Chapter 8 - With good or bad intention?

1.1K 12 4
                                    

-- Chapter 8 --

Kinausap ni Kuya Santi si James tungkol sa nalaman niya. Pero tila ayaw siya nitong pakinggan at patuloy pa rin sa pagbibiliard kasama ang kaibigan.

"I will tell HER everything about you if you're not gonna stop playing there!" banta ni Kuya Santi sa kanya. Naisip agad ni James kung sinong 'her' ang tinutukoy ni Santi kaya't sumama na siya rito para makausap niya.

Lumabas silang dalawa para mag-usap.

"I have my plans Santi! Wag mo kong pangunahan.." panguna ni James rito.

"If you're not going to tell her soon, I'll be the one to tell her!"

"Bakit ba lahat na lang pinapakelaman mo? Wala ka bang magawa sa buhay mo?!"

"Si Joyce ang involve dito! Kababata mo! Kaibigan mo! How could you do this to her? Para mo na rin siyang niloloko sa ginagawa mo!"

"Hindi ko siya niloloko.."

"Then what do you call this?"

"Hindi ko palang sinasabi na ako si Kris.. pero di ko siya niloloko."

"It's like lying James! Not telling the truth is almost the same to lying! Umayos ka Santiago!" sagot ni Kuya Santi sa kapatid. Tinalikuran na niya ito.

"Why are you like this to her? May gusto ka ba sa kanya? Ha!" biglang tanong ni James.

"What are you saying? Parang nakakabatang kapatid ko lang si Joyce!"

"Nakababatang kapatid?! Napakaprotective mo naman sa kanya?!"

"Huwag ngang makitid ang utak! Minsan di ko na alam kung saan mo nakukuha yang mga tanong mo.." sabay alis nito.

Sinunod-suno na ng tanong ni Bien ang kaibigan tungkol sa naganap ng break-up. Wala namang itinago si Joyce rito. Sinabi rin niya na totoong hinatid siya ni James kagabi nang wala na siyang masakyan.

"So, nanliligaw na ba si James sayo?" tanong ni Bien rito.

"Ano ka ba.. hinatid lang ako, ligaw agad? Siguro concern lang. Tsaka ang sungit kaya nun minsan kaya sarap kutusan." sagot ni Joyce.

"Pero did he tell you na gusto ka niyang ligawan ngayong free ka na?" tanong ni Dexel.

"Wala! Kayo naman. Teka nga, punta lang ako sa ladies room." sagot ni Joyce sabay tayo niya para pumunta sa ladies room.

Pabalik na siya galing sa ladies room nang makasalubong niya si Zac. May kasamang babae.

"Joyce?!" gulat na sambit nito. Gulat ring makita ni Joyce si Zac na may kasamang babae pero hindi niya pinahalata. Ngumiti ito at binati.

"Oh Zac! How are you?" walang hiyang lalaki to! Akala mo kung sinong loyal! Agad-agad? Nakonsensya pa naman ako ng sobra tapos.. mapapahiya ka sakin!

"Hi! Who are you?" tanong ng kasama nitong babae.

"Oh Hi! I'm.. Zac's high school friend! tagal na namin kasing di nagkita.. Ikaw? Are you his girlfriend?" tanong niya rito.

"Yeah! Monthsary nga namin tomorrow eh.." sagot nito. Nanlaki ang mata niya pero nakangiti pa rin siya rito. Wala kang kwenta! Isang buwan mo na pala akong niloloko!

Love AffirmationWhere stories live. Discover now