My Enemy, My Lover (ONE SHOT)

255 29 6
                                    

"Liit!!! Pandak!!" Pang-asar ko kay Jihoon na ngayo'y namumula na sa inis sa akin.

"Ano sabi mo!!?" Pagalit niyang tanong habang mas lalong nagiging pula ang kanyang mukha.

"Sabi ko. Maliit ka. Pandak ka." Matigas kong sabi at kasabay nun ang paglanding ng pencil case mukha ko. Napangiwi ako dahil sa pagtama nito sa mukha ko.

"Sige ulitin mo pa at itong gitara ko ang ihahampas ko sayo!" Pagbabanta niya sa akin. Napatayo ako at binelatan siya;

"Blee! Sige subukan mo liit! Mas mataas pa ata ang gitara mo kesa sayo" pang-asar ko at tumakbo palabas para hindi niya ako mahabol.

"Kim Ga Eun!!bumalik ka dito!" Rinig kong sigaw ni Jihoon mula sa may pinto ng room namin.

"Manigas ka Jihoon liit!!"sigaw ko sa kanya at tumawa habang tumatakbo.

Hindi ko alam ang rason kung bakit ako napunta dito sa canteen. Pero nandito na ako susulitin ko na. Naki-line ako sa mga grade 9 dahil hindi ito masyadong mataas at mabilis na kumilos ang tindera. Natatawa parin ako sa pagmumukha si Jihoon na inis na inis. Kahit kailan ang sarap asarin nun.

Nang malapit na ako sa linya agad kong napagtanto na hindi ko pa alam kung ano ang bibilhin ko kaya agad naman akong nag-panic. Syempre sino bang hindi magpapanic, mapapagalitan ako ng mga juniors dito at nakakahiya iyon para sa isang Senior.

"Ano sa iyo ineng?" Shocks! Ako na pala ang tinatanong niya. Bahagya kong iginala ang tingin ko sa mga tinda, lahat iyon natikman ko na at lahat ng 'yon ay nakakasawa.

"Ineng.." mabilis kong tinuro ang red ballpen at agad naman akong nagbayad. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa marami na akong ballpen, ballpen pa ang binili ko. 

Naglakad-lakad ako pabalik ng room nang may sumalubong sa akin na mga grade 10 at may dala-dalang regalo. Eto nanaman sila!

Tatlo sila at ang isa na nasa gitna ang pumoporma sa akin at ang dalawa naman ang tumutulong sa kanya.

Huminto ako sa harapan nila at napa-cross arms. Sobrang hinhin ng lalake ng inabot niya sa akin ang regalo.

"Regalo nanaman?"tanong ko at napatingin siya sa akin.

"Saan mo nakukuha ang pera pambili ng ganyan?" Tanong ko sa kanya at hindi siya makasagot.

"Kumukupit ka sa nanay mo? O may iba kang ginagawa para makabili ng ganito?" Sunod-sunod kong tanong sabay bigay ulit sa kanya ng regalo.

"Sorry pero uulitin ko, ayokong tumanggap ng mga regalo atsaka wag kang mag-aksaya ng pera kakabili niyan. Mag-aral ka rin ng maigi" dire-diretso kong sabi nang--

"Ga eunnn!!!!" Oh crap! Jihoon's still chasing me.

Bago pa ako makatakbo ay tumama ang isang notebook sa mukha ko. Sapol nanaman! Aba namimihasa na itong liit na ito sa pagtama sa maganda kong mukha ah.

Gulat ang naging reaksyon ng tatlong grade 10. Hinubad ko ang sapatos ko at ibinato rin ito kay Jihoon at natamaan siya sa mukha. Napangiwi siya at natawa ako doon dahil sa expression niya.

"Ga eun!!" Pagbabanta iyon.

"Jihoon! Ga Eun! To my office, NOW!" nanigas ako nang biglang sumulpot sa likuran ko si Ms. Lee ang matandang-dalaga na Dean namin.

Dahil lumaki kaming masunurin ni Jihoon, sumunod kami sa opisina ni Ms. Lee.

"Jihoon at Ga Eun, both of you are too naughty. Hindi lang naughty, you are brutal, you have no manners, you have no respect! Gosh! Your in your last year as a senior. Please show to your juniors that you are worthy for their respect. You see? Some students looked like they are having a great time watching you. They make fun of you, hindi ba kayo nahihiya?.."sunod-sunod na tanong niya.

THE 13 GOOD BOYS' STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon