Chapter 16 - Back on being friends

1K 13 5
                                    

-- Chapter 16 --

Nagsimula nang magpanic si Joyce nang hawakan niya ang mukha ni Kris dahil inaapoy na pala ito ng lagnat. Kumuha siya ng alcohol at ibinuhos sa maligamgam na tubig. Nagpiga siya ng bimpo sa pinaghalo niyang tubig at alcohol tsaka pinahid sa mukha ni Kris. Nanginginig pa rin si Kris. Kumuha siya ng kumot. Tinignan ni Joyce si Kris bago niya ilagay ang kumot rito. Pero nag-aalinlangan siya sa naiisip niya.

"Hindi! Hindi pwede yun.. Pero mas magiging komportable siya kung tatanggalin ko ang.. ay nooo!" bulong sa sarili. Nagsimula na naman siyang maguluhan.

Ilang minuto pa ay nakapagdesisyon na siya. Pumikit siya tsaka niya tinanggal ang shirt ni Kris. Iniligay naman niya rito ang makapal na kumot na kinuha niya para hindi na ito manginig at tama nga ang ginawa niya. Nakita niyang kalmado na ito. Pinunasan niya ang mga braso at binti ni Kris tsaka nilagyan niya chineck ang temperature nito. Naghanda siya ng lugaw rito para kung sakaling magising ito ay makakain sila. Habang nagluluto ay narinig niyang sumisigaw si Kris.

"Daddy! Daddy! Don't leave me please! We need you! I need you please!" sigaw ni Kris. Pinatay ni Joyce ang kalan at kaagad niyang pinuntahan ang binata. Nanaginip pala ito. "Please don't leave!"

"Kris.. don't worry, I'll stay here with you.." sagot ni Joyce. Iniisip na lang niyang pakalmahin ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap rito. By that, para na ring kausap ni Kris ang Daddy niya sa panaginip. 

"Will you promise? Daddy what will happen to my life without you? I need you Daddy.." sagot ni Kris na nanaginip pa rin. Tumulo ang luha sa mga mata nito. Awang-awa si Joyce rito kaya't lumapit siya tsaka niya ito niyakap.

"Be strong Kris.. Daddy will stay forever by your side.." sambit ni Joyce sa natutulog na si Kris. Tahimik na uli ito at kalmado na ulit ang itsura ni Kris.

Bumalik si Joyce sa niluluto niya. Nang maluto ito ay kinuha niya ang thermometer na matagal ding nakalagay kay Kris. Medyo bumaba na ang lagnat nito.

"Sleep well.." napahikab siya sabay yuko niya at tsaka nakatulog.

Nagising si Kris. Masakit pa rin ang ulo niya pero bigla itong nawala nang mapansin niya nakatulog sa gilid niya si Joyce. Nakatulog pala itong hawak ang kamay niya. Napangiti siya at tuwang-tuwa siyang tinitingnan ito habang natutulog. Nang magising ito ay kaagad siyang pumikit at nagpanggap na natutulog.

"He's still sleeping?" hinawakan niya ang noo nito para icheck kung mainit pa rin ito. Nagulat si Joyce nang biglang hawakan ni Kris ang kamay niya. "Gising ka na?!"

"What am I doing here?!" tanong ni Kris rito pero nakapikit pa rin ito. Binawi na ni Joyce ang kamay niya rito.

"I should be the one to ask you! What.. are you.. doing here?" tanong ni Joyce rito.

"I don't know.." sagot ni Kris hanggang sa maalala na niya ang nangyari kagabi. "Ah! I was dropped here last night."

"Dropped here? Why? What happened to your car?"

"I made it towed. Nasiraan kasi ako sa daan.. Two people snatched my wallet. I don't have any cash, just the P20." nahihiyang sagot ni Kris. Natawa naman si Joyce. Napakunot noo naman si Kris.

"Why didn't you just call Harold? or your Kuya Santi?"

"I only have this.." he showed to Joyce his empty battery phone.

Love AffirmationWhere stories live. Discover now