Chapter 25 - Life in danger

881 11 14
                                    

-- Chapter 25 --

Malungkot pa rin si Joyce kahit hanggang sa makauwi siya. Inihatid siya ni Dexel.

"You need to be ready for tomorrow. Don't think too much. Magiging okay din ang lahat." payo ni Dexel.

"Sana nga Dex. Miss ko na si Bien.." sagot ni Joyce.

"I'll talk to her later. I-eexplain ko sa kanya lahat ng sinabi mo."

"Thank you talaga Dexel. Thank you for not leaving my side.."

Pinuntahan ni Dexel si Bien tulad nga ng sinabi niya kay Joyce. Ayaw sana siyang kausapin nito pero pinilit si Bien ng Mommy niya na makipag-usap rito kaya't lumabas na rin siya.

"What are you doing here?" tanong ni Bien.

"Bien, open your mind to Joyce's explanation. Di niya talaga kagustuhan yun. Eh kasi ikaw yung.--"

"Enough na. I heard everything already."

"You did? Eh bakit di ka pa nakipag-ayos sa kanya?"

"I'm still not convinced na di nya ginusto yun. I know a part of her ay tuwang-tuwa na siya ang gumanap na Cinderella. And may nilihim rin siya sakin na dumagdag sa inis ko sa kanya."

"Ano yun?! Bien?!"

"Umalis ka na. She probably needs you more than I do. Don't waste your time here. Wala kang mapapala."

"She's still your bestfriend Bien. Try to remember that." sabay paalam nito sa Mommy ni Bien tsaka siya umalis.

Ginising ni Tita Yanni si Joyce dahil 7:30 na pero di pa rin ito bumabangon. Nang bumangon ito ay napansin niyang parang medyo namumutla si Joyce.

"Are you okay? You look really tired." sambit ni Tita Yanni.

"Okay lang po ako. Sige po Tita mag-aayos na po ako." patayo na ito nang muntik itong tuluyang tumumba.

"Wag ka muna kayang pumasok? Di ka talaga okay e."

"Don't worry Tita. Okay lang po talaga ako. Gutom lang po ito. Di ako nakapagdinner kagabi diba? Sige po."

Nang makaalis si Joyce ay nag-aalala pa rin si Tita Yanni sa kanya. Mag-isa itong nagmaneho. Nag-isip siya nang dapat niyang gawin.

"Kris?" tinawagan na niya si Kris sa telepono para pabantayan si Joyce sa kanya.

"Oh Tita! Bakit po?" tanong ni Kris.

"I'm worried about Joyce. Hindi siya okay e. Namumutla siyang umalis rito."

"Pumasok pa rin po siya? Nasaan na po siya ngayon?"

"Pumasok na siya. On the way na siya sa school."

Ngiti na lamang ang way ni Joyce para batiin ang lahat ng bumabati sa kanya dahil masama talaga ang pakiramdam niya. Nang makarating siya sa dressing room ay agad siyang sinalubong ni Ate Dora, make up artist niya para sa closing ng festival.

"Anong nangyari sayo chinita? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong sa kanya ni Ateng Dora.

"Ah. Wala po Ate Dora. Medyo pagod lang po siguro. Alam ko naman pong magaling kayo magtago ng ganyan e." sabay tawa ni Joyce.

"Oh sige hija. Gagawan natin ng paraan." lalagyan na sana siya ng make-up nang magpaalam si Joyce.

"Pero Ate, punta lang po muna ako ng ladies room. Para dire-diretso na ang make-up mo mamaya sakin."

Love AffirmationWhere stories live. Discover now