Kat by isaganireyes

181 7 4
                                    

Fairy Tales - Wide Awake - Katy Perry

May isang dalagang umiiyak ng

gabing iyon.

May isang lalaking natutulog na

may ngiti sa mukha ng

gabing iyon.

May isang matandang babae baluktot ang likod ang

malakas na pumapalakpak ng

gabing iyon.

May isang binhi,

binhi na hindi sinasadayang naipunla

ang nagsisimulang mag-ugat,

dahan dahang gumagapang,

naghahanap ng makakapitan,

sa may paligid na binabalot ng kadiliman

may isang binhing naipunla ng

gabing iyon.

Gabing Iyon”, Jaime Santos

#

Malamig na simoy ng hangin ang marahang umiihip sa may isang bahagi ng Lenalido Sector sa lungsod ng Josh ng gabing iyon. May isang mahabang kalsadang maalikabok, bihirang nilalakaran ng mga tao, madalang na binabagtas ng sasakyan. Madilim at tahimik ang kalyeng iyon na nagkukubli sa isang babaeng labing limang taong gulang.

May gamo gamong nakadapo sa isang kalangawing poste ng ilaw doon sa may kalsada. Malabo ang ilaw na ibinibigay ng nasabing poste. Hindi nakakagulat sapagkat ito ay kahalintulad ng ibang poste sa paligid, kawangis ng ibang mga bagay sa bahaging iyon ng Lenalido, depektibo at hindi gumagana ng maayos.

Walang anu-ano ay biglang lumipad palayo ang gamo gamo. May isa kasing dalagang may maamong mukha at kayumanging balat ang marahang sumandal sa nasabing poste kaya napilitang lumipad paitaas ang gamo gamo. Paitaas papunta sa malabong ilaw.

Yumuko si Katherine. Marahan niyang niyakap ang mga tuhod at nagsimulang umiiyak. Ang katawan niyang binabalot ng malabong liwanag galing sa poste habang madilim ang buong paligid.

Ilang minuto rin ang lumipas at unti unting nagkubli ang mga bituin sa likod ng makakapal na ulap.Dahan dahang pumatak ang ulan. Sa una’y tila nag-aalinlangan pa ito, parang nagdadalawang isip na bumuhos dahil ayaw niyang maistorbo ang dalagang mahinang umiiyak sa may gilid ng kalsada. Ngunit nung napansin niya na hindi alintana ng babae ang pagpatak ng ulan at tuluyan na siyang bumuhos.

Ng gabing iyon, gising si Katherine habang ang karamihan ng tao sa Lenalido ay mapayapang natutulog. Gising at umiiyak. Gising, umiiyak at nagbabalak.

#

“Meow!”

Nahinto sa pagiisip si Kat ng marinig ang pusa. Ipinihit niya ang kanyang ulo sa kaliwa ngunit wala siyang nakita sa bahaging iyon.

“Meow!”

Lumingon siya sa kanan ngunit wala ring natagpuan.

“Hey, down here,” isang malalim at malamig na boses na tila nanggaling sa isang malaking tao ang narinig ni Kat.

“Nasan ka?” tanong ni Kat.

“Yo! Miss down here,” sabi ulit ng misteryosong boses.

Yumuko si Kat at nakita nita na may isang pusang kulay itim ang nakadikit sa kanyang binti na tila sumisilong sa ulan.

Liriko: The BattlesWhere stories live. Discover now