KABANATA 8

9.7K 414 15
                                    

I woke up screaming; also catching my breath and coughing occasionally. Pinagpapawisan ako nang malamig, nakalupagi sa sahig.  Nagtaka ako kung bakit ako nasa living room, gayung sa huling pagkakaalala ko, do'n naman ako natutulog sa bedroom ko last night.

Tumingin ako sa paligid. Medyo madilim, bagama't nakabukas naman ang ilaw ng lampshade sa ibabaw ng side table na nasa gilid ng sofa. I glared at the wall clock right above the full body mirror--na nakaharap sa bandang sofa.  I checked the time.  Alas tres pa lang pala nang madaling araw, at madilim pa sa labas.

"What the--" Napaiktad ako sa kung anong nakita kong nakapatong sa aking kandungan.

It's the creepy book, na sa pagkakaalala ko'y itinapon ko na sa basurahan kahapon. Nakabukas ito nang pataob.

I grabbed it, at binasa ang pahinang  nakabukas.  It's still written in the same calligraphy, sa lengguwaheng hindi pamilyar sa akin. But for some--supernatural--reason, I was able to read and understand in my native tongue.  I started to read aloud...

"Darating ako, aking mahal, sa oras na hindi mo inaasahan; sa panahon ng aking pangungulilang susuklian mo lamang pala ng kataksilan."

Natigilan ako, nang makarinig ako ng mahinang tining ng umiiyak na babaeng tila nakikisabay sa aking pagbabasa. Nagmumula ang tinig nito sa aking bandang likurang kinaroroonan ng sofa. Bigla akong kinabahan, hindi makagalaw sa aking kinauupuan.  Bagama't ipinagpatuloy ko ang pagbigkas ng sumunod na mga linya, upang masubukan ko kung sinasabayan nga ako ng tinig na iyon...

"Walang kasing pait; ang pagkayurak na aking sinapit; nang ang aking mga pasakit ay hinatdan mo lamang ng kabiguang walang kasing sakit."

It's confirmed. Mukhang may tao nga sa aking bandang likuran. Sinasabayan nito ang aking pagbabasa; nangiginig ang kanyang tinig na tila umiiyak.

"Pinakamamahal ko..." Pagpapatuloy ko. Pinakikiramdaman ko pa rin ang babaeng tila nanaghoy na. "Bakit mo ako ginanito? Bakit mo tinalikdan ang aking pagsintang walang pag-aalinlangang inialay ko sa 'yo?  Mahal ko, anong sakit ng paglimot mo; at ng pagdurog mo sa aking pusong inilaan ko lamang para sa 'yo--"

Napahinto ako sa pagbabasa nang bigla akong napasulyap sa salaming nakaharap sa sofa.  Naaninag ko rito ang isang babaeng naka puting belo at traje de boda.  Nakaupo ito sa sofa. 

Bukod sa matinding takot, nakaramdam din ako matinding panlalamig.  Panlalamig na sinundan ng panginginig. Panginginig na sinundan ng pangingisay. Pangingisay hanggang sa mawalan ako ng malay.

***

Bigla kong iminulat ang aking mga mata.  Natagpuan ko ang sarili kong nakahiga nang muli sa aking kama.  Gusto ko sanang paniwalaan na it was another nightmare; a bad dream within another bad dream.  Kung hindi ko nga lang natagpuan ang isang bagay na hindi ko inaasahang makita sa ibabaw ng aking dibdib...

The creepy book is lying open face down on my chest.  My right hand is over it, as if, I fell asleep while I was reading it.

***

"You look terrible."  Tatawa-tawang salubong sa akin ni John. Inilalapag ko ang aking mga gamit sa lamesa. We're at the same coffee shop where we usually hang out during lunch time.

SindakDove le storie prendono vita. Scoprilo ora