My Little Lover

160 7 0
                                    

"Noona! Tanggapin mo naman to!!!" Naglakad ako ng mabilis habang nakasunod naman sa likuran ko ang isang Junior.

"Noona!!" Mas lalo kong binilisan ang lakad ko hanggang sa makapasok na ako sa classroom. Mabilis akong naupo at sinuot ang earphones upang di ko na siya marinig na tumatawag.

"NOONA!!"that was the last word na narinig ko at bigla nalang nagsimula ang malakas ng music at nagsulat-sulat nalang ako.

Recess na ngayon at nagsi-labasan narin ang iba kong kaklase. Napatayo sa gilid ko si Pil Suk at nakangiti. Napatingin ako ng diretso sa mata niya at pinagtaasan ng kilay. Si PilSuk ay ang childhood bestfriend ko. Simula noong bata kami ay sobrang takaw na nitong kaibigan ko habggang ngayon pero ang ipinagkatataka ko; kahit sobrang takaw niya hindi parin siya tumataba.

"Yems, punta tayo ng canteen gutom ako" napanguso siya hinimas ang gutom na tiyan.

"Ikaw nalang. Baka sundan nanaman ako noong Chan na yun nakakainis na yun eh" sabi ko at sabay labas sa phone ko at browse sa isang game.

"Ano ka ba! Bata lang yun kaya wag mo nalang pansinin." Napatingin ako ng matalim sa kanya kaya agad naman niyang binawi ang sinabi niya.

"..hmm..okay lang na di ako kumain bahala na kung manginig ako dahil sa gutom. Ayos lang" she murmured at naupo na ulit sa upuan niya which is nasa harapan ko. Napayuko siya at nagtulog-tulugan.

Pinalakasan ko ag volume ng laro ko naglaro nang bigla siya umayos ng upo at malakas na sinabing;

"Okay lang na mamatay ako sa gutom kaysa sa mamatay dahil sa tama ng isang bala ng baril" napangiti ako sa sinabi niya at naisipan namas asarin pa siya.

"Dang! Win! Hahaha whoa! Double kill" sabi ko at nakita kong inis siyang napatingin sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

"Gutom nga kasi ako!" Di naniya natiis at wala akong nagawa kundi samahan siya sa canteen.

Medyo marami ang tao sa canteen kaya naisipan kong sa tabi lang ako mag-aantay sa kanya tutal hindi naman ako bibili, pumayag naman siya. Nakatayo lang ako sa tabi at nakatingin sa labas. Nakakatamad talagang mag-aral lalo na kung graduating student ka na. Napatingin ako sa mga estudyante dito sa loob ng canteen na abala sa iba't ibang gawain; may nag-chichikahan,nay nag-aaral; wow ha! Bilib ako sa kanila at nagagawa nilang mag-aral dito sa loob ng magulo at maingay na canteen.

Nilabas ko ang phone ko para maglaro dahil sa medyo mataas pa ang linya na pinilahan ni Pil Suk. Kakasimula ko palang ng laro ko nang may narinig akong pamilyar na boses...

"NOONA!!!"oh crap!!

Agad akong napa-alerto at pinatay ang cellphone saka nakisiksik sa linya nila PilSuk at dumikit ako kay PilSuk.

"Oy Yems! Akala ko di ka bibili" bungad ni PilSuk sa akin na nakangiti. Wow ha! Sa lakas ng sigaw ni Chan di niya man lang napansin o narinig iyon?

"Hindi nga ako bibili, nandyan kasi si Chan kaya naki-insert ako"bulong ko kay PilSuk at agad naman siyang natawa. Napakunot ang noo ko dahil sa ginawang pagtawa sa akin ni Pilsuk, napansin ata niya na 'di ko nagustuhan ang ginawa niya kaya agad din niyang inayos ang sarili.

Matapos namin bumili ay nagbell na. Sinabi ko naman kay PilSuk na mayamaya na kami bumalik sa room at baka masalubong or makita kami Chan.

Chan is my admirer since grade 9. Grade 7 palang siya noon nang nagkita kami sa library at nabunggo ko siya dahilan kung bakit siya natumba. Masyadong baby boy pa siya noon at musmusin kaya tinulungan ko siya at ayun na nga sa makalawang araw, nakipagkita siya sa akin at nag-confess. Nagulat nga ako sa ginawang confession niya, hindi kasi kapani-paniwala ang mga katagang 'na-love at first sight ako sa iyo', kaya agad ko siyang na-basted. Hindi rin kasi ako pumapatol sa mga bata at ayoko pang magka-boyfriend.

THE 13 GOOD BOYS' STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon