Chapter 30- Friendship is over

612 13 2
                                    

-- Chapter 30 --

Napaatras si Joyce sa ginawa ni Ms. France sa kanya. Nagtataka siyang napatingin dito habang nakahawak sa mukha niyang namula sa ginawang pagsampal ni Ms. France sa kanya. Humarang naman si Kris sa harap niya para awatin ang guro.

"How dare you steal my boyfriend!" galit na pasigaw na tanong ni Ms. France kay Joyce. She's pointing her finger to Joyce na nilalayo naman ni Kris.

"Hindi ko po alam ang sinasabi mo Ms. France.. wala po akong ginagawang masama." naiiyak na sagot ni Joyce.

"Nagmamaang-maangan ka pa? Eh diba buhat buhat ka kahapon ng boyfriend ko? And then last night, he broke up with me?!" sagot ni Ms. France rito. Nagulat si Joyce sa narinig. Totoo bang siya ang dahilan ng hiwalayan nila Kuya Santi?

"Ms. France wala talaga akong kinalaman dun. I got sprained ankle yesterday kaya po ako binuhat ni Kuya Santi. Ms. France, maniwala ka po. Wala talaga akong kasalanan." sagot ni Joyce.Tatangkain na namang saktan ni Ms. France si Joyce nang hawakan na ni Kris ang mga kamay nito. Galit na nakatingin rito.

"If you can't accept her explanation, better leave now Ms. France. Nag-iiskandalo lang kayo rito, professor ka rito and I believe na kailangan niyong pangalagaan ang reputation niyo, tama?" magkasalubong pa rin ang mga kilay ni Kris na para bang nagbabanta. Kahit girlfriend ito ng kapatid, eh never silang naging close. Maayos ang pakikitungo niya rito pag bumibisita ito sa kanila ngunit ngayon, nawawalan na ito ng respeto rito dahil sa pananakit nito kay Joyce. Naiinis itong umalis sa harap nila Kris at tuluyang lumayo. Inalalayan ni Kris si Joyce na maupo. Gulat pa rin ito sa nangyari. Nakita ni Kris ang nahulog na lollipop sa damuhan.

"Thank you Kris. Thank you at naniwala ka sakin na wala talaga akong ginawang masama." napangiting sagot ni Joyce. Nag-alala lalo si Kris rito dahil mukhang madadagdagan na naman ang iisipin ni Joyce.

"Basta I'm always here for you hangga't kailangan mo ko." ngumiti na rin si Kris upang makatulong sa paggaan ng pakiramdam ng dalaga.

"Alam mo ba, quota na ko sa sampal ngayong buwan?" pagbuburo ni Joyce.

"Huh?" pagtataka ni Kris.

"Kase, nung birthday ko, nasampal ako ni Mommy."

"Nung birthday mo? Nasampal ka ng Mommy mo?"

"May isang bagay kasi akong nagawa na sobrang ikinadisappoint niya sakin. Pero okay na kami."

"Gaano naman nakakadisappoint yun, at nasampal ka talaga ng Mommy mo?"

"I'll tell you soon. Tapos di pa kami okay ni Bien, ngayon naman may nagawa pala akong isang bagay na dadagdag sa problema ko."

"Huwag mo na isipin yang mga yan. Mas problemahin natin ang school works. Malapit na natin matapos ang isang sem." masayang tono ni Kris.

"I hope matapos ko ito ng masaya."

"You are a strong person Joyce. Alam kong kakayanin mo." sabay akbay ni Kris sa kanya.

"Thanks for believing dude." sabay ngiti ni Joyce sa kanya. Nakaramdam naman ng ilang si Kris kaya't marahan niyang inalis ang kamay niya sa balikat ni Joyce. "By the way, there's one thing that you have to promise me."

"What?"

"Please don't tell Kuya Santi about what happened." pakiusap ni Joyce. Natahimik naman si Kris at ayaw niya sana mangako pero. "Please?"

Love AffirmationWhere stories live. Discover now