4. IN A RENDEZVOUS

126 20 5
                                    

In a Rendezvous Part 4

Tahimik at nakatingin lang siya sa akin habang pinapapak ko ang chicken at mag-isang iniinom ang beer.

Paano siya nakapasok dito? Syempre sinagot ko siya at sabay agaw sa pagkain. Paano ko siya sinagot? Wag kayong mag-isip ng iba hindi kami. Its just savage lang talaga yung naging sagot ko sa kanya.

"Masarap ba?" Napatingin ako sa kanya habang kinakagat ang chicken leg na hawak ko.

"Gusto mo?" Tanong ko at agad namang lumiwanag ang kanyang mukha.

"Bumili ka ulit ng sayo, you gave this to me atsaka wala nang bawian" napangiwi siya at humiga sa sofa at ipinatong ang kanyang braso sa kanyang noo. Hindi ko siya pinansin at nag-enjoy lamang sa pagkain hanggang sa biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Oh.. you're there? Okay. I'm on my way" sabi niya at agad itong pinatay at lumabas na ng bahay ko nang walang paalam.

"Woah! Ganda din ng ugali ano!? Siya na nga itong nag-insist na pumasok tapos aalis nang walang paalam. Where's the manners!!?" I murmured habang kumakain at nilagok ng beer.

Hindi ko na naalala paano ako nakatulog dito sa sofa katabi ang mga empty cans ng beer. Tamad akong bumangon nang biglang nag-ring ang cellphone ko. It's Yeri!

"Hello?" Tamad kong pagbungad sa kanya.

"Gosh HyeJung why is it everytime I call you you sounded like you just wake up! Are you that 'Lazy'?" Dakdak niya sa kabilang linya at bahagya ko inilayo ang cellphone sa tenga ko.

"Volume down please..." sabi ko sabay lapit ng cellphone ko sa tenga ko.

"Naku Hyejung!" Sge sounded like very annoyed na mas lalong magandang asarin.

"Aish! Bakit ka naman tumatawag tuwing kagigising ko lang aber??" Ako naman ang bahagyang napasigaw.

"Okay, let's not waste our time fighting about that non-sense.

"Oh bakit nga pala napatawag ka?" Tanong sabay kamot sa magulo kong buhok.

"Girl! It's Jiyeon's birthday at icecelebrate natin iyon mamaya sa club na lagi nating pinupuntahan!" She blurted out. My eyes suddenly widened at napaayos ako ng upo.

"Oh my! How can I forget about it!"napasapo ako sa noo.

"Thanks for informing Yeri, maliligo na ako para makabili ng gift para kay Jiyeon! At new dress for tonight!" There's an excitement in my tone.

"Okay then, see you later 7pm" sabi niya sabay baba sa tawag. Agad akong pumunta sa kusina para makapaghanda ng sarili kong breakfast. After kong kumain ng breakfast ay naglinis muna ako para hindi magulo. Ito ang daily routine ko, I cook, I clean, I do the laundry and etc.

After kong maglinis, nagpahinga muna ako ng at Instagram. Kahit wala pa akong ligo at hindi pa nasusuklayan ang buhok ko, nagtake ako ng selfie at inupload ito sa IG ko. Natawa ako sa mga comments ng mga friends ko na 'Blooming' daw ako. Really? Hindi ba nila pansin na ang dry ng buhok ko dun dahil wala pa akong ligo?

Nang na-bored ako kakascroll sa feed ko sa IG, pumasok agad sa isip ko na istalk si Junhui at tumambad sa akin ang sandamakmak niyang selfies. Most pictures are taken inside his room at sa mga bar. Pinagbabasa ko din ang mga comment na nandoon. Halos matawa ako sa mga babaeng nagcocomment na parang ewan.

Hindi ako nagtagal sa pangsto-stalk at agad ni pinatay ang cellphone at naligo na ako. Nagsuot ako ng isang high waist na black skinny jeans at white flanel for tops at pumps. Tinawagan ko ang driver ko na antayin ako sa parking lot.

When I got to the mall, dumiretso ako sa favorite botique ko. Pagkapasok ko palang binati na ako ng mga sales lady at nang manager nila.

"Hey! Are you looking for our new designs?" Bungad sa akin ng manager nila na dati'y schoolmate ko noong high school.

Tumango ako at dinala niya ako sa kabilang part kung saan nakadisplay doon ang mga bagong damit, bags, pumps, at iba pa. Tumingin-tingin ako sa mga damit. There I saw a very simple yet gorgeous beige dress. It's an off-shoulder dress na hanggang mid-thighs ko lang. Kinuha ko ito at humarap sa salamin.

"Great choice!" Sabi ng manager na nakangiti sa akin.

"Do I look good with this?" Tanong ko sa kanya. Tumango lamang siya at ngumiti.

After kong tingnan ng mabuti ang damit, pumili naman ako ng shoes ko. I decided to choose stilletoes. Pinakita sa akin ng mga sales ladies ang pinaka-bago nilang displays. There are different designs at colors but I was attracted with black one's dahil sa simple ng design na meron ito plus babagay din ito sa beige dress ko. At lastly, pumili ako ng designer pouch dito sa botique na'to para iregalo ko sa kaibigan kong magbe-birthday ngayon.

After kong magshopping, napagpasyajan ko muna na tumambay sa isang coffee shop dito sa loob ng mall. Nagmumuni-muni at tingin-tingin lang ako sa paligid hanggang sa nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

There was this girl who's clinging in his arms at eto namang lalakeng 'to gustong-gusto dahil nadidikit din nang babaeng iyon ang akala mo'y magandang malalaking boobies niya! Napabuga ako sa hangin nang binulungan ni Junhui ang babae at mahinang napahampas ito sa dibdib niya at tumawa-tawa pa sila. Ni-head to toe ko ang babaeng kasama niya.

She doesn't look so cheap but for sure this one is a bitch. After nilang mag-order naupo sila di kalayuan sa upuan ko. I can hear what they are talking about at 'di ko mapigilan ang mapatawa. Para hindi mahalata na nakikinig ako, kinuhako ang earphones sa bag ko at isinaksak sa cellphone ko at sa tenga. I pretended to listen to a song but I was actually eavesdropping.

"I really enjoyed last night" rinig kong sahi ng babae

"Me too! That was amazing" sabi naman niya. Agad akong napalagok sa kape ko at kumagat sa cake. Seriously!? Oh gosh! Wala na nga siyang manners sa bigla niyang pag-alis ng bahay ko nang walang paalam at tapos ngayon malalaman ko na dahil pala iyong sa babaeng kaharap niya.

Padabog akong napatayo at agad na dinampot ang mga gamit ko at nag-walk out. Bakit ba ako nag-eavesdrop!? Tsismosa ko din kasi! Bakit ba kasi ako nakikiepal, eeh wala naman akong mapapala doon.

Napahinto ako sa paglalakad at narealize ko...

"Bakit ba nag-aakto ako nang ganito!?"utas ko sa sarili ko at pinagsasampal ang sarili ko para matauhan.

'Wake up Hyejung! Don't mind them!'

_________________________________

A/N: Hi! Sorry late update at medyo maiikli. I've been busy sa school at maiikli din ang mga parts!

Anyway! Thank for reading and supporting my stories. Especially kay shadowswinter, THANK YOU! VERY! MUCH!♥♥♥

I hope that you'll support ny stories until the end and for the next next and new stories that I will create!

Thank You!

-Mikasa Wen-

THE 13 GOOD BOYS' STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon