4.IN A RENDEZVOUS

123 22 16
                                    

In a Rendezvous Part 6

Umuwi ako sa bahay nina mama at doon muna magpapalipas. Hindi mawala sa isip ko ang kahihiyan na ginawa ko. Wala kasi ako sa sarili kong pag-iisip, atsaka ying nasabi ko kay Junhui... gusto kong magwala dahil sa katangahan na ginawa ko.

"Anak, dahil nandito ka iimbitahan namin ng dinner ang nga Wen" sabi mommy.

"Mom!" Pagbabanta iyon.

"Why? Aren't you and Jun are going out?" Tanong niya.

Napaface-palm ako at tumalikod sa kanya. Tinutulak nila ako kay Junhui. Is it really for the sake of business huh!?

"Jun is a very handsome man Hyejung. Magalang at responsableng panganay." Sabi ni Mommy.

"And so what mom? Do I love him? I don't love him so getting married to him is invalid" sabi ko.

"Anak, it's for your own good" pagpipilit niya sa akin.

Di na ako nakinig pa sa sasabihin niya sa halip at nagkulong ako sa kwarto ko at tumunganga.

Naalala ko ulit ang sinabi ng doktor. 'May mahal ako', sino naman?

Tinext ko ang kaibigan para pagalitan.

" you made me dumb " yun lang na sabi ko saka di ko na hinintay kung ano ang irereply nila.

Bumalik ako ulit sa tanong; may mahal nga ba ako-- not this. May feelings ba ako para kay Jun?

Napagulo ako sa buhok ko saka napatambling sa kama ko.

"Kainis! Bakit ba kasi nakilala ko siya!" Sabi ko habang hinahampas ang sarili ng unan nang biglang humukas ang pinto at iniluwa nun si Junhui. Napanganga ako sa gulat at gayun rin siya.

"What the-- kyaaaaaaaaahhhhhhh!!!" Sigaw ko sakay binato siya ng unan.

"Hey! Hey! Stop it!" Saway niya sa akin sabay ilag sa mga unan.

"Bakit? Ikakamatay mo to?" Sabi ko sabay bato parin nito.

"Bakit ka ba laging galit sa akin! Why don't you just hear me out first!?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako sa pagtama sa kanya ng mga unan.

Tinulak ko siya para mabitawan ang pagkakahawak niya sa akin at inayos ang pagkakaupo ko.

"You have to knock on someone's door either its closed or not! Tandaan lang nating yung GMRC!" Pangleleksyon ko sa kanya.

Napahalukipkip siya sa may side table ko at nakangiting nakatingin sa akin.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?" Maangas kong tanong sa kanya.

"Wala. Nababaguhan lang." Sagot niya. Napabuga ako sa hangin, feeling ko gusto ko naman itong masapak.

"By the way, kaya ako narito para sabihan ka na kailangan mo nang maghanda para sa dinner kay maligo ka na! May amoy ka na oh" sabi niya sabay takip sa ilong at akmang patalikod. Dahil sa inis ko, sinipa ko ang puwetan niya at napahaplos siya roon.

Nagkaroon nga kami ng kuwentuhan habang kumakain, pero gaya ng unang pagkikita ay tahimik parin ako at di makasabay sa topic. Ano ba naman kasi ang alam ko? Hindi ako makarelate, that's why I am temporarily a mute.

After kong kumain nagpaalam ako na babanyo muna pero sa garden ako tumungo para makaramdam man lang ng preskong hangin.

Naupo ako sa bench at halos mapatalon ako nang bigla ring napaupo si Junhui sa tabi ko.

"Ano ba! Wag kang nang-gugulat!" Singhal ko sa kanya.

" ano ba! Malay ko ba na nagulat ka pala" ganti niya naman

"Sa dami-raming bench dito ka pa?lumipat ka!"pagtataboy ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at naptingin sa akin. Seryoso siya.

"Please hear me out. Let me explain" masinsin niyang sabi.

"Ano naman ang papakinggan ko sa'yo? Wala--" he stopped me at inilagay ang hintuturo niya sa labi ko.

"Please." He said sincerely kaya napatahimik ahad ako.

"I'm sorry..."panimula niya. Napaupo ako tumingin sa kanya.

"It became my hobby. You know... flirting" napatawa ako sa sinabi niya.

"But I never touched them the way I did to you, " nawala ang mga ngiti ko sa labi. Syet! Naalala ko nanaman.

"Jun--" itinaas niya ang palad niya na ibig sabihin na huminto muna ako.

"I liked you ever since since we first met" ngumiti siya.

"What?" Pagtataka ko.

"I know you forget me. Gusto mong maalala?" Tanong niya napahalumbaba siya. Marahan akong tumango.

"Dati nang magkakilala ang mga magulang natin pero hindi pa sila business partners. Nsgbakasyon kami noon dito sa Korea at nakilala kita. Napaka-iyakin mo tapos lagi mo akong inaaway at ngayon hindi ka pa rin nagbabago..."napa-awang ang mga labi ko sa mga sinabi niya.

"Tapos one time... galit na galit ka sa akin nun kasi nahulog yung lollipop mo tapos hindi ko naman kasalanan. Ayaw mong tumahan noon kaya hinalikan kita. That was my first kiss and that was 17 years ago" hindi ko mahitsura ang mukha ko ngayon dahil sa epic kong expression.

"T-totoo b-ba yan?" Utal-utal kong tanong sa kanya. Tumango siya sabay may kinuha sa kanyang bulsa. Nilabas niya ang kanyang pitaka at may kinuha na kung ano doon. Inabot niya sa akin ang maliit na litrato at hindi ako makapaniwala. Ako itong batang babae.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"How come I didn't remember you?" Tanong ko sa kanya

"Bata pa kasi tayo noon, pero buti na lang naalala pa kita" sabi niya sabay kindat. Biglang nag-init ang mukha ko.

"Wag mo akong kindatan! Atsaka naalala mo ako pero nambababae ka!"singhal ko sa kanya.

"Hey calm down..." huminga ako ng malalim saka matalim siyang tiningnan.

"Sorry ulit. I promise hindi na. Magiging sayo ako" sabi niya sabay kindat.

"Isa pang kindat tutusukin ko yang mata mo" pagbabanta ko.

"Oo na po. Pero promise ko talaga yan." Sabi niya saka tumayo at lumapit sa akin.

"Hyejung, I missed you" sabi niya at niyakap ako.

To be honest, kinikilig ako. Junhui crush na ata kita.

_______________________________

Pasingit!! I just wanna endorse my first ever novel here!

Please support that book also the way you support these stories here.

Here's the link:

https://my.w.tt/UiNb/gueBnvdpJI

Thank you!

THE 13 GOOD BOYS' STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon