KABANATA 38

5K 247 10
                                    

Papunta na kami sa daungan ng ferry nang biglang napahinto si Jasmine sa paglalakad. Nakatanaw ito sa malayo kaya sinundan ko nang paningin ko kung saan nakatutok ang kanyang mga mata.

Medyo may kalayuan pero sigrado akong si Nana Azon ang natatanaw namin. May kausap itong isang lalaki na ngayon ko lang nakita.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong nang bigla akong hinila ni Jasmine. Bumilis ang lakad namin patungo sa ferry; ilang minuto na lang kasi ay aalis na ito.

Nasa loob na kami ng ferry nang sumubsob si Jasmine sa dibdib ko; umiiyak.

"Hey..." bulong ko.

"Jeff..." bulong n'ya pabalik. "That's the same guy na nagbigay sa akin ng libro. I think I've been set-up sa umpisa pa lang. Kaya pala...kaya pala..."

"Kaya pala ano?"

"Kaya pala siya pa mismo ang nag-udyok sa akin na makipag-blind date sa lalaking 'yun nung araw na 'yun. Naguguluhan na ako Jeff. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa sa akin ito ni Nana Azon."

"Kung kakuntsaba n'ya ang lalaking 'yun, 'di kaya...sa yaya mo rin nagmula ang aklat ni Graciella?" Nagkatinginan kami ni Jasmine. "S'ya rin ba ang nag-utos sa 'yo na ipasa sa akin ang aklat?"

Umiba ito ng tingin para mag-isip nang malalim. "Ano bang nangyari nang araw na 'yun..." Bulong n'ya sa sarili. "Tinulungan n'ya akong makatakas...inindiyan ako ni Froilan...tinawagan ko si Nana Azon..."

Umaandar na ang ferry habang naghahalukay siya mula sa memorya niya noong unang araw kaming magkita.

"Umiiyak ako sa kanya dahil hindi ako sinipot ng ex ko..."pagpapatuloy n'ya. "Tahan na, sabi n'ya...'susubukan kong tumakas para madamayan kita', sabi n'ya sa akin. 'Magkita na lang tayo around lunch time sa coffee sho--'"

Muling nagsalubong ang aming mga mata.

"Oh my G--" Tinakpan ni Jasmine ang bibig n'ya.

"Why?"

"Ilang beses n'yang in-insist na kailangan lunch time ako pupunta sa coffee shop. Ang sabi ko pa nga..." Muli itong umiba ng tingin para mag-isip, "Ba't 'di na lang sa fast food para makakain na rin kami ng lunch, pero she was adamant. Sa coffee shop na lang daw para hindi masyadong marami ang tao. At doon daw ako maupo sa..."

"Sa mismong kinauupuan mo nang magkita tayo ro'n?" Pagdugtong ko.

Namilog ang mga mata n'ya. "Have we been set-up too?"

Nagkibit-balikat ako.

"Pero bakit?"

"I wish I know. I wish I have an answer. Pero kung talagang s'ya ang may pakana ng lahat ng ito...I'll make sure we'll find out soon enough."

***

"Kuya!" Salubong sa amin ni Jaimie sa pintuan pa lang. Yumakap ito sa akin. "Hello ate Jasmine! Welcome to the Olivarez residence!" Yumakap din ito kay Jasmine.

"Ang Mommy?"

"Hello anak!" Bago pa man makasagot si Jaimie. Bumababa ito ng hagdanan. "Kumusta ang biyahe?"

"Exhausting. Ang init." Reklamo ko. Kinukuha na ng isa sa mga katulong namin ang mga bagahe namin.

"Sir sa kuwarto niyo po ba ito lahat?" tanong ng kumuha sa aming nga gamit.

"Oo."

Umalis na ito bitbit ang mga gamit namin.

"Dinner won't be served until seven." ani Mommy. Napatingin ako sa wristwatch ko, it's only four in the afternoon. "Gusto n'yo bang magmiryenda muna?"

SindakWhere stories live. Discover now