The Girl He Used To Know by ThtsMyMstch

179 9 2
                                    

Absence - Sk8r Boi - Avril Lavigne

“Let’s all welcome,Mr.Kevin Garcia!” sabi ng host.Narinig ko naman agad ang sigawan,palakpakan at tilian ng mga humahanga sa akin.Pumunta naman ako sa harap.

“Thanks to all of you na pumunta dito.”sabi ko.Nagsigawan nanaman ang mga tagahanga ko.Ako naman ay umupo na at sinimulan ng tanungin ng mga media.

“Mr.Kevin,alam naman nating lahat na isa ka sa pinakasikat na rock singer sa ating bansa ano ang masasabi mo tungkol dito?”tanong sa akin ng isang reporter.

“Well,una sa lahat nagpapasalamat ako sa Kanya,at sa mga sumuporta sa akin simula nung baguhan pa lamang ako.”sagot ko.Nagpalakpakan naman sila,napangiti naman ako.

“Marami na pong nakakakilala sa inyo,pero wala pa pong may alam kung anong nagsilbing inspirasyon mo para marating mo ang kinalalagyan mo ngayon.Ano nga ba ang naging inspirasyon ni Mr.Kevin Garcia?”napahinto naman ako sa tinanong ng isa sa reporter,pero maya maya ay napangiti naman ako at sinagot na,”Siguro ang naging inspirasyon ko para marating tong pangarap ko ay..ay ang babaeng hindi nagtiwala sa kakayahan ko.”

Nakita ko namang nagsimula ng magbulungan ang mga tao.

“Pwede po ba namin malaman kung sino siya?” may isang nagtanong sa akin.

“Para na rin sa privacy niya mas mabuti kung huwag nalang natin sabihin.Pero classmate ko siya nung college.”Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita ang isang babae,nginitian ko siya at nginitian din naman niya ako pabalik.

//flashback 5 years ago

Levi!Bilisan mo naman.”sigaw ko kay Levi na nasa loob pa ng classroom.

Teka nga!”sagot niya pabalik.Kinokopya niya kasi ang notes namin.

Bilisan mo na,baka di na natin maabutan sila Izzy.”sabi ko.Baka kasi di na namin maabutan yung practice nila Izzy sa cheerleading.

Eto na nga”pagkalabas pa lamang niya ng pinto,hinila ko na agad ang kamay niya at tumakbo papunta sa gym.

Ano bayan!Dahan dahan lang baka pagdating natin dun wala na akong kamay.”sabi ni Levi.

Sensya naman,baka kasi di na natin maabutan practice nila.”sabi ko.

Narinig ko nalang na napa-tss si Levi.

Pagdating namin sa gym,nagpapractice palang sila Izzy.Kaya umupo muna kami sa bench dun at nanood nalang.

Ang ganda talaga niya no?”sabi ko habang nakatitig sa nagpapractice na si Izzy.Crush ko na siya simula nung 1st year college palang kami,eh graduating na kami ngayon so 4 years ko na siyang crush.Si Levi naman kababata ko slash bestfriend.

Masama naman ugali.”sabi ni Levi.

Napatingin naman ako ng masama sa kanya.”Oy bawiin mo yan,hindi naman masama ugali ni Izzy ha?Pinapansin nga ako nun palagi eh.”

Eh paanong di ka papansinin eh lagi mo siyang kinukulit.Ano ba naman yan Kevin tigilan mo na nga si Izzy eh wala ka naman mapapala dyan.”sabi niya.

Tiwala lang,magiging kami din ni Izzy.” sabi ko.Nakilala ko si Izzy dahil sa nabangga ko siya nung first day at sa di ko inaasahan,na Love-at-first-sight ako sa kanya.Simula nun lagi ko na siyang kinukulit,dinadalhan ng flowers o chocolates.

Nabalik naman ang pagiisip ko sa realidad nang makita kong tapos na ang practice nila.Nagmadali naman akong kunin ang mineral water na binili ko kanina para sana ibigay sa kanya.

Liriko: The BattlesWhere stories live. Discover now