Chapter 34 - I think I like him

332 10 5
                                    

-- Chapter 34 --

Nang magising si Joyce ay medyo nahihilo pa siya at masama ang pakiramdam. Sinubukan niyang kilalanin ang lalaking naglagay ng basang bimpo sa ulo niya. Kinamusta siya nito. So it's Kris. Napangiti siya.

"Thank you." mahinang sabi niya rito.

"Tsaka ka na magthank you pag magaling ka na. Magrest ka muna." bilin ng lalaki.

"I will." mahinang sagot niya tsaka siya pumikit ulit at nakatulog.

Umaga na at magaan na ang pakiramdam ni Joyce kaya't nang bumangon siya agad siyang dumiretso sa kusina para hanapin si Kris.

"Where's Kris?" tanong nito sa Tita niya.

"He left after driving you here." sagot ng Tita niya. Nagtataka naman si Joyce.

"Huh? How that happened? He took care of me last night, right?" tanong niya muli rito.

"No he did not. It was Santi who stayed all night." sagot ng Tita niya sabay abot sa kanya ng isang baso ng gatas.

Nakapagbihis na si Kris nang dumating ang Kuya Santi niya. Agad siyang bumaba para tanungin ito tungkol kay Joyce ng maalala niya ang nangyari kagabi. Nakita niya sa mga mata ng kapatid kagabi ang lubos na pag-aalala nito kay Joyce. Kaya't hindi na rin niya nagawang bumaba. Hindi rin kasi siya nagkalakas ng loob kagabi para akuin ang pag-aalaga sa dalaga. Nilapitan ng Ate Shine niya si Santi. Tinanong nito ang lagay ni Joyce.

"She's fine now. When I left her, bumaba na ang lagnat niya." sagot ng Kuya niya.

"That's a relief.. Nag-alala ako nung nagtext ka eh. Buti at dumating si Doc Sheena.." sagot ni Ate Shine.

"Nagpanic rin ako actually nang maramdaman ko na sobrang init na niya. Where's Kris?" tanong nito. Napalingon agad si Santi sa kinatatayuan ng kapatid. "Where have you been?"

"Bakit?" tanong ni Kris rito habang pababa ng hagdan.

"Why did you just leave last night? Alam mo bang ang taas ng lagnat ni Joyce?" pasigaw na tanong niya rito.

"Eh diba nga, you were there? Bakit parang nagagalit ka? Naging superhero ka na nga diba?" pabalang na sagot ni Kris. Aakamang suntukin siya ni Santi.

"You were the one responsible for what happened last night yet umalis ka. Ano klase ka?" galit na sagot niya rito habang hawak ang kwelyo nito. Inawat sila ni Ate Shine.

"Don't blame him Santi. It was no one's fault okay?! Magbihis ka na if you are going to work." sambit ni Ate Shine rito tsaka umakyat si Santi sa kwarto niya para magbihis.

Pumasok na si Joyce kahit pinigilan pa siya ng Tita niya. Isang araw lang siyang nakapagpahinga. Nakita niya si Kris na nakaupo sa gilid ng puno. Nilapitan niya ito pero gulat lang na napatingin ang binata sa kanya na napalitan rin ng pagkailang at hiya.

"Why?" pagtataka niya rito.

"A-ano.. kasi.." nahihiyang sagot ni Kris.

"Ano? Kris?"

"I'm s-sorry.. I'm sorry for leaving you that night." sabay yuko ni Kris.

"Ano kaba. No big deal. I understand." sabay ngiti niya rito.

"Talaga ba? Okay lang sayo?" sabay tango ni Joyce. "Ano nga pala ginagawa mo rito? Diba may klase ka?"

Love AffirmationWhere stories live. Discover now