Chapter 3 - Get lost

1.2K 17 3
                                    

-- Chapter 3 --

"It is always an issue Zac! I think.. you need some time to think.. I'll take a bus instead."

Pumunta na sa bus stop si Joyce. Hinabol naman siya ni Zac.

"I'll take you home.." Zac insisted.

"No!"

Kaagad namang sumakay ng bus si Joyce. Hindi na siya hinabol ni Zac dahil dala nito ang sasakyan niya. Naluha na lamang sa inis si Joyce. Tumunog ang cellphone niya pero ayaw niya muna itong sagutin. Habang nakatingin siya sa labas ay napansin niyang hindi na pamilyar ang lugar sa kanya. Agad siyang bumaba. Chineck niya ang phone niya, it was Kuya Santi who is calling.

"Hello?"

"Joyce? Finally! Where are you? Bakit di mo sinasagot phone mo?" tanong ni Kuya Santi na may tonong pag-aalala.

"Sorry Kuya Santi. I'm almost home. Medyo naliligaw lang ako."

"Ha? Where are you?"

"I don't actually know. But there is a sign, Brgy. Bukid.. Yet.. I'm not familiar with this place."

"Okay.. I'll go there. Just wait for me there. okay?"

Habang naghihintay si Joyce kay Kuya Santi ay naupo muna siya sa tindahan malapit dun. May biglang lalaking lumapit sa kanya. Tila may balak na masama kaya tinangka niyang lumayo pero natutukan na siya nito ng kutsilyo.

"Manong, magkano po ba gusto niyo? Wag niyo lang po ako sasaktan." pakiusap nito sa lalaki.

"Sampung libo, meron ka ba diyan?"

"Eh manong limang daan lang po ang laman ng wallet ko.."

"Yang bag mo tsaka sapatos mo. Hubarin mo. Pwede na yan."

"Pero.. paano po ako uuwi? Kayo naman manong eh. Naliligaw na nga po ako eh, kukuhanan niyo pa ko ng sapatos? Mapagbiro talaga kayo Manong.." pagbibiro ni Joyce kahit takot na takot na siya para sa buhay niya. Sa inis ng holdaper ay tinangka na siyang sasaksakin nito nang biglang may lalaking dumating.

"Boss, ibalato niyo na po sakin to.." sambit ng lalaki. Sinubukang aninagin ni Joyce ang lalaki pero medyo malabo pa rin ang mata niya.

"Hindi ako nanalo sa lotto, mambabalato pa ba ko? Siraulo ka pala eh!"

Sa lalaki niya na dapat isasaksak ng holdaper ang kutsilyo nang masangga ito ng lalaki. Binalian ng estranghero ang holdaper kaya't umalis na ito. Nilapitan ni Joyce ang lalaki at tsaka siya nagpasalamat.

"Next time, wag pachill chill lang dito ah, especially if you are not familiar with the place.." said by the stranger.

"Who are you to talk that way? Huwag kang magsalita, di mo alam ang dahilan kung paano ako napadpad dito.. Sino ka ba?"

"Woah! So sa tono mo, parang galit ka pa?"

"Dahil masyado kang pakielamero! I don't know you! Leave!" Hindi intensyon ni Joyce na magsungit sa estranghero na nagtanggol sa kanya. Pero ginatungan pa kasi nito ang kamalasan ng araw niya kaya't nadamay na ito.

"Okay fine! I will call that old man to steal your shoes and your bag! Everything from you! Walang utang na loob!" tsaka umalis ang estranghero. Nakonsensya si Joyce sa ginawa niya. Pero nakaalis na ang lalaki kaya't di na siya nakapagpaliwanag pa. Hindi na rin niya ito magawang habulin dahil tinotopak na naman ang mata niya at nahihirapan na naman siya makakita. Ilang minuto pa, dumating na si Kuya Santi.

"How are you? Sorry, traffic then may itinawag lang si Yaya kaya medyo natagalan ako." paliwanag si Santi sa kanya.

"I'm okay. Thank you for coming. Can we go home now?"

Tahimik lang si Joyce sa byahe pauwi sa kanila. Iniisip niya pa rin ang lalaking nagtanggol sa kanya. Kung namukhaan niya lang ito, makakapagpasalamat pa uli siya rito pag nakasalubong niya.

"Lalim ng iniisip mo ah.. is there something wrong? Anything you want to open up?"

"Ah nothing. Pagod lang ako Kuya Santi. Medyo pagod na rin mata ko kaya lumalabo na naman."

"You didn't bring your glasses?"

"Sabi kasi ni Tita wag ko daw suotin yun kapag di ko naman kailangan. Yun din kasi ang payo ng doctor para di lumala ang sakit ko sa mata."

"How long are you wearing glasses?"

"Since 11 years old.. but the most fit eyeglasses which was given by Mom, nung 13 years old ko lang nasuot. Sakto yung grade nun sa mata ko, but it was now broken kaya nagtatyatyaga ulit ako sa mamabang grade ng glasses."

"Why not get it repaired?"

"Nag-iipon pa." sagot ni Joyce sabay tawa.

"Why? Is it that expensive?"

"Yes. I have no job.. and di ko pa nakukuha ang padala ni Mommy dahil marami pa daw problema sa company. I can't tell her kasi ayoko sana siyang mamroblema."

"That so nice of you.. but Ms. Joyce Villacruz, health first before anything else. Lalong mamomorblema ang Mom mo for sure kung lalala yang sakit mo sa mata. So, lets go and get your eyeglasses repaired."

"It's late already Kuya Santi.. uhh.."

"Don't worry, I know somewhere na 24 hours na bukas."

Nang makarating sila sa clinic ni Ms. Suzanne ay nahihiya pang bumaba si Joyce. Pumasok sila sa loob. Binati ni Santi ang doktora tsaka rito nagbeso.

"How are you Santino?" asked by the Doktora.

"Hi Tita Suzanne! I'm good and I think you also." sabay ngiti ni Santi rito. "I'm here to have a consultation for her eyes and also to get her glasses repaired. Joyce, come here and tell Tita Suzanne every detail about your eyes. Okay?"

"Hello po Doktora." bati ni Joyce.

"Hello Joyce! How are you? Uhh. Lets come inside. I'll check your eyes." pumasok sila sa loob habang si Santi ay nagstay sa labas. Matapos ang check-up ay inayos na rin ang glasses niya. By Monday pa daw makukuha ito. Marami ring in-advice si Dra. Suzanne para sa mata ni Joyce. Habang wala pa raw siyang glasses, maaari siyang makaramdam ng pagkahilo na pwede niyang ikawalang kamalayan kaya't dapat siyang mag-ingat at palaging uminom ng gamot na nireseta nito. Lubos ang pasasalamat ni Joyce kay Santi. Hinatid na rin siya nito sa kanila tsaka nagpaalam. Kinabukasan ay nagsimba si Joyce kasama ang Tita niya. Naupo sila sa medyo maluwag at mahangin na pwesto sa gitna. Matapos ang homily ay tumayo si Joyce para mag-alay.

"Our father.. who art in heaven.. holy be thy name.." nagulat si Joyce nang may humawak sa kabilang kamay niya at sumabay sa pag-awit ng 'Our Father'. Pinilit niya hindi madistract kahit nang lingunin niyang lalaki pala itong katabi niya. "O' Lord lead us not, into temptation but save us from evil and the Kingdom the power and the Glory forever will be yours.. Amen." Kaagad na binitawan ni Joyce ang kamay ng lalaki. Nang sinabihan sila ni Father na magbatian ng 'peace be with you' tsaka lang nagkachance na matignan ni Joyce ang mukha ng katabi niya.

"Kris?!"

Love AffirmationTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang