Chapter 28 - Special day with a special girl

736 11 2
                                    

 -- Chapter 28 --

Lumabas sila para ipakita naman niya ang garden kay Joyce. Joyce saw the cars na nakapark nearby, it was Kris'. Yung iba ay mga dating kotse nila magkakapatid.
"You know what? I love driving cars.." sambit ni Joyce.
"Really? Well that's probably the reason why you wanted to have a car. By the way, I forgot to asked the day you had your car, even before may license ka na?" tanong ni Kris rito.
"Yeah. My mom allowed me to get a student license para ready na daw kapag nagkaroon na ko ng car.." sagot ni Joyce.
"Pero bakit ngayon lang? I mean, dati ka pa pala may student license?"
"Pinag-ipon muna tapos sabi ni Mommy na yung bahay namin sa Ilocos, may nagkainteres before we moved out."
"You mean, yung bahay niyo ang pinambili ng kotse mo?"
"Yes. We have no plans on going back there for now. Wala na rin kasi kaming kamag-anak dun."
"Binenta niyo bahay niyo? How about the memories you had there?"
"There's more sad memories than the happy ones.. kaya pumayag na rin ako nang sabihin ni Mommy."
"How about your Dad? Ganun na lang yun?"
"Hindi naman dun nakalibing si Daddy eh." pabirong sagot ni Joyce kasabay nang pilit niyang tawa pero di ito ikinatuwa ni Kris.
"Don't you love your Dad?" pabulong na tanong ni Kris. Lumingon lingon sa paligid si Joyce para maiba ang usapan nila.
"Teka, is that your bicycle when we were kids?" pag-iiba ni Joyce.
"Ha? Ah yes. Eh kasi diba, 9th birthday ko binili ni Dad yan kaya sinama ko talaga dito sa Manila. You know what? I can still use that." sabay kuha ni Kris sa bike at pinedal ito. Natatawa naman si Joyce habang pinapanuod si Kris. Pilit kasi nitong pinipedal ang medyo di naman kalakihang bisekleta.
"You look like a kid playing around. haha!"

Naglakad lakad sila sa labas ng bahay pagkatapos maglunch at gumala sa subdivision. Pinakilala si Joyce ni Kris sa mga kaibigan niya sa subdivision. Hindi akalain ni Kris na maraming gusto makilala si Joyce lalo na ang mga kalalakihan. Hindi maiwasan ni Kris na mainis na makitang masaya si Joyce sa atensyon na binibigay sa kanya ng mga kaibigan ni Kris.
"Bakit ngayon mo lang siya dinala dito?" tanong ni Albert, isa sa mga kaibigan ni Kris.
"Dati pa siya pumupunta sa subdivision." maikling sagot ni Kris. Napansin ni Joyce ang pagiging iwas ni Kris sa kanya. Na parang di siya komportable sa mga kausap nila. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan ni Kris sabay hila niya kay Kris palayo roon.

Nang makalayo sila ay takang-taka namang nakatingin si Kris kay Joyce. Nagulat kasi siya sa ginawang paghila sa kanya ni Joyce.
"Why?" pagtataka ni Kris.
"Anong why? I should ask you that. Sabi mo mga kaibigan mo sila? Bakit parang di ka komportable na kausap sila kanina?" pagbabalik ng tanong ni Joyce. Hindi agad nakasalita si Kris.
"Sayo ako di komportable na nakikipag-usap sa iba." pabulong na sagot ni Kris na hindi naman narinig ng maayos ni Joyce.
"Anong ako ang di komportable? Ganda nga ng pakikisama ko sa kanila eh." sagot ni Joyce.
"Ay ewan ko sayo." sabay pa-walk out nito kunyari. Nang hindi siya sinundan ni Joyce ay binalikan niya ito. "Ano pang ginagawa mo dito?"
"Look!" sabay turo ni Joyce sa paro-paro na nakadapo sa damo.
"Ang daming kulay ng paro-paro na yan.."
"I know right? Ang ganda niya." manghang pinagmamasdan ni Joyce ang paro-paro habang si Kris ay nakatingin naman sa kanya.
"Mas maganda ka pa rin.." pabulong na sabi ni Kris. Napatingin naman si Joyce sa kanya.
"Ikaw ano bang pinaglalaban mo sa pabulong bulong mo?!" tanong ni Joyce. Hindi niya na naman kasi naintindihan ang sinabi ni Kris.
"Wala! Tara na!" aya ni Kris.
"Teka, saan tayo puputa?" hindi siya sinagot ni Kris at hinila lang siya nito palabas ng subdivision.

Love AffirmationWhere stories live. Discover now