KABANATA 49

5.7K 308 55
                                    

We are not makers of history. We are made by history. 

Martin Luther King, Jr.

***

Marami ang may paniniwalang ang ating mga nakaraan daw ay wala nang kapangyarihan pa sa ating kasalukuyan at hinaharap.  Lumipas na raw kasi ito, at nasasaatin daw at hindi rito ang kapangyarihang patakbuhin ang ngayon at bukas.  Pero paano kung ang ating nakaraan mismo ang may pakana kung bakit natin dinaranas ang ating mga pinagdaraanan sa kasalukuyan? Paano kung ang poot, galit at ang karimlan ng lumpas ay ang s'yang tunay na naging dahilan kung bakit walang dumurungaw na liwanag sa hinaharap?

Paano kung ang tinig ng kasalanan noo'y umaalingawngaw pa rin sa ngayon?

Paano kung ang kadiliman noo'y s'ya pa ring dahilan kung bakit tayo nangangapa sa dilim ngayon?

Paano kung ang pagdurusa noo'y siya pa ring paulit-ulit na nagpapahirap sa atin sa ngayon?

"Bitawan mo s'ya!" Dinig kong sabi ng isang lalaki kasabay ng pagpukpok nito ng steelpan sa ulo ni John. Nasugatan ng punyal ni John ang dibdib ni Jasmine, pero hindi naman ito malalim. "Tumakbo ka na, hija!" Wika ng tinig ng lalaking muling pumukpok sa ulo ni John. Tumakbo naman si Jasmine.  Hindi ko na ito makita sa camera.  "Heto ang susi ng puting kotse sa garahe!" Narinig ko ang kalansing ng mga susi sa background. Naka-focus kasi sa walang malay na si John ang camera.

"Hindi po ako marunong magmaneho."  Boses 'yun ni Jasmine.

"Sige, hintayin mo na lang ako sa garahe!"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Gumalaw-galaw ang camera at nahapyawan nito ang mukha ng lalaking nagligtas kay Jasmine.  Si Tito Armand. Ang Papa ni John na...tunay na ama ko rin ba?  Ewan ko.  Sa ngayon, hindi ko na talaga alam kung ano ang paniniwalaan ko.

Bigla akong nakarinig sa background ng isang malakas na sigaw. Si John. Nagkamalay na pala si John. Nakikita ko ito sa camera, sa likod mismo ni Tito Armand. May bitbit itong bungo. Ihahataw sana ito nito sa ulo ng ama kung hindi lang nakailag ang huli. Muling naalog ang camera. Naka-focus na ito ngayon sa kanilang paanan.

"Demonyo ka! Papatayin kita!"  Sigaw ni Tito Armand sa background. Nakikita kong nagpapambuno ang mag-ama sa pamamagitan lang sa pagtingin sa kilos ng kanilang mga paa. Tanging mala-hayup na sigaw lang naman ang naririnig ko mula kay John. 

"Sir Armand!" Boses 'yun ng isang babae.

"Esmeralda..."tugon ni Tito Armand, "puntahan mo ang babae sa may garahe. Isama mo na ito palabas. Tumakas na kayo!"

"P-po?"

"Dalian mo! Aahhhhh."

"O-opo."

Sinundan 'yun ng napakalas na putok ng de kalibreng baril at paglagapak ni John sa lupa. Naka-focus ang camera sa mukha nito. Dilat ang mga mata...sabog ang bibig. Nakalaylay na ang dila.

***

"Jasmine!"  Sinalubong ko ito nang mahigpit na yakap at halik.  Pinuntahan ko ito sa presinto. Naroon na si Tito Armand, kasama ng mayordoma nitong si Esmeralda at iba pang mga tauhan sa tahanan ng mga Caldo.

"Jeff..." She's shaking.

"Nasaktan ka ba?" Kinapa ko agad ang ibaba ng dibdib n'ya.  May bandage na doon. Mukhang nakatanggap na ito ng paunang lunas.

SindakTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang