Chapter 37 - Chinese guy and The ex-girlfriend

287 9 5
                                    

-- Chapter 37 --

Napaisip bigla si Kris. Kung totoong nanggaling sa hospital si Joyce, anong ginawa niya dun? May kinalaman kaya yun sa di nito pagsipot nung isang gabi. Napatingin siya sa cellphone niya na nakalapag sa tabi niya. Tatawagan ba niya ito? O hindi?

"Tawagan mo na." sagot ni Harold na tila nababasa nito ang isip ng kaibigan.

"Bakit ko naman siya tatawagan?" tanong nito.

"Aba! Syempre para malaman mo kung bakit siya nagpuntang hospital. Alam ko namang nag-alala ka sa kanya nung malaman mong galing siya dun eh."

"Walang nangyari sa kanya."

"Paano kung meron?"

"Imposible. Eh di sana, di siya nakapagtext nung isang gabi na something came up? Baka nagpakuha siya ng dugo."

"Ang weird mo bro. Ano ba yang mga teorya mo?"

"Nag-iisip lang ako ng something positive."

"Pero paano nga? Di mo man lang siya kakamustahin? Birthday mo na in 2 days. Baka di ka niya bigyan ng regalo."

"It's not a special day." maikling sagot ni Kris.

Habang nakatingin si Joyce sa labas ng bintana ng sasakyan ay bumuhos ang malakas na ulan. Sandali siyang napatitig rito.

"Umuulan pala." sabay ngiti ni Kuya Santi.

"Pag umuulan, nakakaramdam ako ng lungkot." sambit ni Joyce.

"Bakit naman?"

"Kasi parang umiiyak ang langit. Parang sa tuwing nalulungkot ako, tsaka umuulan."

"Alam mo ba, yung challenges maitutulad mo sa ulan." sagot ni Kuya Santi. Napatingin sa kanya si Joyce.

"Paano?"

"Challenge will resolve depending on how you think of it. It's like thinking of the rain. May iba na nalulungkot tulad mo dahil parang umiiyak ang langit or dahil sa ulan kaya di sila matutuloy sa lakad nila. Yung iba naman, fears of the rain. Because it causes floods, lightning and thunder. But other people, thinks of it as something that causes joy especially to kids. They enjoy it so much. Kaya Joyce, yung nangyayari sayo ngayon is like a rain. Pwede kang malungkot pero you can turn it into something positive. Pwede mong isipin na naging way ito para mareunite kayo ng Dad mo. Pagkagising ng Daddy mo, everything will be perfectly fine. Kaya stop worrying, okay?" napangiti si Joyce sa mga sinabi ni Kuya Santi.

"Thank you Kuya Santi ah? Thank you for not leaving my side." pasasalamat niya rito.

"Anytime." sabay tap niya sa balikat ni Joyce.

"Pero di ko talaga akalain that those words would come out from your mouth." sabay tawa ni Joyce. Natawa na rin si Kuya Santi. Nagring ang phone niya Joyce at agad niya itong sinagot.

"Hello?"

"It's me, Kris." sagot nito sa kabilang linya.

"Oh! Napatawag ka?" sagot ni Joyce.

"Ah a-ano.. gusto lang sana kitang kamustahin." sagot ni Kris.

"Joyce, there's your favorite restaurant!" sabay turo ni Kuya Santi roon. Napalingon si Joyce sa tinuturo nito. Nakalimutan na niya ang kausap sa telepono.

Love AffirmationWhere stories live. Discover now