nakasakay rin ako.

May naramdaman akong kumalabit sa balikat ko makalipas ang ilang minuto mula nang sumakay ako. Nilingon ko kung sino iyon at pakiramdam ko biglang naghugis puso ang mga mata ko nang nakita ko kung sino iyon. Pakiwari ko huminto ang mundo at naging malabo ang kapaligiran namin. Wala akong ibang nakikita kundi siya lang. Bumagal ang kilos niya habang tumatayo sa upuan upang paupuin ako. Nag-slowmo kami. Hindi naman mawaglit ang mga mata ko sa kanya habang umuupo sa upuang ipinaubaya niya sa akin. Para akong nahipnotismo lalo na nang sumilay ang mga ngiti sa labi niya. Ang lalakeng kumalabit sa akin at nagpaupo ay kamukha ng lalakeng hiniling ko kay Lord. Siya na kaya ang laman ng dasal ko gabi-gabi?

Liriko: The BattlesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora