Chapter 11 - Her true king of the night

1.1K 17 7
                                    

-- Chapter 11 --

"So the queen of the night is none other than.. Joyce Gillian Villacruz!" announced by the host. Nagulat si Joyce kaya't di siya agad nakareact. Nilapitan na siya ni Vince at inoffer ang kamay nito. Nang mapatingin siya kay James ay pilit itong ngumiti sa kanya. Inabot na niya ang kamay ni Vince at sabay silang umakyat ng stage.

Ibinigay na sa kanila ang sash at crown for the royalties of the night. Inabutan din ng bouquet si Joyce. Pumalakpak din si Bien kasabay ng ibang tao samantalang si James ay inis na nakatingin sa malayo. Nang matapos ay nilapitan ng mga professor sila Joyce at nagpakuha ng litrato rito. Nagrequest ang lahat na isayaw daw ni Vince ang queen niya. Kaya't inaya niya si Joyce at pumayag naman ito. Sumayaw sila sa gitna.
"To formally introduce myself, I am Vince Ignacio.. you are a friend of Bien's right?" tanong nito kay Joyce.
"Yes.. Napansin ko ngang kasayaw mo siya kanina. thank you ah?" sagot ni Joyce sabay ngiti rito.
"Thank you for?"
"Nag-eemote kasi yun kanina." 
sabay tawa ni Joyce. Natawa rin si Vince.
"Yeah, napansin kong mag-isa nga siya.."
"Did she tell you why?"
"Uh yes. Nakwento na niya.."
"Mukhang naging komportable siya sayo.." sabay ngiti ni Joyce.
"I'm glad.. ikaw? Bestfriend ko yung ka-date mo.."
"Bestfriend mo... si James?"
"Yeah! I came back from australia lang kaya late enrollee ako."
"I see. nice to meet you!"

Matapos ang ball ay hinatid na ni James si Joyce habang hinayaan naman niyang ihatid ni Vince si Bien. Habang nasa byahe ay tahimik pa rin si James. Matapos siya alalayan nito papunta sa parking lot at papasukin sa car niya ay hindi na muling kumibo ang binata.
"May problema ba?" tanong ni Joyce rito.
"Ako? Wala.." pangkaila ni James.
"But.. okay.. Aren't you proud na ang date mo ang naging queen of the night? tapos yung bestfriend mo ang king.."
"Huh? Who told you na bestfriend ko yun?" gulat na tanong ni James.
"Ha? Si Vince? Bakit hindi ba?"
"Hindi! Wala akong bestfriend na katulad niya! Bestfriend niya daw ako? Tss."
"Bakit ba highblood ka dun? Sino ba talaga siya?"
"Pinsan ko yun.. napakayabang nun! Di kami magkasundo!"
"Mayabang? Parang hindi naman.. the way he treated me and Bien, parang malayo siya sa pagiging mayabang.."
"In just a short period of time, you think kilala mo na agad siya?" galit na ang tono ni James sabay iwas niya ng tingin kay Joyce kaya't nainis na rin ito sa kanya.
"Oo! In fact, I could even say na mas mayabang ka pa nga sa kanya! Open the door bago pa masira ang gabi ko!" sagot ni Joyce. Nakarating na sila kila joyce kaya't gusto nang bumaba nito. Napasandal na lang si James nang narealize niyang naiinis na ang ka-date niya tsaka siya kumalma.
"I'm sorry.." biglang sambit ni James. Natahimik na rin si Joyce dahil nabigla siya sa pagkasabi ni James ng 'sorry'. "I'm sorry if I didn't became you king.. I feel so.. embarassed.."
"Kaya ka naiinis dahil hindi ka naging king of the night?"
"Its not just that.. I feel unworthy for having you as my date tonight.. Sorry kung pinilit kitang maging ka-date ko.." sagot ni James. Nabigla si Joyce sa mga sinabi ng binata. Para bang lahat ng iyon ay kanina pa nakakapagpabagabag rito. Hinawakan niya ang kamay ni James.
"You know what? At first, I really don't feel like being with you tonight.. Baka kasi balewalain mo lang ako.. para bang masabi lang na may date ako, magsstay ka sa tabi ko. ganun.. but tonight was a great night.. You treated me the best.. You are the true meaning of a gentleman.. I felt so special having you around.. so thank you James! Vince was maybe the king of the night for the campus but for me, you got the throne already before the ball started.. Thank you for being persistent para ikaw ang maging date ko.." sagot ni Joyce sabay ngiti nito. Natulala si James at di na nakapagsalita. Instead, niyakap niya si Joyce tanda ng pasasalamat sa mga binitiwang salita nito. Naniwala na siyang napasaya niya ang dalaga.

Love AffirmationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon