KABANATA 31

4.9K 258 22
                                    

"Bakit ang lamig-lamig dito sa k'warto mo, Jeff?  Nakabukas ba ang aircon mo?" nagsusumiksik si Jasmine sa tagiliran ko.

Tuwang-tuwa naman ako sa pagiging touchy n'ya dahil gustong-gusto ko talaga kapag makatabi kami sa pagtulog.  I like to see her arms around my chest, ang init sa pakiramdam ng magkadikit naming mga katawan, maging ang sweet but mild na amoy ng buhok at balat nito. I really like Jasmine; 'yung feeling ng contentment kapag nasa tabi ko ito. Pati na rin 'yung feeling ng absolute happiness kahit platonic pa lang ang relasyon namin. Sa kanya ko pa lang naramdaman ito.  'Yung pakiramdan na kumpleto ako. 'Yung pakiramdam na gusto kong dalhin hanggang sa pagtanda ko. At 'yung sensation ng tila idinuduyan ako sa langit, kahit wala pa naman kaming ginagawa kundi ang magyakapan. Kung ganito ang feeling ng true love, I really want to feel this way for the rest of my life.

"Ang lamig nga 'no?" Pinaunan ko ito sa dibdib ko para maipulupot ko ang kaliwang braso ko sa balikat n'ya. "Pero nakapatay naman ang aircon eh. Gusto mo bang buhayin ko?"

Tinampal ako nito sa dibdib, "Sira! Ang lamig na nga bubuhayin mo pa?"  Lalo itong sumiksik sa tagiliran ko. Napapangiti naman ako; medyo kinikilig din. Pero siyempre, hindi ko muna sasabihin 'yun sa kanya. Mas cute kasi ito kapag clueless, at mas naaaliw ako kapag napapa-blush ko ito sa pinaka-slight na gesture of affection na ipinararamdam ko rito.

"Gusto ko kasi freezing cold, para mas sumiksik ka sa 'kin di ba?"

"Hmp."  Hindi ko man nakikita ang mukha n'ya naiimagine ko namang nakanguso na ito, "Husto ka sa kalandian, Jeff. Nilalandi mo ako lagi at napakakerengkeng mo, pero halata ko naman na diring-diri ka rin sa 'kin porke't di na ako virgin."

"Oy, saan mo naman nakuha 'yang idea na diring-diri ako sa 'yo? Kung nadidiri ako sa 'yo, sa suplado kong 'to, makakatabi ka ba sa 'kin sa kama ko?"

"Ewan ko sa 'yo." Kinurot na naman ako nito sa left nipple. Napangiwi ako sa sakit. "Kunwari iginagalang, hmp! Ang daming alibi. Wala naman akong STD 'no..." Kung ano-ano pa ang sumunod na ibinulong nito na hindi ko na maintindihan dahil medyo pabulog na ito.

"Teka nga, ba't ba biglang-bigla na naman na-open 'yan? Ilang beses ko bang ipaliliwanag sa--"

"H'wag ka nang magpaliwanag!" Tiningala nito saglit ang mukha ko pero muli rin naman ito yumuko. "Gets ko na! Matulog na lang tayo bago pa tayo bulabugin ulit nang mangangatok sa labas!"

"Gets mo na ang alin?"

Hindi ito sumagot.

"Jasmine... anong ibig mong sabihin sa gets mo na? Ano ang 'gets mo na'?"

Hindi pa rin ito sumagot. In a few sec,  nararamdaman at naulinigan ko na ang pagsinghot nito.

"Hey, are you crying?"

Hindi pa rin ito sumagot, pero alam ko naman na gising pa ito at umiiyak.

"May problema ba tayo, Jasmine?"

Hindi pa rin ito umimik.

"Jasmine, please talk to me. Please don't do this."

Mas lalong tumindi ang pangsinghot nito. Mas obvious na ang pag-iyak nito.

"Jasmine, anong 'gets mo n--'"

"Get's ko nang ilusyunada lang talaga ako!" Bulalas nito, "Ambisyosa, ilusyunada, walang k'wenta, walang pinag-aralan, walang pera, walang bahay at ang pinakamasaklap, kadalaga kong tao tapos hindi na ako virgin! Ano nga bang magugustuhan ng tulad ko, sa isang titulado, mayaman at g'wapong katulad mo!"

Napangisi ako, "bakit? Ako ba, virgin?"

Magkasunod nitong kinurot ang nagkabilang nipples ko, "Leche ka! Hmp, makaalis na nga." Bigla itong bumangon at bumaba ng kama, "Do'n na lang ako matutulog sa k'warto ko!"

SindakWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu