Untitled Love Story (ONE-SHOT)

184 5 0
                                    

Minsan sa buhay may bagay tayo na hindi napapansin at kusang dumadating sa ating buhay gaya nalang din sa pag-ibig.

Pagdating sa pag-ibig, hindi natin ito agad matutukoy kung ito ba ay pagsubok p ang huli at tamang tao na para sa iyo. Napakarami nga ng mga sorpresa ng pag-ibig, marami na rin itong napaiyak at nasaktan.., at isa na ako roon.

Matagal na akong may gusto kay Hansol Vernon-Choi. Makisig, napakapogi, matalino, habulin ng babae, talented at marami pa. Kilala at sikat siya sa eskwelahan namin dahil sa kakaiba at napakagwapo niyang mukha dahil isa siyang half-American. Sa pagkakaalam ko ay ipnanganak siya sa New York pero dito nasa korea lumaki kaya mas mahusay pa s'yang magsalita ng korean kaysa sa akin. Simula noong grade 7 ako ay nagkagusto na ako sa kanya. Nagsimula akong may maramdaman sakanya dahil noong niligtas niya ako sa bola ng baseball na papalanding sa ulo ko. Naalala ko parin ang mga yakap niya noon at ang init ng hininga niya na tumatama sa leeg ko at dahil doon, nagsimula nang magkaroon ng kuryente mula sa pagkakahawak niya at doon ko na rin agad napagtanto na may pag-ibig ako para sa kanya.

Grade 9 kami noon at prom nang nagkaroon ako ng tapang upag harapin siya at aminin ang damdamin ko, presko larin sa alaala ko ang mga pangyayari na iyon...

"Hansol, may gusto ako sa iyo" sabi ko sa kanya habang napapalibutan kami ng mga nagliliwanag na yellow lights na nagbi-blink at ang slow song na nakaplay. Nagkatinginan kami ni Hansol, diretso sa mata. 'Di alintana ang mga maliliit na boltaheng gumagapang sa katawan ko kaya nagawa ko parin siyang titigan. Umiinit ang paligid ko at mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Hindi kita gusto" diretso at kalamadong sabi ni Hansol habang seryosong nakatingin sa akin. Pilit kong iprocess ang mga sinabi niya...

'Hindi kita gusto'

'Hindi kita gusto'

Why he has to be so honest? Mas mabuti pa siguro kung papaasahin niya ako at maramdaman ang kakaibang damdamin na hahanap-hanapin ko.

"H-hansol, 'd-di m-mo naman k-kailangang s-sagutin ako. 'D-di ko k-kailangan ang s-sagot mo" gusto kong diretsong magsakita pero parang may unti-unting bumabara sa lalamunan ko.

"Alam ko, at hindi iyon sagot ko kundi nagtatapat rin ako sa'yo" malamig niyang sabi. Bahagya akong napaatras at pilit na pinipigilan na huwag tumulo ang luha ko.

"P-pero H-hansol..." hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang sumingit siya...

"Aalis na ako" sabi niya atsaka mabilis na naglakad. Hindi ko na siya hinabol pa sa gabing iyon kundi pinagmasdan ko nalang siya.

Pero tila mahirap kalimutan at bitawan ang unang pag-ibig, lalong-lalo na kung ikaw ay totoong nagmahal sa taong iyon.

Hanggang ngayon na nasa last year na kami ng Senior High ay iniibig ko parin siya; si Hansol.

Magkaiba kami ng section ngunit magkatabi lamang ang mga classrooms namin.

Recess ngayon at kakatapos lang ng first class kaya naisipan kong yayain ang kaibigan kong si Yem na nasa likuran ko lang nakaupo na pumunta ng canteen. Hindi dahil gutom ako kundi dahil gusto kong masulyapan si Hansol.

"Yems, punta tayo ng canteen gutom ako" pag-anyaya ko kay Yems habang hinihimas ang tiyan ko.

"Ikaw nalang. Baka sundan nanaman ako noong Chan na yun nakakainis na yun eh" sabi niya sabay labas sa phone niya at browse sa isang game.

"Ano ka ba! Bata lang yun kaya wag mo nalang pansinin." Tiningnan niya ako ng matalim kaya binawi ko rin adad ang sinabi ko. Kahit kailan napakastrikta nitong kaibigan ko. Napanguso ako sa kanya at unti-unting nagtungo sa upuan ko.

THE 13 GOOD BOYS' STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon