Chapter 29- Beb hates me

694 13 15
                                    

-- Chapter 29 --

Nang makauwi si Joyce ay masaya niyang binalita ang offer sa kanya ni Ate Shine. Natuwa rin si Tita Yanni pero agad rin itong may naisip.

"You're leaving us?" malungkot na tanong ni Tita Yanni. Nakaramdam ng lungkot si Joyce lalo na nang mapalingon siya sa natutulog na si Julio. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha niya.

"Tita, I didn't know that it will be this hard. Though, wala pa naman pong assurance kung matutuloy ako pero ngayon pa lang po nalulungkot na ko. Sorry Tita kung di ko agad naisip ang mararamdaman niyo.." sabay lapit niya kay Tita Yanni tsaka siya yumakap rito.

"Hindi ko intensyon na paiyakin ka hija. I'm sorry. Nalulungkot lang akong isipin na magkakahiwalay tayo.."

"Ako rin po Tita.. Pero Tita.." sabay tingin niya sa mga mata nito. "Good opportunity po ito para magkaroon ng magandang future. Para di na rin po magtrabaho si Mommy sa hongkong. Pag nakaipon po ako, pwede na ulit tayong magsama-sama. Sana po payagan niyo ko."

"Naiintindihan ko hija pero hindi sakin ka dapat magpaalam, kundi sa Mommy mo."

Binuksan ni Joyce ang laptop niya. Nag-online at sinubukang kontakin ang mommy niya pero hindi niya ito makontak. Kagabi pa niya talaga hindi makontak ang Mommy niya. Ganun siya kapag sobrang busy sa work, kaya minsan ay inuunawa na lamang ni Joyce.

"Wala po Tita eh. I still can't contact her." malungkot na sabi ni Joyce.

"Try calling her again some other time. Pahinga ka na hija. May pasok ka pa bukas."

Papunta na si Kris sa room nila habang iniisip pa rin ang naging usapan nila Joyce at Ate Shine kagabi. Hindi pa rin niya kasi alam kung paano niya pipigilan si Joyce na hindi ito mapipilitan. Tiyak na malulungkot siya kapag umalis si Joyce but he can't make her do something na labag sa loob nito. Baka nga hindi niya rin talaga ito magawang pigilan kung gusto talaga nitong tanggapin ang offer ng ate niya. Nakita niyang bumaba si Joyce sa kotse nito, nakangiti at tila excited na sa araw na ito. Kaagad siyang lumayo at nagkunwaring hindi ito nakita pero kamalasan ay nakita rin siya nito.

"Kris!" nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Kris hanggang sa mahabola na siya ni Joyce. "Kris? May problema ba?"

"Joyce! Andiyan ka pala." pagkukunwari nito.

"Akala ko napansin mo na ko. Malalim yata ang iniisipn mo?" pag-aalala ni Joyce.

"Ha? Ah sorry. Wala naman. Medyo may iniisip lang talaga ako."

"May pinoproblema ka?"

"Ha? wala naman. Kamusta pala usapan niyo ni Ate Shine last night?"

"Hindi ba nakwento ni Ate Shine sayo?" pagtataka ni Joyce.

"Ah, hindi eh." pagtanggi ni Kris. Gusto malaman ni Kris kung tutuloy ba si Joyce.

"She offered me to study and work in Australia." sagot ni Joyce.

"Really? And what did you say?"

"I feel so excited kasi magandang opportunity yun para sakin. So if got my Mom's permission, tutuloy talaga ako." nagtaka si Kris na hindi pa yata nasasabi ni Joyce ang tungkol rito sa Mommy niya.

"Hindi mo pa nasasabi sa Mommy mo?"

"Not yet. She might be busy pa."

Love AffirmationOnde histórias criam vida. Descubra agora