Chapter 10 - Memorable date

1K 10 1
                                    

-- Chapter 10 --

Nang makababa si Joyce ay hindi siya hawak ni James. Tulala na ito habang nakatingin kay Joyce.

"James?!" sabay kaway niya rito. Tumatawa si Bien sa likod. Joyce snapped.

"Oh? Hi!" sagot ni James nang bumalik na ang kamalayan nito.

"So how does she look, James?" tanong ni Bien rito. Kinakabahang nakatingin naman si Joyce kay James habang hinihintay ang judgment nito. Based on James reaction a while ago, obvious na nagandahan talaga siya sa ka-date niya.

"Do I really have to mention?" tanong ni James sabay tawa.

"Yes? Of course!" sagot ni Joyce.

"You look.. wow! really great tonight.. You have overreached my expectations.." sabay hingi nito sa kamay ni Joyce. Nang iniabot ng dalaga ang kamay niya ay hinalikan ito ni Kris. "Thank you for being my date tonight.. I know that you were just being forced to this but I still wanna thank you.. You are making me feel I'm the luckiest man tonight.."

Hindi nakasagot si Joyce dahil sa loob-loob niya ay ikinatuwa ng puso niya ang sinabing ito ni Kris. Hawak pa rin ni Kris ang kamay niya at parehas walang kumikibo sa kanilang dalawa. Nang biglang nagsalita na si Bien.

"Ehem! Alas-ocho na po! Baka malate tayo.. sayang bayad natin.." paalala ni Bien tsaka lang kumilos ang dalawa. Inalalayan ni James si Joyce at isinakay sa backseat kaya't sa front seat na umupo si Bien. Nagtataka si Joyce kung bakit siya ang ka-date pero sa backseat siya nakaupo. Kahit si Bien ay nagtataka.

"Because I still want to see how pretty you are.. Hindi naman kita pwedeng lingunin kapag dito ka sa harap. Baka mabangga tayo.." sagot ni James. Kinurot naman ni Bien si James habang kinikilig.

"Tara na! Malelate na oh." muling paalala ni Bien.

Nang makarating sila sa venue ay tahimik pa rin si Joyce habang pinagbuksan sila ni James ng pinto at inalalayan sa pagbaba. Napansin ni James ang pananahimik ng dalaga.

"Wala.. medyo kinakabahan lang siguro ako.." sagot ni Joyce.

"Kinakabahan ka saan? Dapat nga ako ang kabahan eh. I'm sure na maraming mata ang titingin sayo. Kasama ko ata ang pinakamagandang babae tonight." hirit muli ni James. Naku naman! Kailan ba titigil tong mokong na to sa kakasabi ng mahaharot niyang mga hirit.. Baka bumigay na ang puso ko sa kanya.. pag-aalala ni Joyce habang kinakausap ang sarili.

Pumila sila sa registration per college. Humiwalay saglit sa kanila si Bien. Habang sa guests naman nagsign up si James dahil sophomore na siya. Nang si Joyce na ang magsasign-up ay tinanong ni Lily ang pangalan niya. Ito kasi ang nakaassign sa college nila.

"Lily, si Joyce to. Ano ka ba?" sagot ni Joyce.

"Joyce? Joyce? Joyce! Joyce Villacruz! Teka, wow! You look really really beautiful tonight!" pagkamangha nito sa kaharap. Napangiti naman si Joyce sa narinig.

"Grabe ka naman.. Saan ba ko pipirma?"

"Dito, beside your name.. teka, asan si James? Ah oo nga pala, dun siya sa 'guests'. So anong reaksyon niya? I bet he was stunned, right?"

"I don't know if he was sincere when he said that he really was stunned.."

"Well, ganyan talaga.. you transformed! Although kaunti lang kasi maganda ka naman talaga pero ginulat mo talaga ko! Hindi rin kasi ako sanay na wala kang glasses at hindi ka nakaponytail ah?"

Love AffirmationOnde histórias criam vida. Descubra agora