KABANATA 32

5.7K 252 12
                                    

Daig pa namin ang mga raccoon na pineste ng anemia dahil sa limang araw na sunod-sunod naming pagkapuyat. Hindi kami tinantanan ng nangangatok sa gabi, na pinalala pa ng paminsan-minsang pagsulpot ng naghihinagpis na kaluluwang kahawig daw ng kapatid ni Jasmine at ng babaeng naka-traje de boda na kahawig naman daw ng kanilang ina.  

“Handa ka na ba sa biyahe? Nakaempake ka na ba?” Tanong ko kay Jasmine, habang kumakain kami ng hapunan.

Dalawang araw na lang, pupunta na kami sa Siquijor. Na-approve na rin kasi ng boss ko ang limang araw kong bakasyon.

“Iisang bag lang naman ang lahat ng gamit ko, s’yempre oo.”

“Dapat talaga mag-shopping tayo para sa ‘yo.”

“Wala naman akong pambili.”  Nakasimangot ito; nakayuko.

“Ano ka ba? S’yempre ako ang bibili.”

“Ikaw na naman? Sagot mo na lahat, pati pamasahe natin sa Siquijor, panggastos sa bahay, kuryente, pagkain, telephono, pati ba naman bagong damit?” ngumuso ito. “Masyado naman akong sinuswerte.”

Hinawakan ko ang kaliwang kamay nitong nakapatong sa lamesa; do’n kasi ako nakaupo sa kanyang kaliwa. “What’s mine, is yours na rin.”

Tumingin ito sa 'kin; nakasimangot pa rin, “Paano naman mangyayari ‘yun eh hindi mo naman ako kaano-ano?”

“Not yet.” Ngumisi muna ako bago ko itinuloy ang pagmaneobra sa mga kubyertos  ko.

“Anong not yet?” lalong nagusot ang mukha nito.

“Alam mo na ang ibig sabihin no’n.” Kinindatan ko ito.

“Ayan ka na naman sa kalandian mo Jeff. P’wede bang tigil-tigilan mo na nga ‘yan? Paasa ka na naman ha!”

“Anong paasa? Pa’no ako naging paasa?”

“Hmp.” Tumayo na ito at saka nito inatrasan ang inupuang silya. “Makaligo na nga. Nakakabanas ka! Ang parusa sa kalandian mo, ikaw ang maghugas ng pinagkainan. Leche!” Inirapan muna ako nito bago pumihit upang magtungo sa banyo.

Napahagikhik ako matapos kong marinig ang pagsalya nito sa pinto ng common bathroom. She’s really cute when she’s like that.  Though alam ko naman kung bakit ito naiinis sa akin.

***

Mahigit sa isang oras din ang itinagal ng biyahe namin sa eroplano mula Maynila hanggang Tagbilaran Airport. Mula sa Airport ay binagtas namin ang Benigno Aquino Avenue at Tagbilaran Wharf Road para makasakay kami sa ferry patungong Larena, Siquijor.  Tatlong oras din ang itinagal namin sa dagat, at medyo kinakabahan ako dahil ‘yun pa lang ang unang beses kong makasakay sa isang ferry; at kasama sa apprehension ko 'yung fact na patungo kami sa hindi pamilyar na lugar.

“Salamat sa Diyos at nakarating kayo nang maluwalhati.”  Salubong ni Nana Azon sa amin.  May kasama itong isang babae--mukhang mga edad limampu pataas. Nakaalalay ito sa kan’ya. “Ito nga pala ang anak kong si Remedios.” Pagpapakilala nito sa kanyang kasama.

“Magandang araw po.” Magalang na pagbati ni Jasmine sa dalawang babae. “Kinakabahan nga po ako sa b’yahe. Alam n’yo naman po na hindi pa ako nakapaglakbay nang ganito kalayo.  Mabuti na nga lang po at sinamahan ako rito nitong si Jeff.”

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Napatingin sa akin ang mag-ina; ngumiti ang mga ito sa akin.

“Magandang araw po.” Pagbati ko.

“Maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo para kay Jasmine, hijo.” Sabi ni Nana Azon sa akin.  “Hindi ako nagkamali sa sapintaha ko sa ‘yo no’ng una kitang nakita. Hindi ako nagkamali sa pagbabakasakaling ihabilin sa ‘yo ang aking alaga.”

SindakWhere stories live. Discover now