KABANATA 28

7.8K 388 48
                                    

"Oy teka, teka..." Habang tinatangka nitong bulatlatin ang kumot ko, "Anong binabalak mo sa 'kin ha?" Sapo ko ang aking magkabilang dibdib. "Ba't wala kang suot? Baka sipunin ka uy!"

Hinampas ako nito sa braso. "Ayaw mo ba sa 'kin o gusto mo?"

Nakatitig ako sa mukha nito, pilit ko talagang iniiwasang masulyapan man lang ang hubad nitong katawan.

"G-gusto, pero magdamit ka muna!" Pilit itong sumisiksik sa tabi ko; nagmamatigas naman ako.

Sinabunutan nito ang buhok ko sa unahan at saka muling tinampal sa braso. "Gano'n ba kapangit ang katawan ko para mas gustuhin mo pa na nakadamit ako? Wala naman akong bilbil ah."

"Naka-full blast ang aircon oh. Hindi ka pwedeng magkasakit, wala pa tayong mauuwian!" Naghihilahan kami ng kumot ko.

"Panira ka naman sa moment. Gusto ko sabing mag-celebrate eh."

"Bakit? P'wede ka namang mag-celebrate ng nakadamit ah!"

"Nakakainis ka talaga! Paasa! Walanghiya! Sinasabi ko na nga ba pinasasakay mo lang ako. Hindi mo naman talaga ako type. Maladi ka! Malandi, malandi, malandi!" Pinaghahampas ulit ako nito nang ilang beses. Nasasalag ko naman ito. "Kung ayaw mo, 'wag!" Tumakbo ito sa bathroom at nag-lock doon.

Marahan ko namang tinungo ang may pintuan ng bathroom. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto at napakinggang umiiyak si Jasmine sa loob.

"Jasmine..." sinundan ko 'yun ng mahinang pagkatok. "Jasmine, para binibiro ka lang galit ka agad? Alam mo namang alaskador ako di ba? Lumabas ka na, please? Mag-usap tayo...kahit wala kang damit, ok lang?!"

"Che! Umalis ka d'yan!" Bulyaw nito mula sa loob.

Sumandal ako sa may pintuan at saka ko ipinadusdos ang aking likuran sa aking sinasandalan hanggang sa makalupagi na ako sa sahig.

"I'm sorry kung na-offend ka sa behavior ko. I guess, you just have to learn that about me."

"Alin, ang magpahiya sa babae? Gosh! I never felt humiliated. Mabuti pa pala ang ex ko, kahit iniwan ako, at least he made me feel desirable."

"Wag mo nga akong matulad-tulad sa ex mong walang bayag!"

Natahimik ito. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto. Lumabas itong nakatapis lang ng tuwalyang puti. Nagmamadali itong makalampas sa kinaroroonan ko, pero agad naman akong tumayo at hinagip ang braso nito.

"Ano?!" Bulyaw nito sa mukha ko.

"Ayoko lang talaga ng pinangungunahan ako, Jasmine. At ayokong ibigay mo sa 'kin ang sarili mo sa maling dahilan."

Hinatak nito ang kanyang braso. Tahimik itong naglakad papalayo para damputin ang kanyang kamison. Muli nito itong isinuot patalikod sa akin. Muli na rin nitong isinuot ang kanyang panty bago ito humiga, nagkumot at tumagilid patalikod sa kinaroroonan ng higaan ko.

Tinungo ko na rin ang kama ko at naupo sa edge nito paharap sa kama n'ya.

"Hindi kita pinaaasa." Mahinang wika. Alam ko naman kasi na gising pa ito at naririnig pa ako nito. "Ayoko lang gawin natin 'yun dahil masaya ka lang at gusto mong lang mag-celebrate. Kung sa ibang babae 'yun, papayag siguro ako. Sino ba namang lalaki ang ayaw no'n. Pero espesiyal ka sa 'kin Jasmine. Ayokong gawin mo 'yun with me dahil masaya lang tayo o dahil trip lang nating gawin. Kung ibibigay mo sa 'kin ang sarili mo, ang gusto ko, dahil 'to sa mahal mo ako, katulad ng pagmamahal ko sa 'yo."

Sinundan ng nakabibinging katahimikan ang mga kataga kong 'yun.

"Good night, Jasmine." Matapos kong makumbinsi ang sarili ko na hindi na nga ako lilingunin pa ni Jasmine.

SindakOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz