Chapter 21 - Exchange company

954 10 2
                                    

-- Chapter 21 –

Nabigla si Joyce sa binitiwang salita ng kaibigan. Bakas sa mukha nito ang galit na hindi alam ni Joyce kung saan nagmumula.

“Ano bang pinagsasabi mo? Anong agawin sayo isa-isa?” tanong ni Joyce rito.

“Aminin mo na! Totoo ba? Kung gusto mo rin palang maging Cinderella, bakit umayaw ka pa nung sinabi ko sayo? Bakit hinayaan mo kong mag-audition kung gusto mo rin pala?! Ibibigay ko naman sayo yun eh! Kasi magaling ka! Magaling ka diba? Plastic!”pasigaw na sagot ni Bien rito. Hindi na napigilan ni Joyce ang sarili at nasampal na niya ang kaibigan. Kaagad naman siyang hinawakan sa balikat ni Dexel para pigilan na ito.

“Wala akong inaagaw! Kung ano man yung dumating na balita sayo, sigurado akong di yun totoo! Tsaka oo! Gusto kong maging Cinderella, I mean yung role na yun! Alam mo naman yun eh. Pinangarap ko yun simula pa nung elementary tayo! Pero kaya ako umayaw dahil para sayo! Dahil alam kong gusto mo rin yun! Hindi ko akalain na mamasamain mo pa yung pagtanggi ko kay Sir August..” Naluluhang sagot ni Joyce.

“Tumanggi?” naguguluhang tanong ni Bien.

“Oo! Tumanggi ako! Inoffer-an ako ni Sir August na mag-audition but I refused kaya ginawa na lang niya kong co-director. Ayokong agawin sayo yung passion mo kahit passion ko rin yun! Kasi kaibigan kita, mahal kita eh. Ayokong magtalo tayo dahil lang sa role na yan!” sabay kalas niya sa pagkakahawak ni Dexel tsaka siya umalis. Hinabol siya ni Bien at niyakap ito mula sa likod.

“Sorry beb. Sorry bestfriend.. Sorry sa lahat nang nasabi ko..” nagmakaawa itong patawarin na siya nito at dahil nga ayaw ni Joyce na nagtatagal na may tampuhan silang magkaibigan ay hinarap niya ito at nakipag-ayos. Nakangiti namang pinagmamasdan ni Dexel ang dalawa.

Nakaupo at mag-isa si Dexel sa rehearsal room habang hinihintay si Joyce at Bien. May usapan kasi sila kahapon na maghahanda na sila ng presentation para sa Monday. Nang dumating ang dalawa ay nakabagsak ang mga mukha.

“Oh bakit?” tanong ni Dexel rito. Lumapit ang dalawa sabay kuha ni Bien sa hawak na bottled iced tea ni Dexel.

“Wala kaming nahiram na sound system. Yung sound system daw ng room nito ay inaayos dahil gagamitin nila para sa monday.” sagot ni Joyce.

“ganun ba? Paano na yan?” tanong ni Dexel. Nanghiram daw ng sound system si Joyce kay Kris pero di pa raw ito nagrereply.

Ilang sandali ng paghihintay at pagtunganga ay dumating sila Kris bitbit ang sound system. Kaagad namang napatayo si Joyce at tumakbo papalapit kay Kris sabay yakap niya rito.

“Teka teka! Mabigat tong bitbit ko!” sambit ni Kris habang parang nasasakal na siya.

“Ay sorry! Akala ko naman kasi wala kang pakialam eh! Bakit kasi di ka nagreply?!” inis na tanong ni Joyce rito.

“Ah, nagloloko ata yung network eh. Di ako makapagsend ng text kaya ayun.” sagot ni Kris.

“Eh teka, kanino to? Sayo?” tanong ni Joyce.

“Ah oo. I’m playing music, making music, rehearse-rehearse din pag may time..” sabay bungisngis ni Kris.

“We have a band! A two-guy band.” sabat ni Harold sabay tawa. Natawa rin si Joyce rito.

“Uy thank you guys ah! Hulog kayo ng heaven!”muling tawa ni Joyce.

Habang nagpapatugtog ay nag-iisip naman ng gagawin ang dalawa. Di pa rin kasi sila makapagdecide. Magkaiba rin kasi sila ng gustong gawin. Si Joyce gustong sumayaw habang si Dexel ay pagkanta naman ang gustong gawin. Then Kris suggested something.

Love AffirmationOnde histórias criam vida. Descubra agora