KABANATA 12

8.8K 414 9
                                    

"Sa bahay mo?" Nakasimangot ito. "Bakit sa bahay mo? Anong binabalak mo sa 'kin ha?" Niyakap n'ya ang kaniyang sarili para takpan ang kanyang dibdib.

Napangiwi ako sa sinabi n'ya, "I left the book there." Iniwan ko kasi ito sa desk ko sa bahay.

"Lokohin mo ang lelang mo! Dumaan na sa akin 'yun 'no, kaya alam ko, na hindi mo p'wedeng iwanan 'yon. Susundan ka no'n kahit saan ka magpunta!"

Napatingin ako sa satchel ko, at binuksan ang zipper nito. And sure thing...it's there.

"Fine." Isinara kong muli ang satchel, "Then let's find a quiet place to talk then. Gusto mo ba sa coffee shop?"

Ngumuso ito, "'Wag do'n. Nagugutom na ako eh. Hindi pa ako nagla-lunch." Sinisipat n'ya ang mga nakapalibot na kainan. Napasimangot ito dahil puro punuan na ang mga ito.

"Do'n na lang sa coffee shop, tahimik ro'n eh." Sabi ko, "Kung nagugutom ka o heto," Iniabot ko sa kanya ang inorder kong lunch, "Do'n mo na lang kainin."

Kinuha n'ya ang supot at sinilip ang laman, "Uy, burger and fries, ok 'to ah. Pero pa'no ka?"

"Hindi naman ako nagugutom eh. Bibili na lang ulit ako mamaya, o ano, tara na?"

"Ok."

***

Umorder ako ng kape para sa aming dalawa. Pero hindi rin naman kami kaagad nakapag-usap dahil mas inuna pa n'yang lantakan ang pagkaing ibinigay ko sa kanya. Hindi s'ya namamansin, kagat lang s'ya nang kagat; nguya nang nguya, na tila ba ilang araw na itong hindi nakakain. Natatawa nga ako dahil sa kung anong ikinasusyal ng hitsura n'ya, 'yun namang daig pa ang patay-gutom kung lumamon. Ni hindi na nga nito alintana ang ketchup at mayonaise sa kan'yang pisngi.

"Ilang araw ka na bang hindi kumakain?" Tatawa-tawa ako habang humihigop ng kape.

Huminto ito sa pagnguya, tumingin paitaas na tila nag-iisip, "Siguro, mga dalawang araw din." Agad din nitong itinuloy ang pagkain.

"Seriously?!"

Sinaksak ako nito ng matalim na tingin, "Nagtanong ka di ba? Sinagot ko lang ang tanong mo!" Inirapan n'ya ako bago muling ipinagpatuloy ang pagkagat sa burger.

"O, cool ka lang." Ngumisi ako, "Nagtataka lang naman po ako kung bakit dalawang araw ka nang hindi kumakain? Gano'n ka na ba kagipit?"

Muli n'ya akong tiningnan nang masama, "Bakit? Mga gipit lang ba ang hindi kumakain? Di ba p'wedeng depressed lang?"

"Bakit ka naman made-depress?" I kind of already know why, but I still asked her anyway.

Isinubo na n'ya ang huling piraso ng burger, "Wala ka na ro'n." Muli n'ya akong inirapan.

"Dahil ba do'n sa ex mo?"

Natigilan s'ya sandali, "Ano ba ang narinig mo?" Naramdaman ko ang kanyang panlulumo.

"I think I practically heard everything." I tried to be cool with it--na tila wala lang sa akin ang aming pinag-uusapan.

Napayuko siya; natahimik. "Narinig mo naman pala eh." Mahina ang boses n'ya, "Bakit nagtatanong ka pa?"

"'Wag mong sabihin na ginutom mo ang sarili mo nang dahil lang sa gano'ng klaseng lalake?"

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon