When Chaka Believes by matthew_14

189 10 3
                                    

Fairy Tales - I'm A Believer - Smash Mouth

Ang Panget ko, bow!

Mayroong isang lalake na ubod ng kapangitan sa isang probinsya na kung tawagin ay tralala. Palagi lang siyang nakatambay sa isang puno at habang pinagmamasdan ang magandang kapaligiran. Puro bulaklak ang makikita sa buong paligid at sa hindi kalayuan, may isang batis do’n na napakalinis ng tubig. Madalas maligo doon ang lalaki para magpa presko.

Kung titingnan ang itsura niya, kahit sinong makakakita sa kanya ay siguradong hindi magugustuhan ang itsura nito. Literal siyang panget, sabog-sabog din ang buhok nito dahil sa katamaran magsuklay.

Katatapos ‘ko lang gumawa ng isang simpleng tula tungkol sa sarili ‘ko, wala kasi akong magawa kaya kung ano-ano na lang tuloy ang naiisip ‘ko.

Ako ay nasa isang lugar kung saan matatawag kong paraiso. Nakahiligan ‘ko na kasi ang umupo sa ilalim ng puno. Walang ibang kasama kundi ang bag ko na may laman na notebook at ballpen.

Sobrang minahal ko na ang lugar na ‘to dahil sa napakatahimik at maganda ang tanawin. May iba’t ibang klaseng bulaklak at may mga damo rin ngunit katamtaman lang ang laki ng mga ito. May mga puno rin na tila sumasayaw kapag umiihip ang malakas na hangin at tanging mga huni lamang ng mga nag-aawitang ibon ang naririnig ‘ko.

Mayro’n din isang batis na napakalinis ang tubig. Hindi ‘yon naman malayo sa pwesto ‘ko. Napakasarap damhin ng hangin sa t’wing dumadampi ‘to sa balat ‘ko.

Minsan tuloy, sinasabihan na ako ng mga tao na baliw ako, nakasanayan ‘ko kasi minsan na kausapin ang sarili ko. Masama ba ‘yon? E, wala naman kasing gustong makipag kaibigan sa’kin dahil sa itsura ko. Kaya no choice, dapat akong mabuhay ng mag-isa.

I thought Love was only true in fairy tales, meant for someone else but not for me. Hindi naman ako naniniwala sa kasabihang ‘yan, pero may pakiramdam ako na unti na lang, maniniwala na ako.

Dahil panget ako, wala sa bokabularyo ang salitang true love. Wala naman kasing nagkakagusto sa’kin dahil sa itsura ko. Pero ako, naranasan ko na ang magkagusto sa isang babae — nagtapat ako noon sa kanya na mahal ko siya. Na lahat ng gusto niya ay ibibigay ko, tanggapin niya lang ang damdamin ko para sa kanya.

Pero puro panlalait at pagpapahiya lang ang isinukli niya sa’kin. Sinabi niya rin sa’kin na lumayo ako sa kanya. Dahil kung hindi ‘ko siya titigilan, ipapabugbog niya ako sa mga kuya niya, o kaya ipapa-salvage niya ako. Ang sakit no’n para sa parte ko bilang lalaki.

At dahil no choice na naman ako, hindi ko na tinuloy ang balak kong panliligaw. Ayaw ko pang mamatay, mahal ‘ko pa ang buhay ko kahit pangit ako. Simula no’n, hindi na ako naniniwala sa pagmamahal.

Tahimik lang akong nakaupo sa ilalim ng puno habang habang nakatingala sa asul na mga ulap sa kalangitan. “Malungkot din ang palaging nag-iisa. Bakit ba kasi ang panget ko?” Hindi ko tuloy maiwasan magtanong sa sarili ko. Hay nako!

Naiyak na lang ako nang dahil sa itsura ko. Hindi ko man lang maranasan ang mabuhay ng masaya kagaya ng ibang tao. Buti pa ang kapatid kong si Johnny, gwapo at makinis ang balat. Naiingit tuloy ako sa kanya. Kaya lang, masama naman ang ugali niya.

Dahil sa sobrang pag-iisip, bigla ko na lang naramdaman na may taong tumabi sa’kin. Hindi ko siya pinapansin dahil may sarili akong mundo at ayaw kong magpa-istorbo.

Nagulat na lang ako nang kalabitin niya ako. Pero hindi ko parin siya pinapansin, bahala siya sa buhay niya. Ngunit patuloy pa rin siya sa pagkalabit sa’kin. Bigla akong naasar dahil sa ginawa niya kaya nilingon ko siya. “Ano ba?! Itigil mo nga--” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang taong kumakalabit sa’kin.

Liriko: The BattlesWhere stories live. Discover now