KABANATA 47

5K 315 56
                                    

"Jeff..." Bulong ni Jasmine sa akin habang naglalakad kami sa madilim na stairway behind Nana Azon and Monna. Tinatapik nito ang kanyang neck brace. She wanted it removed. I am not sure if it's safe, but I removed it for her anyway.  "Where are they taking us..." Mas mahinang bulong n'ya matapos kong matanggal ang brace n'ya.

"Not sure..." Medyo kinakabahan na rin ako. Nasa loob pa rin kami ng Ospital, pero kung saan-saan na kami lumiliko. At habang lumalalim kami kung saan man nila kami iginigiya, lalo ring dumidilim.

Huminto sa paghakbang si Jasmine; napahinto rin ako. "I don't think they are leading us out." Bulong n'ya--which is almost at the same time na napahinto rin ang maglola bagama't hindi lumilingon ang mga ito sa amin.

Lalong kumabog ang dibdib ko nang marinig namin ang dalawa na tila umuusal ng dasal sa wikang latin. Kapwa naman kaming nangilabot ni Jasmine nang biglang-bigla na lang lumamig ang paligid.

Yumapos muna si Jasmine sa kaliwang braso ko. Naramdaman ko ang kanyang bahagyang pangiginig, "Jeff..." Mas lalong humina ang pagbulong n'ya. Nanginginig ito sa takot dahil sa pag-indap ng gagarampot na ilaw sa binabaan naming hallway.

Kumalas ako sa pagkakayapos n'ya sa braso ko para mahawakan ko ito nang mahigpit sa kamay. Tumingin ako sa kanya at tahimik na sumenyas pabalik sa pinanggalingan namin. Gamit ang aking kanang daliri'y bumilang ako nga 'isa...dalawa...' matapos ang ikatlo'y hinatak ko na ito pabalik sa hagdanang binabaan namin. Pero hindi pa man kami nakakatatlong baitang nang maaninag namin ang silhouette ni Jaimie--nakatayo ito sa pinakataas na baitang.

Muli kaming bumaba. Pero sa muling pagharap namin sa aming pagbaba'y nakatayo ma pala roon ang maglola. Nakatingin ang mga ito sa aming nang pailalim. Nangingitim ang mga mata. Nakabungisngis sa kakilakilabot na paraan.  Sa kanilang gitna--sa kanilang bandang likuran, nakatayo naman ang babaeng nakabelo. Sa malamyos at kakilakilabot na tinig...umiiyak ito habang binibigkas ang mga katagang...

'Roldan...Roldan bakit hindi mo ako sinipot? Akala ko ba ako ang mahal mo? Bakit mas pinili mo ang kapatid ko...Roldan--'

Roldan? Ito ang pangalan ng kinilala kong ama.

Nagulat ako nang bigla na lang itong lumipat ng p'westo--sa gitna namin ni Jasmine--sa aming bandang likuran. Saka ito bumulong sa amin...

'Papatayin ko ang mga anak mo! Nakuha ko na ang isa kukukunin ko rin ang isa pa! Pagbabayaran n'yo ng kakambal ko ang kataksilan n'yo!'

Naging napakabilis ng pangyayari. Sa isang kisap-mata, nasa harapan na ito ni Jasmine at biglang sinakal ito. Nakaramadam naman ako ng pagkalito nang sa paglingon ko'y nasa malapit na rin pala si Jaimie. Itinarak nito ang hawak na scalpel sa kaliwang balikat ko. Napasigaw man ako sa sakit, mas nangibabaw pa rin sa akin ang kagustuhang mailigtas si Jasmine.

"Bitawan mo si Jasmine!" Sigaw ko sa babaeng nakapangkasal, sabay hila ko kay Jasmine.  Bigla naman itong naglaho.

Uundayan sana akong muli ni Jaimie pero dumaplis ito sa braso ko. Napakasakit, pero mas inuna ko ang paghatak kay Jasmine para kami'y makatakbo.

"Jeff! May mga sugat ka!" Nang makita n'ya ang malakas na pag-agos ng dugo mula sa aking kaliwang balikat.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"D-don't worry about me," nagpatuloy ang aming pagtakbo papunta sa labasang patungo sa parking lot. "We need to get out of here!"

"Hayun ang exit!" Pagturo ni Jasmine sa pinakadulo ng hallway na aming nilikuan.

Malapit na sa amin si Nana Azon, Monna at Jaimie kaya mas binilisan na namin ang pagtakbo.

***

SindakWhere stories live. Discover now