KABANATA 35

5.2K 268 23
                                    

Hinila ko si Jasmine at humangos kami palabas. Nakapatay na ang lahat ng ilaw kaya nangangapa kami at halos madupilas na sa pagbaba sa hagdanan.

"Jasmine..."

Tuluyan na kaming napatihaya ni Jasmine sa tatlong pinakamababang baitang. Bigla na lamang kasi kaming sinalubong ng kapatid ni Jasmine, mula sa dilim.

Babalik sana kami paitaas pero nakita rin namin sa pinakadulo ng hagdanan sa itaas ang silhouette ng humahabol sa amin. Muli kaming lumingon sa ibaba sa pagbabakasakaling wala na ito ro'n.  Wala nga ito, ngunit ang nakita naman naming nakatayo ro'n ay ang babaeng naka-traje de boda.

Tuluyan na kaming napasigaw ni Jasmine; bagay na pinakaiiwasan sana namin para hindi kami makaabala sa mga taong nagpatuloy sa amin.

Nakapuslit kami sa ibaba papunta sa salas.  Patungo na kami sa pintuan sa harapan ng bahay nang biglang nabuhay ang ilaw.

Napalingon kami ni Jasmine sa pinanggalingan namin at nakita namin doon si Nana Azon. Nakatayo ito sa may paanan ng hagdanan kung saan nakatayo ang babaeng naka-traje de boda kanina.

"Nana Azon!" Binitawan ni Jasmine ang kamay ko para humangos at yumakap kay Nana Azon. "Nana, ang ate!" Umiyak itong nakasubsob sa balikat ng matanda.

Hindi ako sigurado kung nagkakamali ako ng tingin, pero tila ba nakita kong umismid ang matanda at saglit na tila walang gana sa paghaplos sa likod ng walang kamalay-malay na si Jasmine. Umiwas ako nang tingin nang maramdaman kong idadako na nito ang paningin niya sa kinaroroonan ko.

"Tahan na." Anito kay Jasmine sa normal na tono ng matanda na animo'y nag-aalala. "Hayaan mo at sasamahan kita kay Adelfa bukas ng umaga."

Kumalas si Jasmine sa pagkakayakap nito sa matanda para matingnan ito nito sa mukha nito.

"Sino po si Adelfa?"

Napapitlag ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Ah,"sumulyap muna ito sa akin, "'yun ang kaibigan kong mananawas at hilot. Siya naman talaga ang isa sa pupuntahan natin kaya kita pinaparito. Siya lang naiisip kong maaaring makatulong ukol sa sumpa ng ate mo sa 'yo."

Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at sinilip ang screen. One message received, from an unknown number. Muli kong ibinalik ang phone sa bulsa ko.

"P-po? Pero bakit hindi niyo po ito nababanggit sa akin dati?"

"H-ha, eh kasi baka hindi ka magpunta rito pag sinabi ko."

"Pero..."

"Hay nakung bata ka, wag ka nang maraming tanong. Heto," Inilagay ng matanda ang hawak niyang rosaryo sa leeg ni Jasmine. "Proteksyon mo, para makatulog na kayo."

***

'Mag-iingat po kayo! Mangkukulam siya! Wag niyo siyang pagkakatiwalaan--J.'

'Yun ang nakasulat sa text message.

"Sinong J?" Bulong ni Jasmine sa akin.  Nakaunan ito sa dibdib ko habang magkatabi kaming nagsiksikan sa maliit na kama. "Si John?"

"I have no idea."

Itatabi ko na sana ang cellphone para makatulog na kami nang bigla na naman itong nag-vibrate.  Panibagong text message, from from Jaimie this time.

'Kuya! Alam kong kaaalis niyo lang pero kailan ba raw ang balik mo sabi ni Mommy? Dito na raw kayo tumuloy pagbalik niyo. Gusto raw niyang makilala ang gf mo.'

I texted back: Tsk. Ikaw ha, naidaldal mo agad kay Mommy. I'll let you know bago kami bumalik.

She responded quite instantly:  'L.O.L.'

Hindi ko pa nao-off ang screen nang nag-vibrate na naman.  It's an FB private message from Mona...

'Sorry sa abala Sir Jeff, kanina pa dapat ako nag-message after office hours pero nakalimutan ko. May naghanap po sa inyo na babae rito. Jessica raw po ang pangalan. Kilala niyo raw po siya. Sorry sir kung ibinigay ko ang number niyo, makulit po kasi. Para pong may problema siya. Umalis din po siya agad.'

"Jessica?" Napabangon nang paupo si Jasmine. Sumunod na rin naman ako.  "Akala ko ba patay na siya..." Tila nag-iisip ito nang malalim and I think I know why. 'Yun din kasi ang istoryang narinig ko mula kay Nana Azon.

Everything went back to my mind. 'Yung kakaibang ikinilos ni Nana Azon nang yumakap sa kanya si Jasmine kanina. I'm not really scared of her or anything but what she did give me the creeps. 

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2014, All rights reserved.

"Jasmine."  Bulong ko sa kanya. Nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang masamang pakiramdam ko sa yaya niya. "Magagalit ka ba kung I'll demand na umalis na tayo rito? Mag-hotel na lang tayo if you really want to stay in this island for a while."

"No, Jeff." Mangiyak-ngiyak na bulong nito sa akin. "Hindi ako magagalit. Para ngang gusto na ulit lumuwas sa Maynila. Ewan ko ba...weird nga yata ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Hindi ko lang masabi dahil ayokong sisisihin mo ako kung bakit tayo napadpad dito."

"Ano bang nararamdaman mo?"

"I wish I can explain. Pero hindi ko talaga maipaliwanag Jeff eh.  Basta masama.  Lalo na sa bahay na ito. Hindi ko lang talaga ipinahalata dahil nakakahiya sa kanila."

I guess I'm not alone. And I'm glad I'm not alone.

"Tara." Pagyaya ko. "Mag-empake na tayo." Tig-isang bag lang naman ang dala namin. I just want to make sure we won't leave anything behind.

***

"Hindi ba kayo kumportable sa kwarto ng anak ko?" Ani aling Remedios nang magpaalam kami rito kinaumagahan.  Wala kaming choice but to stay till morning dahil walang masakyan sa lugar nila ng ganun ka-late ng gabi.

"Ah eh..." Nagkakamot si Jasmine, "Hindi po kasi sanay itong si Jeff sa hindi aircon. Senyorito po kasi ito eh." Siniko ako nito, "Di ba Jeff?"

"H-ha? O-opo."

"Ganun ba? Naku pasensya na. Sandali lang at tatawagin ko ang asawa ko para maihatid niya kayo."

Pumapasok na si Aling Remedios pabalik sa loob ng bahay nang mapalingon ako sa bintana sa salas. Sa loob--sa likod ng salamin, nakatayo roon si Nana Azon at nakatanaw ito sa amin sa labas.  Kumaway rito si Jasmine. Ngumiti lang ito nang bahagya bago kumaway pabalik. Nginitian ito ni Jasmine at akto sanang pupuntahan nang biglang tumalikod ang matanda at saka marahang umalis.

"Naku, mukhang nagalit sa akin si Nana." Nakasimangot na sabi sa akin ni Jasmine.

"Hindi naman siguro." Sabi ko gamit ang bibig ko; 'I think she already was even before.' Sabi ko sa isipan ko. 'I guess the first two questions that need clearcut answers are...why? And what the heck does she have anything to do with all the f*cked up things that has happened and still going on with Jasmine and her family?'

[Itutuloy]

SindakWhere stories live. Discover now